Author's Note

1.3K 25 10
                                    

Hello po sa inyong lahat lalo na sayo na sumubok na buksan at basahin ang gawa ko... Hindi naman po talaga ako isang writer. Pero nakatuwaan ko lamang na subukan. Hindi dahil gusto kong magpapansin o kung anuman. Lalong hindi din po upang makipagsabayan sa mga mahuhusay na writers na talaga namang hinahangaan ko dito.

Gusto ko lamang pong gawin ito bilang isang libangan. Dahil araw-araw pagod sa trabaho, nais ko naman na mapahinga ang isip ko kahit papaano. At makapagbahagi sa mga mambabasa ng isang kwento na magaan lang ang dating, makakapagpangiti, at magsasabi sa atin na masarap pa din talaga ang magmahal at mahalin. At kahit na talikuran at takbuhan pa natin ang ating kapalaran, kapalaran pa din ang maglalapit sa atin patungo sa dapat nating puntahan at kalagyan. Puso ang magtuturo ng daan pabalik o papunta sa taong sadyang para sa atin.

Bigla na lamang pong pumasok ang ideyang ito sa isip ko. Alam ko, madami na tayong narinig at nabasa na mga kwentong katulad nito. Stories of unrequited love and chasing games, ika nga.

Ang inyo pong mababasa at matutunghayan ay pawang mga likhang isip lamang, anumang pagkakahawig sa tunay na buhay ay hindi po sinasadya.

Ibinabahagi ko po sa inyo ang isang maikling kwento ng habulan ng dalawang tao na nakatakda naman talagang magmahalan at magkasama sa buhay. Ngunit hindi sila nagsimula sa magandang paraan.

Saan kaya sila makakarating sa kanilang paghahabulan?

Samahan po natin sina Honey at Bee sa kanilang pagtakbo palayo at pabalik sa isa't isa...

Maraming salamat po! Sana ay magustuhan nyo....

Nagmamahal,

-Cath-

Honey and BeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon