Shot One

19 2 0
                                    


Ang kwarto ni Jacklyn Palma kung tawagin sa palayaw ay Jacky ay sobrang napakatahimik at napakapayapa, kaya naman ang dalaga ay nasobrahan ng tulog at hindi namalayan na sya ay mahuhuli na sa kanyang klase.









"Ahhhhhhhhh naku naman" sigaw ni Jacky ng magising at tumingin sa orasan.


Hindi na sya nagpaligoy-ligoy pa at agad-agad na naghilamos, naligo, at nagbihis para pumasok.



"Sige Nang, Pang alis na po ako" paalam nya sa magulang nang makalabas ng kwarto sabay kuha ng tinapay na may palamang peanut butter sa lamesa at agad na kinagat ito.

Hindi na napigilan ng mag asawa ang anak para pakainin nang mabilis itong nakalabas agad ng bahay.





Takbo sya ng takbo papuntang terminal para maabutan ang papaalis na bus pero hindi nya ito naabutan kaya bagsak ang kanyang balikat isabay pa ang sunod-sunod na malalalim na paghinga nito dahil sa pagod sa pagtakbo.

Dismayado syang umupo sa hintayan at naghintay muli ng masasakyan.


Habang naghihintay, tingin sya ng tingin sa kanyang relos dahil late na syang sobra sa unang klase nya na terror pa naman ang guro.

"Hayyy wala na, late na ako. Hindi na ako makakapasok sa klase ni Ma'am Cherry Boom. Baka pag nagpumilit pa akong pumasok mapahiya pa ako. Hayyyyy" buntong hininga nyang sabi sa sarili.

Kilala nya ang kanyang guro palibhasa tumandang dalaga kaya ano na lamang ang pagka-sungit at bitter nito.

Ilang minuto na ang lumipas, maraming jeep na ang dumadaan sa hintayan pero minsan puno na at minsan naman ay nauunahan sya sa pagsakay kaya hindi mapigilan ni Jacky ang mainis.

"Haisst naman, wala man lang konsiderasyon ohhh. Hello, estudyante ito mga tsong, pasakayin nyo na ako." Himutok ni Jacky saka upong muli.

Tiningnan na lang nya ang jeep na sanang sasakyan nya papaalis dahil naunahan sya ng mga lalaking tambay sa kanto.

Nang tumingin sya sa kabilang side, biglang nag slow motion ang lahat ng sasakyan pati tao nang makita nya ang isang lalaki napakagwapo.

Maputi, matangos ang ilong, namumulang labi, at tila sumasayaw sa ere (kahit basa pa) nyang kulay tsokolateng buhok, saktong pangangatawan at tindig, mapupungay na mga mata, mahabang pilik-mata, overall perpektong mukha at katawan na katangian ng lalaking pinapangarap nya na akala lang nya ay sa panaginip lang makikita.

Pero heto't tila totoong totoo ang lalaki na ngayon ay seryusong nakapamulsa ang dalawang kamay  sa suot nitong school uniform na naglalakad papunta sa kinauupuan nya.

Kahit napaka seryuso at nagmumukhang masungit ang lalaki ay hindi naapektuhan ang kagwapohang taglay nito, bagkus lalo lang itong dumagdag sa sex appeal ng lalaki.




Tulala si Jacky na sinundan lang ng tingin ang lalaki, kaya hindi nya namalayan na may sasakyan kanina na hindi puno ang dumaan sa kanyang harapan.




Napaangat ang tingin ni Jacky ng malapit na ang lalaki sa kanyang kinalalagyan, bigla syang napatayo at agad na nagpakilala sa lalaki na hindi man lang sya tinatapunan ng tingin.

"Hi... I'm Jacklyn Palma, Jacky for short. You can also call me yours if you want hihihi" kinikilig nyang pakilala sa kanyang sarili at tila inasinan syang bulate na hindi mapakali sa kanyang tinatayuan.

Walang tugon naman ang lalaki at patuloy lamang ito na tumingin sa daan para mag abang ng sasakyan.



Kahit sinupladohan si Jacky ay hindi sya nagpatinag.

"Parehas pala tayo ng paaralan na pupuntahan, gusto mo sabay tayo?" Super kinikilig pa rin nyang sabi.

*No response*


"Ay bongga, na-facebook ate nyo. No comment" bulong nya sa sarili pero gora pa rin sya.



"Uiii sige na tsong, sabay na tayo" kulit nya sa lalaki with matching pahila pa sa polo shirt nito.

Hindi naman mapigilan ni Jacky na kiligin dahil amoy nya ang pabango na manly scent na amoy ng lalaki.


*Still no response*




Magsasalita pa sana si Jacky nang may tumigil sa harapan nila na isang bus saka sumakay ang lalaki kaya sinundan nya ito.

"Uiii kung siniswerte nga naman. Isang mag-partner na upuan na lang ang wala pang tao, yes makakatabi at maamoy ko itong si kuyang amooy baby hihihi" kilig na bulong ni Jacky sa sarili.



At umalis na ang bus na kanilang sinasakyan...

RegretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon