Habulan IV - Ang Beauty Pageant

175 22 7
                                    

Three years after High School graduation ng biglang kunin samen si Papa dahil sa isang car accident. He was on his way to Makati ng biglang may sumalpok na truck sa sasakyan nya. He was declared Dead on Arrival sa hospital na pinagdalhan sa kanya. Ni hindi man lang kami nakapagpaalam sa kanya ng maayos.

Dahil Chinese si Papa, sinunod namin ang Chinese traditions and we had him cremated, then took his ashes at home. We were truly devastated. Lalong lalo na ako. Masyado kasi akong Papa's girl eh. Dalawa kaming magkapatid, I have a brother who's 5 years younger than me pero laging sinasabi ni Papa na ako daw ang Princess niya. And that one day, ako ang magmamana ng Chinese Restaurant namen. Kaya nga Hotel and Restaurant Management ang kinuha kong course nung College. People say that I really look like him. Sa kanya ko daw nakuha hindi lang ang physical traits ko, kundi pati ugali, while my brother naman, mas kamukha sya at kaugali ni Mama, Pinoy na Pinoy.

We were still grieving and still in denial that Papa's gone, ng isang araw ay ginulat kami ng biglang pagdating sa bahay ng lawyer ni Papa na may kasamang isang Chinese woman in mid-50's. And you wouldn't imagine our shock ng magpakilala sya samen. Nalaman namin na sya pala ang totoo at unang asawa ni Papa na naiwan sa China at meron silang tatlong anak. At kami na nandito sa Pilipinas ay pangalawang pamilya lang. Sabi sa batas, null and void daw ang kasal nila Papa at Mama dito sa Pilipinas dahil kasal na si Papa sa China. HIndi lang daw nanggugulo dati samen yung unang asawa dahil natatakot sa influence ni Papa sa Chinese Authorities.

Bigla kong naalala, na kahit minsan nga pala, hindi kami dinala ni Papa sa China para makilala namin ang pamilya nya. Hindi din nya kami sinabihan na mag-aral magsalita ng Chinese dahil TagLish ang usapan sa bahay. Alam ko may mga kamag-anak si Papa dito sa Pilipinas dahil may mga pagkakataon na umaalis sya para umattend ng mga reunions nila at Chinese gatherings, pero ni minsan, hindi nya kami isinama at ipinakilala. Parang inilayo kami ni Papa sa Chinese traditions at sa mga bagay na magbibigay ng hint tungkol sa pagkakaroon nya ng unang pamilya. Ngayon ay naiintindihan ko na ang lahat.

Gulat na gulat kami, lalo na si Mama. Hindi sya makapaniwala na magagawang itago ni Papa ang tungkol sa pagkakaroon nya ng unang pamilya. At mas lalo pang lumala ang sitwasyon ng sabihin ng unang asawa ni Papa na bilang una at totoong asawa, gusto nyang bawiin lahat ng bagay na dapat ay sa kanila naman talaga. Lahat ng properties na naiwan ni Papa, yung bahay na tinitirhan namin na hindi nailipat ni Papa sa pangalan ni Mama, yung bank accounts, yung mga sasakyan, yung shares ni Papa sa ibang kumpanya, at maging ang Chinese Restaurant na inakala ko na pagdating ng araw ay ako ang magiging reyna...

Gusto sanang dalhin ni Mama sa korte ang issue, pero wala kaming pera upang ipambayad sa isang Abogado de Campanilla. Left with no other choice, umalis kami sa bahay at iniwan ang lahat ng yaman at luho na tinamasa namin nung buhay pa si Papa... Sa isang iglap nawala samen ang lahat......

Napilitan kaming mangupahan sa isang maliit na apartment. Si Mama ay kumuha ng isang maliit na pwesto sa palengke at nagtinda ng mga grocery items. Ang kapatid ko na si Yuan ay napilitang magtransfer sa isang public school. At ako naman.....

Ako na ata ang pinakanaapektuhan sa lahat ng nangyari. Aaminin ko, maarte ako, maluho at masama ang ugali. Siguro dahil akala ko lahat ay kayang bilhin ng pera. Naging masyado akong mayabang at mapagmataas. Hindi ko matanggap na wala na kaming pera, hindi nakatira sa isang malaking bahay, wala na ang ipinagmamalaki namin na Chinese Restaurant at higit sa lahat, kailangan ko magcommute kapag papasok sa school.

Nung una ay pinaguusapan sa school ang nangyari sa pamilya namin. Magkakasama pa din kami ng Fab Girls nung College, pero pagkatapos ng nangyari sa pamilya ko, lumayo sila saken at hindi na ako isinama pa sa grupo. Ang tao pala, kapag walang pera, wala ding kaibigan. Pero may isa na nag-stick saken at hindi ako iniwan. Sya si Melody na isa ding member ng Fab Girls, mas pinili nya ang samahan ako at manatiling kaibigan ko. Sya ang naging totoong bestfriend ko at kasa-kasama sa hirap at ginhawa.

Honey and BeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon