Amber's Pov
"Nga pala Miko saan ka na titira ngayon?" bigla kong tanong sa kanya habang kumakain ng yoghurt.
Lumabas kasi si mama para magbayad ng bill sa ospital, nakalimutan kong sabihin na nabayaran na iyon ng gobyerno 😂
Wawa naman ni mama matatagalan pa bago maka-akyat sa kwarto ko. Nasa 3rd floor kasi ako, may elevator pero mas gusto ni mama na hagdan nalang para ma-exercise siya.
"Sainyo..." maikli niyang sagot sakin.
Futa muntik na akong mabulunan.
Teka hindi naman ako mabubulunan dahil yoghurt ang kinakain ko.
"Teka? Woah!? Talaga!!! Uhm gusto mo?" I ask as I offer him my yoghurt.
"Wag na at mukhang... di ko rin naman yan magugustuhan"
Suss... kung nakakalakad lang ako na di dinadala ang pole na sabitan ng dextrose ko talagang susubuan kita netong yoghurt ko.
"Okay..." sayang masarap pa naman etong Creamy Delights Greek style Vanilla flavor yoghurt.
"B... baka kasi malaman ng mama mo na kumuha ako..." bigla niyang sabi at tumingin sa mga plastic cups ng yoghurt na di ko pa nakakain.
"Di naman malalaman ni mama na ikaw yung kumain niyan e, kaya kumuha ka na habang hindi pa siya dumadating" sabi ko at nilapag yung cup ng yoghurt na kakaubos ko lang sa bedside table ko.
6 days na kami dito, ngayon pwwde na ako maka-labas ng ospital dahil medyo gumagaling na yung tahi.
Pero infernes ha mas gumwapo siya sa mga damit na sinusuot niya kada araw. Sabi ni mama binilhan daw niya ng damit si Miko dahil wawa daw walang damit pamalit.
Saktong pagkalapag ni Miko nung naubos niyang yoghurt ay bumalik na si mama.
"Wala na pala tayong dapat bayaran Amber, bakit hindi mo naman sinabi sakin na nabayaran na yung hospital bills mo?" nakataas kilay na tanong ni mama as usual.
"Nakalimutan lang ma..." pagpapalusot ko.
"Ilang segundo lang ay pupunta na dito yung nurse para tanggalin yang dextrose mo" sabi pa ni mama habang pumipili ng damit na susuotin ko sa maliit kong maleta.
Totoo nga ang sinabi ni mama, tinanggal na ng nurse ang dextrose sa kamay ko at nakita kong nangingitim na yung parte kung saan naka-inject yung dextrose needle ko. Epekto ng pagalalaro ko ng dugo sa dextrose ko.
Kinuha ko na yung damit na pinili ni mama at pumasok na sa cr.
Simple lang naman ang suot ko, Skinny jeans at T-shirt na may print na BTS at ang pangalan ng bias kong si Taehyung or V.
Lumabas na ako sa cr and ready na ang lahat... aalis na kami sa hospital.
Pagkalabas namin ay....
Fotaaaa sinalubong ako ng itim na usok mula sa dumaan na sasakyan.
"Dapat hindi na iyon pumapasa sa LTO, smoke belcher na yun" bulong ni mama at nagpara ng sidecar papunta sa bus terminal.
Mga 4 hours pa ata ang biyahe Baybay to Tacloban kaya matutulog lang muna ako sa biyahe.
Nagising ako nang maumpog ang ulo ko sa saradong bintana. As always pag-sumasakay ako ng bus.
"Asan na tayo ma?" tanong ko kay mama habang abala sa panonood ng mga kakaibang rock formation na nadadaanan namin.
"Nasa Dulag palang tayo nak" sagot ni mama na abala sa cellphone niya.
Samantalang si Miko tulog parin.
Sabi ni mama sinarahan daw ni Miko yung bintana dahil biglang umulan nung nasa kalagitnaan ng biyahe dun sa Mayorga.
YOU ARE READING
Accidentally Fall Inlove With A Bandit
De TodoSa lahat ng taong pwede kong pagka-gustuhan ... bakit sa isang kalaban pa ng batas! Love is blind nga tangina!!!