Habulan VI - Ang Wallet

181 21 19
                                    

Dalawang araw na ang nakalipas mula ng umalis si Jacob at iwan ako dito sa Boracay. Dun pa din naman ako nag-i-stay sa hotel kung saan kami nag-check in, sinabi ko na lang na mag-e-extend ako. Pero kelangan ko na talaga makauwi or else mas lalaki ang babayaran ko. Ni hindi ko nga alam kung pano ko pa ba mababayaran yung bills sa hotel kapag nag-check out ako...

Grabe naman kasi yang si Jacob Smith eh. Ni hindi man lang ako iniwanan ng kahit pamasahe lang bago man lang sya nakipagmeet dun sa isa pa nyang ka-chat. Kahit pambili ko man lang sana ng ticket pauwi ng Batangas. Eh di sana nakauwi na agad ako. Okay, aaminin ko. Okay lang saken na may iba syang nagustuhan, hindi ako nasasaktan. Aaminin ko na din na hindi ko naman talaga sya mahal. I just saw him as a meal ticket. Hindi nyo naman siguro ako masisisi diba? I just want the best for my family. Naisip ko kasi nun, matututunan ko naman siguro syang mahalin kapag kasal na kami, kasi mabait naman sya eh. Ang importante saken ay mabigyan ko ng magandang buhay sina Mama at Yuan. Yun pala, hindi naman sya totoong mayaman. Tapos ito nga at iniwan na lang ako basta dito. Haaaayyy...

Sumubok akong maghanap ng part time job dito, para lang sana makaipon ako ng pambili ng ticket. at pambayad sa hotel na tinutuluyan ko. Kaso ang hinahanap naman nila ay yung marunong magperform. Yun daw marunong sumayaw ng cultural dance ng Pillipinas, yun bang mga folk dance. Kasi yun daw ang gusto ng tourists na namamasyal sa Isla ng Boracay... Kaso, hindi ako marunong sumayaw. Kaya hindi ako natanggap. Sana pala sineryoso ko ang PE nung nasa High School at College pa ko. Para kahit papano eh marunong ako nun.

Habang pabalik ako sa hotel na tinutuluyan ko ay para akong wala sa sarili na naglalakad at nag-iisip. Hindi ko na kasi talaga alam kung ano ang gagawin ko eh. Kanina lang ay tumawag si Mama para kamustahin ako. Sinabi ko sa kanya na maayos lang ang lagay ko dito. Madami syang tinatanong, alam ko nag-aalala lang kasi sya saken. Hindi ko magagawang magsinungaling kay Mama, at ayoko din mag-alala sya. Kaya naman nagpaalam agad ako at mabilis kong pinutol ang tawag. Maging ang bestfriend ko na si Melody ay nagtext din saken. Kung tutuusin, pwede ako humingi ng tulong sa kanya para makauwi na ko sa Batangas. Kaso, hindi ko magagawang sabihin sa kanya ang kamalasan na inabot ko dito. Sobra na kasi akong nahihiya sa kanya eh. Tuwing may problema kasi ako sa pera, sa kanya ako tumatakbo. Minsan nga hindi ko na naibabalik sa kanya yung mga hinihiram ko. Tapos ito na naman, at may bagong kapalpakan na naman akong nagawa. Pareho din kasi sila ni Mama na opposed sa relationship namin ni Jacob. Mas maganda pa din daw kung Pilipino ang mapangasawa ko. Madami naman daw mga may-kaya sa buhay na nanligaw saken, kaso wala akong nagustuhan sa kanila. Siguro dahil na din masyado talaga akong naging ambisyosa.

At meron pa kong isang problema. Wala na akong babalikang trabaho pag-uwi ko sa Batangas. Naging masyado kasi akong mayabang nung nagpaalam ako sa Supervisor ko para magleave. Naalala ko ang naging conversation namin ng Supervisor ko ng magpaalam ako...

"Ms. Honey Lae? Are you sure about this? You'll be away for 2 weeks?" tanong nya agad nung ibigay ko sa kanya ang Leave Form ko para ma-approve nya.

"Yes Sir. My fiance is coming here in the Philippines and I'll be meeting him po." sagot ko sa kanya.

"Yeah, I understand Ms. Lae but all I can give you is a 1 Week Vacation Leave. You know the policy, right? And besides, alam mo din na kulang na kulang tayo sa tao ngayon sa account natin. I'm sorry." sabi nya ulit.

"Pero Sir, ngayon lang naman po ako mag-li-leave diba? Kahit nga po may sakit ako pumapasok pa din naman ako eh. Sir, kahit ngayon lang po talaga. Dadating po kasi yung fiance ko eh." pagkumbinse ko sa kanya.

"I understand where you're coming from Ms. Lae, pero hindi talaga pwede. Baka materminate ka kapag itinuloy mo yang 2 weeks na leave na yan." sabi nya ulit.

Honey and BeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon