Habulan VII - Ang Unang Gabi

169 24 12
                                    

Malayo layo din ang nilakad namin ni Bee bago kami makarating sa hotel kung san sya naka-check in. Wala kaming naging imikan habang nasa daan kami at naglalakad. Maraming tanong ang naglalaro sa isip ko ng mga oras na yon. Gaya ng ano kaya ang nangyari at biglang naging mayaman si Bee? Iba na din ang surname na gamit nya. Pano sya naging isang Del Castillo at kapatid pala nya sina James? Sya na ba ang dati kong kakilala at schoolmate na si Beethoven Piangco? Ibang iba na talaga sya ngayon. Dati kasi, kahit sobrang talino nya at sikat sa school, parang wala syang tiwala sa sarili nya. Pero ngayon sa tuwing pagmamasdan ko sya, parang sigurado na sya sa bawat galaw nya. Mukhang madami na din syang naging achievements sa buhay. Mukhang malayo na talaga ang narating nya. Hindi katulad ko. Haaaayyyy... The irony of life. Yun dating Bee na minamaliit ko ang pagkatao, ay sya na ngayong may kakayahan para tulungan ako. Naging napakababaw ko pala. Sa buhay pala, lahat ng bagay ay walang kasiguraduhan, lalong lalo na ang kayamanan.

"Oh, Honey, bat andyan ka pa? Andito na tayo. Bilisan mo naman." natigil ako sa pagmumuni muni ko ng mga realizations ko ng marinig ko syang magsalita. Ano daw? Tinawag nya ba kong honey? Eeeee... pangalan ko nga pala yon. Parang masarap kasi sa pakiramdam nung tinawag nya ko sa pangalan ko. Parang.... endearment... Argggghhh... Bakit ba ganito naiisip ko? At bakit ganito ang nararamdaman ko?

"Huh?" sagot ko. Napatingin ako sa paligid ko at nagulat ako ng makita ko na nasa lobby na pala kami ng hotel kung san sya tumutuloy. Hindi ko pala namalayan na nandito na nga kami, sunod lang kasi ako ng sunod sa kanya kanina. 

"We're already here. Tara na sa room ko. Okay ka lang ba dyan sa dala mo?" tanong nya saken habang papasakay kami ng elevator.

Hello... ngayon lang nya naalala na kamustahin ako sa dala kong gamit? Eh mula nga sa kabilang hotel ako na ang nagbitbit nito eh. Hindi nga nya ko naalala tulungan... At teka lang, paki-rewind nga..... Sabi nya "room ko".. Bakit?

"Yup, ok lang naman ako sa bitbit ko. Nabitbit ko na nga hanggang dito eh." medyosarcastic na sabi ko na nakangiti na medyo fake. "Pero bakit sa room mo? Mamaya mo pa ba ko ikukuha ng room after natin magdinner?" tanong ko sa kanya.

"Huh? Ano'ng ikukuha ng room? Dun ka mag-i-stay sa room ko." sagot nya saken.

"Huh? Teka lang. Ano'ng dun mag-i-stay sa room mo? Hindi pwede yun. Wala sa usapan natin yun ah." sabi ko.

"Teka lang ha. Just to make things clear, sa lagay ba eh ako na nga ang nagbayad dun sa bills mo sa kabilang hotel, at hindi ka din pala malakas kumain noh? Kung ano ano pala inorder mo don. Nakain mo ba lahat yun? Anyways, idagdag pa yung pambili mo ng ticket pauwi sa Batangas and yung nasira kong cellphone and laptop. Akin na lahat ng expenses, tapos ikukuha pa kita ng room?" sabi nya saken.

Sa isip isip ko, agree naman ako sa mga sinabi nya. Kaso, tama ba yun? Yung fiance ko nga ikinuha ako ng separate room eh. Tapos ngayon makikishare ako ng room sa isang lalaki? Tama ba yun?

"Ahmmm... Ok sige, pero umayos ka Bee ha. Wag na wag ka magkakamali! Dahil hindi ako magdadalawang isip na lumaban kapag naisipan mong may gawing masama saken." pagbabanta ko sa kanya. 

Natawa sya sa sagot ko sabay sabi na "What? Ano naman ang gagawin ko sayo? Honey, you're not my type. At least, not anymore. So rest assured na wala akong maiisip na gawin sayo..." sagot nya saken.

"Good. Mabuti na yung malinaw." sagot ko sa kanya. Pero bakit ganun? Nung marinig ko ang mga sinabi nya, parang nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. Parang medyo masakit......

Nasa may 3rd floor ang room nya. Mabilis naman kami nakarating don. At nung buksan nya ang pinto at makita ko ang loob, labis akong humanga sa naging taste ni Bee sa pagpili ng room. Napakaganda kasi sa loob, oriental ang dating. Sobrang nakakarelax yung aura ng paligid. At ng magpunta ako sa may veranda, alam ko na kung bakit ito ang napili nya. Mula kasi dito ay tanaw na tanaw ang kagandahan ng buong isla.

Honey and BeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon