Amber's Pov
Ang sakit ng ulo ko... feeling ko nagkaroon ng maraming bukol 'tong ulo ko...
Tumagilid nalang ako ulit at nabigla ako nang ilang centimeters nalang ang layo ng mukha ko sa kanya...
Tatagilid sana ako sa ibang side pero sakit ng ulo ko kaya matutulog nalang ako ulit kahit na ilang sintemetro ang layo ng mukha niya sakin.
Bakit parang may malambot na bagay na dumampi sa noo ko...
T...teka... di ako makahinga...
Bigla nalang siyang tumanday at yinakap ako ng mahigpit.
Omaighad...
My blood temperature is rising up dahil sa pagka-kilig ko mentally.
At isa pa mabuti narin ang posisyon na ito... ang lamig kasi...
"Enjoy ka naman?"
Minulat ko ang kaliwa kong mata at sinamaan siya ng tingin.
"Manahimik ka masakit ang ulo ko" I said hoarsely and bow my head to hide my blushing face.
"Ge inom pa! Inom ka ng inom di mo pala kaya..."
Teka... di lang problema ang kayang alisin ng alak... pati narin ang...
Wew... hindi naman... may damit parin naman akong suot...
"Mag-aalas nwebe na di ka pa parin babangon?" tanong niya sakin.
"Kung gusto mong bumangon eh di bumangon ka wala namang pumipigil sayo! Basta gusto kong matulog!" namamaos kong sigaw at pilit na inalis ang pagkaka-yakap at pagkakatanday niya sakin.
"Miko!"
Tsk... nandito na naman malandede... (¬_¬)
Akala ata nung Jaica na iyon di ko nakikita... may pa-atik pa siya na ngiti-ngiti kay Miko pero nilalandi naman talaga niya. Trying hard na makita ang cleavage... tch...
"Di muna ako makakasama sayo Jai! aalagaan ko pa ang asawa ko!"
Huh... ๏_๏ ⊙_⊙
Pakiulit nga... pakiulit nga...
"Kaya ikaw Amby bumangon ka na nakahanda na yung pagkain sa mesa..."
Nawala bigla ang sakit ng ulo ko ng marinig ko ang palusot niya para di makasama kay Jaica Landede.
"Oo na..." sagot ko habang palihim na naka-ngiti.
Umalis narin siya... samantala ako....
Kinakagat-kagat ko ang kumot para di ako mapa-sigaw sa kilig.
"Oi Amby halika na! kita mo sa gutom mo kulang nalang pati kumot natin kainin mo!"
Sheyt...
Inayos ko ang sabog kong buhok, ngayon ko lang napansin na nung mapadpad ako dito shoulder length palang ang buhok ko pero ngayon... nasa bandang upper kili-kili na siya na part.
"Oo na!" sigaw ko at dali-daling lumabas sa kulambo at patakbong tinungo ang mesa.
"Asan na ang sakit mo ng ulo?" taka niyang tanong at nilagyan ng kanin ang pinggan ko.
Wala na pinaalis mo na eh ^ω^
"Wala na... gutom lang 'to diba? " nakangiti kong palusot at kinain na ang kanin na wala pa ngang ulam.
"Ahfff!!! Ineeett!!!" mainit pa pala yung kanin tangenaaa.
"Di nga masakit ang ulo mo pero nagkaroon ka naman ng sabit sa ulo"pailing niyang sabi at umupo na.
YOU ARE READING
Accidentally Fall Inlove With A Bandit
AléatoireSa lahat ng taong pwede kong pagka-gustuhan ... bakit sa isang kalaban pa ng batas! Love is blind nga tangina!!!