Habulan VIII - Ang First Date

159 20 17
                                    

Hindi ako makatulog ng unang gabi na nakasama ko si Honey Lae sa iisang kwarto. Pano ba naman kasi, sino ba naman ang mag-aakala na nandito din sya at na magkikita kami dito sa Boracay. Hindi din ako makapaniwala na nangyari ang lahat ng nangyari kanina. Mula sa pagkuha nya sa wallet ko, hanggang sa makasama ko nga sya dito, at hayan sya at natutulog lang sa kama malapit saken.

Ni minsan, mula ng mangyari ang nangyari nung High School kami sa school gymnasium, ay hindi ko na pinangarap pa ang makasama sya na katulad nito. Masyado nya akong nasaktan. Masyado ba kong OA? Kasi hindi naman naging kami eh. Pero sino bang hindi masasaktan sa paraan ng pag-reject nya saken diba? Sa mga taong nagdaan, pinilit ko syang kalimutan, maging ang nararamdaman ko para sa kanya. Sya man ang first love ko, parte na lamang sya ng nakaraan ko. At dahil sa kanya, may natutunan ako, bakit nga ba ako magmamahal ng isang tao na hindi naman ako kayang mahalin pabalik? Hindi na nga nya ko minahal, tinapakan pa nya ang pagkatao ko. Kaya kung iniisip nya noon na hindi ako ang karapat-dapat na lalaki para sa kanya, pwes, hindi din sya ang karapat-dapat na babae para saken, kaya quits lang.. hehe...

Ngumiti saken ang tadhana, at nagbago ang ikot ng mundo ko. Siguro naman alam niyo na yung kwento diba? Kaya hindi ko na uulitin pa... Baka maging boring na yung POV ko.. hehe  Basta ako na ngayon si Beethoven Piangco del Castillo. Isang Mechanical Engineer na nagtapos sa isang prestigious school of Engineering and Technology sa US. Ahmm.. at syempre, di pwedeng di ko banggitin na anak ako ng isa sa mga tinatawag na old rich sa Batangas, yun nga lang, habang-buhay ng ang magiging tingin saken eh anak lang daw sa labas. Haaayyy... Kung iniisip nyo na may sinasabi na ko sa buhay at na nagbago na ko. Isa lang ang sagot ko. MEDYO.. Hindi na kasi talaga ako katulad ng dati. But one thing is for sure, I kept my feet on the ground. Nagbago man ako sa madaming bagay, hinding hindi ko pa din nakakalimutan ang mga turo at pangaral noon saken ni Nanay.

Four years ago, hindi ko inaasahan na makikita ko si Honey sa pageant na yun. Unang una, isa syang pribadong tao maging ang pamilya nya. Oo, maganda talaga sya, walang kaduda-duda, pero nung High School kasi kami, madaming beses na syang inalok na maging Ms. Sta. Teresa College sa High School Department, pero madaming beses din nyang tinanggihan. Hindi daw nya kasi gusto ang mga ganung bagay. Madami naman daw iba pa na pwede sa title na yon.

Mula ng matapos ang graduation, hindi na ko nakibalita pa ng kahit ano tungkol sa kanya. Hindi dahil sa iniwasan ko, hindi na lang talaga ako naging interesado pa. Nagpakabusy na kasi ako sa buhay ko at sa pag-abot ng mga pangarap ko. Kaya isang malaking palaisipan saken ang pagsali nya don. Kaya ng maging isa ako sa Panel of Judges, at ako ang napili para magbigay sa kanya ng tanong sa Q&A portion, naisip kong ibigay sa kanya ang tanong na yun. Gusto ko lang malaman kung katulad pa din ba sya ng dati na masyado pa ding brat at makasarili, at walang pakialam sa mga taong nasaktan nya dati. At sa sagot pa lang nya, na wala syang gustong baguhin sa past nya, wala pa din syang ipinagbago, kaya naman hindi ko tinanggap ang sagot nya na naging dahilan ng pagkatalo nya sa pageant. Ang babaw ko ba? Hindi naman siguro. Kilala ko lang kasi si Honey. Hindi lang puro ganda ang tinitingnan sa pagpili, kasama na dun ang buong personality ng isang candidate. At para saken, hindi sya deserving na maging Bb. Lungsod ng Batangas. Maybe she's got the looks, but not the character...

Sumunod na pagkikita namin ay sa DCEPCM na, kung san sya sumubok mag-apply bilang isang Administrative Assistant. Kadadating ko lang nun from the US, at newly appointed pa lang as Operations Manager. Naglalakad ako nun sa may lobby papunta sa may elevator ng mahagip sya ng mga mata ko na nakaupo sa lobby ng first floor malapit sa HR Office. Mabilis kong tinanong ang receptionist na naka-assign sa first floor kung applicants ba yung mga nandun. At ng sabihin nyang oo, nakabuo agad ako ng plano. Hinanap ko sa kanya ang CV ni Honey Lae at inutusan ko din sya na paakyatin sa opisina ko si Honey. Bago pa man sya makarating sa opisina ko ay mabilis kong pinag-aralan ang resume nya. At hindi ako makapaniwala na undergrad sya. Bakit kaya? Anong nangyari? Bakit hindi sya nakatapos? At bakit wala syang ibang experience kungdi ang magtrabaho sa Jollibee ng ilang taon. Ano ba talagang nangyari?

Honey and BeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon