Chapter 2

144 7 0
                                    

Amber's Pov

Nagising ako sa pagtilaok ng manok sa labas. Kinapa ko ang mata ko.

....

Parang kinagat ng ipis sa laki!!!

Asan a... Oo nga pala nabihag pala ako ...

"Tamang-tama lang ang..."

"Anong nangyari sa mata mo? " tanong ni Ate Mikasa sakin.

Tinakpan ko lang ang mata ko.

"Masasanay karin Amber Rose sa bagong paligid mo..." sabi niya.

"Wag niyo na po akong tawaging Amber Rose, Amby nalang for short" sabi ko at lumabas saking kulambo.

"Eto nga pala ang pagkain mo Amby, Pagkatapos ay dadalhin kita sa baraks"

⊙_⊙ Wala naman silang masamang balak di ba?

Okay ang agahan ko ngayon ay tinolang prito. Hmm not bad paborito ko rin tong ulam sa bahay eh.

Agad kong tinapos ang agahan ko at iniligpit ang pinag-tulugan ko.

Dinala narin ako ni ate Mikasa sa baraks na sinasabi niya, may mga drawer at baul dito.

"Kaya dinala kita dito dahil di ko alam ang sukat ng katawan mo para sa mga kasuotan mo" sabi niya at binuksan ang isang drawer.

Nang tumingin ako dun ay mga makukulay na panty ang nandun.

"Medium po ang size ko..." Sabi ko dahil small ang size ng mga panties sa drawer na iyon.

Binuksan niya ang baba ng drawer na binuksan niya kanina at katulad ng nauna tumambad sakin ang mga makukulay na panties.

"Kumuha ka ng 8 diyan" sabi niya kaya sinunod ko siya.

Simple pero may pagka-floral yung design ng mga panties na napili ko, buti nalang may high-cut sila.

Pumunta naman kami sa isang drawer. At binuksan ang nasa unahan na layer.

32 A na mga bra... super liit...

"36 A  po ang size ko" sabi ko at binuksan naman niya ang 3rd layer ng drawer.

"Aba at nabiyayaan ka ng malulusog na hinaharap" puri niya na siyang ikinapula ng mukha ko.

Hindi kasi halata ang dibdib ko sa t-shirt na suot ko.

Pumili ako ng parang triangle yung style dahil comfortable ako doon. Katulad nung una ay 8 rin na bras ang kinuha ko, kung hindi pula,  ay kulay puti or itim ang kulay ng bra na kinuha ko.

Sunod...

Baul...

Binuksan na ni Ate Mikasa ang baul at tumambad sakin ang mga simpleng blusa, saya at bestida. Im not girly so I prefer...

"Bawal magsuot ng pantalon ang mga babae dito" sabi ni Ate Mikasa.

Kaya pala naka t-shirt siya at mahabang saya...

Pumili ako ng 2 bestida, 3 blusa at 3 saya (hanggang tuhod at hanggang takong ng paa).

"Akin na yung ibang dala mo" sabi ni Ate Mikasa at kinuha ang ibang dala ko.

Habang naglalakad kami ni Ate Mikasa papunta sa maliit na bahay kung saan nila ako pinatira ay pinagtitinginan nila ako. Babae,Lalake,Bata at Matanda. My ghad di ako sanay.

"Maligo ka na may tubig na sa banyo mo" Sabi ni Ate Mikasa at nilagay sa higaan ko ang mga damit na kinuha namin sa baraks.

Binigay rin niya sakin yung towel na nakalagay sa bangko.

Accidentally Fall Inlove With A BanditWhere stories live. Discover now