Bakit ko ba naiisip ang mga bagay na sinasabi ko ngayon? Na kung sya ang kasama ko habang basang basa ako sa ulan, ay wala na siguro akong mahihiling pa? HIndi tama 'tong nararamdaman ko. Hindi kasi dapat ganito eh. Hindi dapat ako naaapektuhan sa kanya ng ganito. Tama... May magic spell lang siguro na kasama 'tong ulan na to kaya naman kung ano ano na ang naiisip ko. At hindi ako dapat magpadala sa magic spell na yun o kung anuman ang pwedeng itawag don. Kaya naman kahit ayoko, mas naging madali saken ang sigawan na lang sya at maggalit-galitan kesa ang pansinin pa ang kung anuman na nararamdaman ko...
"Honey! Ano ba yang ginagawa mo? Para kang bata dyan! Hindi ka na bata para maglaro pa sa ulan. Bilisan na lang natin para makabalik na tayo sa hotel." sabi ko.
"Hmp! Ang KJ mo naman... Pareho din naman yun eh, mababasa din naman tayo, kaya ienjoy na lang natin tong ulan o..." sagot nya.
"Magkaiba yon! Kasi para kang bata dyan. Naglalaro ka pa. Tara na nga! Kapag nagkasakit ka pa dyan, sagutin pa kita! " sabi ko.
Hindi sya sumagot. Pero nakita ko na ibinaba nya ang mga kamay nya at napatingin sya saken. Bahagyang kumunot ang noo nya. Nakita ko din ang lungkot na dumaan sa mga mata nya, pero hindi ko yun pinansin. Nauna na ko lumakad palayo. Naramdaman ko naman na sumunod sya saken. Nagmadali kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa room namin. Bukas ko na lang ibabalik yung mga mountain bikes dun sa rental shop. Ibinilin ko na lang yun sa baba.
"Mauna ka na gumamit ng banyo. Bilisan mo ha.. Nilalamig na din ako dito.." sabi ko.
Hindi sya sumagot. Nakita ko lang sya na kumuha sa drawer ng mga gagamitin nya. At pagkatapos ay pumasok na sya ng banyo. Pagkapasok nya sa loob, napaisip naman ako sa ikinikilos nya. Masyado syang tahimik. Something na hindi sya.. Dahil mula ng magkasama kami dito sa Bora, napansin ko na may kadaldalan sya. Mahilig magkwento, ngumiti, tumawa, sa kabila ng ilang mga kaartehan nya. Okay.. Parang alam ko na kung bakit sya tahimik. Siguro dahil yun sa mga sinabi ko kanina. Alam ko naman medyo harsh yun eh, pero mas mabuti na yun.. Ganun pa man, parang masama sa pakiramdam ko na makita syang tahimik, at may posibilidad na hindi nya ko kibuin. Haaayy.. Makabawi na nga lang...
Kinuha ko yung menu at pagkatapos ay tumawag ako at umorder ng pagkain... Paglabas nya ng banyo...
"Ah.. gutom ka na? Nakaorder na ko ng pagkain ha. Baka dumating yung room service habang nasa banyo ako. Kaw na lang tumanggap ha." sabi ko.
"Ok. Pero hindi ako gutom. Kaw na lang kumain.." matabang nyang sagot saken.
"Hmmm.. Talaga? Di ka gutom? Inorder ko kaya yung favorite mo.. At may kape.." sagot ko na nakangiti. Hindi sya sumagot.. Nakita ko na sinuklay nya yung mahaba nyang buhok... Ok.. Kung ayaw nya ko kausapin, eh di wag... Pumasok na lang ako sa banyo at naligo.
Paglabas ko, nakita ko na nakaready na yung pagkain namin dun sa dining table. Nakaupo din sya dun.
"Grabe Bee.. Ang tagal mo maligo.. Bilisan mo nga.. Gutom na gutom na ko o..." sabi nya saken na may kasamang pag-irap...
"Haha.. O kala ko ba di ka gutom? Oo na andyan na.." sagot ko. Hmmm.. mukhang okay na sya.. Yun pala ang weakness nya.. Spaghetti and coffee... Napangiti na lang ako.
"Kanina lang ako hindi gutom.. Gutom na ko ngayon.." sagot naman nya.
Habang kumakain kami, bigla akong napahatching.. At naramdaman ko na parang mabigat ang ulo ko... Para din akong pinagpapawisan ng medyo malamig... Pero hindi ko yun sinasabi kay Honey. At di ko rin yun pinansin. Sa tingin ko kasi, sisipunin ako. Dahil siguro 'to sa pagkakabasa namin sa ulan kanina. Kaya naman maaga ako nagpahinga at natulog ng gabing yun, nakatulugan ko na ang pagtawa nya sa panonood ng TV.
BINABASA MO ANG
Honey and Bee
RomanceJust another short and simple tale about love and chasing games.....