Habulan II - Ang Pagkakalapit

185 26 16
                                    

Sa araw araw na nakikita ko sya sa noon sa school, hindi ko alam kung bakit parang ang saya saya ko. Kahit na wala naman syang ibang ginawa kung hindi ang irapan ako at tingnan ng masama sa tuwing magkakasalubong kami.

Sa tuwing nakaupo sya noon sa bench habang masayang nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan nya, pinagsasawa ko ang mga mata ko sa kagandahan nya. Kahit na palagi na lang siyang umiismid sa tuwing mahuhuli nya ko na nakatitig sa kanya. Araw-araw na din akong naglilinis ng tenga para naman malakas kong maririnig ang boses nya kahit pa magkalayo man ang distansya namin.

Araw araw ganun lang ang nangyayari. Sa loob ng pitong buwan, halos mamemorize ko na nga lahat ng paborito nyang pagkain. Maging ang mga mannerisms nya. Pati ang pagiging supladita nya sa ibang tao at ang mga kaartehan nya. Maging ang kanyang paglingon sa bandang kanan kung may makakakuha ng atensyon nya. Ang pagtaas na bahagya ng labi nya sa tuwing may makikita syang kakilala at hindi nya gusto. Ang bahagyang pagkunot ng noo nya sa tuwing may ginagawa syang assignment dun sa may bench at mukhang hindi nya naiintindihan. Maging ang pagkagat nya sa bandang dulo ng hawak nyang ballpen sa recitation at wala syang maisagot. Nakita ko kasi sya na nakatayo at ginagawa yun ng minsan akong mapadaan sa classroom nila.

Tinitingnan ko sya mula sa malayo at kahit minsan, hindi ako nangahas na lumapit sa kanya. Siguro dahil alam ko na ayaw naman nya saken, kahit na nga maging kaibigan lang sigurado ako na hinding hindi nya ko tatanggapin. Sa totoo lang, madami akong ginawang sulat para sa kanya. Doon sa mga sulat na yun, ipinaaalam ko kung gaano ko sya hinahangaan. Pero alam ko hindi lang simpleng paghanga ang nararamdaman ko. Alam ko, mas mataas pa yun dun. Infatuation? Pwede. Pero hindi eh.... Alam ko, mahal ko na sya.

Iniisip nyo siguro torpe ako. Pero hindi noh! Alam ko lang kung saan ako dapat lumugar. Ang mga katulad ni Honey Lae ay hindi mangangarap na magkaroon ng isang kaibigan o kakilala na katulad ko. Masyadong malayo ang agwat namin sa isa't isa. Sa status na lamang ng kabuhayan namin, kitang kita na, mayaman sya, mahirap ako. Maganda sya, ako naman, well, cute? Eh kasi nga medyo chubby pa ako nun eh.... Kaya cute na lang, isa pa humble ako eh.. Pero walang wala pa din talaga ako kung ikukumpara sa lalaking tipo nya. Yun nga, si James. Ano lang ba ang maipagmamalaki ko? Meron naman eh. Binigyan ako ng Diyos ng talino, at alam nyo ba? Running for Valedictorian ako ng mga panahon na yun. Noon, yun lang ang masasabi ko na advantage ko sa buhay.

Pero sadya yatang mapaglaro si Kupido. Kasi naman, isang araw si Honey na ang kusang lumapit saken.........

"Pssssttt... Piangco..." Natigilan ako sa sinosolve ko na Math equation sa may bench ng marinig ko na may tumawag saken. Halos manlaki ang mga mata ko ng makita ko kung sino yun. Huh? S-Si Honey ba talaga tong nasa harap ko ngayon at sobrang lapit namin sa isa't isa. At teka lang, tinawag nya kong Piangco? Kilala nya pala ko? Wow naman! At himala yatang mag-isa lang sya at hindi nya kasama ang Fab Girls, buti naman... hehehe

"Ahmmm... Yes Ms.? Ahmmm... Tawag mo ko?" Ano ba yan! Ang tanga ko nga naman. Hindi ko kasi alam kung anong dapat kong sabihin eh. Nahihiya talaga ko. At isa pa, hindi pa ko nakaka-get over sa pagkagulat.

Bahagyang tumaas ang kilay nya. "May iba pa bang Piangco sa school na to? And besides, sayo ako nakatingin diba, so siguro nga ikaw yung tinatawag ko, right?"

Napalunok ako at parang napahiya sa sagot nya. Para kasing ang bobo ko lang. Ganun ba talaga kapag nasa harap mo ang taong gustong gusto mo? Para ka ng nawawalan ng sense kausap.

"Ah, oo nga noh? Hehe Pasensya ka na ha. Ahmmm... May kailangan ka po ba saken Ms.?"

Umismid ulit sya bago sumagot. "Yeah... Kailangan ko ng tutor sa Math para makapasa ako sa Final Exams. Ang sabi saken ni Mrs. Cordero, ikaw daw ang lapitan ko. So, are you willing to help me out or not?"

Honey and BeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon