Habulan V - Ang Job Interview

188 23 10
                                    

On that day ng Job Interview ko sa Del Castillo Engineering, Procurement, and Construction Management or DCEPCM, kahit sobra akong kinakabahan, hindi ako nagpahalata and I wore my best smile. Alam ko lahat ng applicants na makakasabay ko ay mga mas competent kung ikukumpara saken. Alam ko din na mas matatalino sila kesa saken. Edge ko na lang na masasabi ay yung meron akong kakilala na dito nagttrabaho, yun ngang pinsan ni Melody na si Kuya Vince.

Nasa may lobby ako nun kasama ng iba pang mga nakaschedule para sa interview. Meron ng tatlo na tapos ng mainterview sa loob. Sa tuwing may lalabas, tinatanong sila ng ilan pa sa mga natira sa labas kung ano ang nangyari sa loob. Pero palagi nilang sinasabi na tatawagan na lang daw sila ng company. Sabi nga sa policy, "Don't call us, we'll call you." Hmmm... pero sa tingin ko, hindi lang sila napili talaga.

Abot abot ang dasal ko nun na sana ay ako ang mapili. God knows kung gaano ko kailangan ang trabahong to. Naaawa na ko kay Mama sa pagtitinda nya sa palengke. College na din ang kapatid ko sa isang State University. Nagttrabaho pa din naman ako sa Jollibee. Pero hindi talaga sapat ang kinikita namin ni Mama kahit magtulong pa kami. Nagbabayad kami ng upa  ng apartment, nagbabayad ng tubig at kuryente, pagkain sa araw araw, baon ni Yuan sa school, at kung ano ano pa. Hindi na nga ako nagloload sa cellphone ko eh, kasi sayang din naman, pandagdag ko na lang sa pamasahe ko.

Maya maya ay narinig ko ang pangalan ko na tinawag ng Receptionist....

"Ms. Honey Lae. Please proceed to the Office of the Operations Manager. It's on the 5th Floor, right wing. He will be the one to do the interview." sabi nya na nakangiti saken. Tiningnan ako ng iba pang applicants. Based sa pagkakatingin nila saken, alam ko agad na iniisip nila na special treatment ako. HR Manager kasi ang naginterview sa iba. Samantalang ako pinapatawag ng Operations Manager mismo. Haayyy... The perks of having a bestfriend na may relative na nagttrabaho sa ganitong company. Feeling ko talaga malaki ang chance na matanggap ako...

"Ok Ms... Thank you." sagot ko sa kanya na nakangiti din.

Mabilis akong tumayo at hindi ko na pinansin pa ang mga tingin ng iba pang applicants. Sumakay ako sa elevator papunta ng 5th Floor. Mabilils ko namang nahanap ang office ng Operations Manager. Nilapitan ko ang nakita kong Receptionist sa labas at sinabi ko na ako ang applicant na nakaschedule for interview. Ngumiti naman din sya at sinabihan akong pumasok na dahil kanina pa daw ako hinihintay. Nagpasalamat ako sa sa kanya at kumatok sa may pinto ng office.

"Come in." narinig kong sabi ng nasa loob. Pinihit ko ang door knob at itinulak ang pinto. Pagpasok ko sa loob, nakita ko na nakatalikod sya saken habang nakaupo sa swivel chair nya.

"Good Morning Sir. I am Honey Lae and I am here for the job interview." sabi ko.

Hindi sya sumagot, mukhang busy sya sa pagbabasa ng resume ko na nakita kong hawak hawak nya. Dahan dahang humarap saken ang upuan maging ang lalaki na nakaupo. At halos manlaki ang mga mata ko sa gulat ng makita kung sino sya....

"Good day to you Ms. Honey Lae. Please take a seat..." sabi nya.

Kahit nangingig ang tuhod ko sa sobrang kaba, inis, galit, at halo halong emosyon, nagawa ko pa ding maupo sa upuan na katapat nya. Nakita ko ang pangalan nya sa mesa nya na nag-he-hello saken...

Beethoven Piangco del Castillo - Operations Manager

Is this some kind of a joke? Sa mga nangyayari, hindi na kasi nakakatuwa. Kaharap ko na naman ngayon ang lalaking dahilan kung bakit hindi ako nanalo sa Bb. Lungsod ng Batangas 2 years ago. Ang lalaking nagpahiya saken sa harap ng napakaraming tao at ang dahilan kung bakit mahirap pa din kami ngayon nila Mama. Hindi ko mapigilan ang galit ko. Tapos ngayon sya naman ang mag-iinterview saken. Parang alam ko na kung ano ang mangyayari. Huh! Alam na alam ko na! Tatanggapin nya ko syempre sa trabaho at gagawing "Assistant" kuno nya, at pahihirapan ako ng husto! Akala nya hindi ko alam kung ano ang pinaplano nya!

Honey and BeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon