Habulan XI - The Uninvited Guests

88 19 18
                                    

Dedicated po ito sa silent reader ko na napakasweet magPM saken sa tuwing may update..  She's always saying na napapasaya daw sya ng mga sinusulat ko.. haha Marami pong salamat sa support chocolateeyedgirl.. mwah mwah.. God bless po.. ^-^

The next day, when I woke up, I was greeted by a very beautiful sight.. Nakita ko si Bee na sinusuklay ng mga daliri nya ang mga hibla ng buhok ko. At nung makita nya kong gising na, ngumiti sya saken at hinalikan ako sa may noo ko..

"Morning Honey.. At long last, gising ka na din.. Kanina pa kita hinihintay magising eh.." sabi nya saken.

"Morning Bee.. Ahmmm.. Bakit? Tanghali na ba? Ah.. sorry ha.. Sige ligo lang ako tapos breakfast tayo.." sabi ko.

Umiling sya.. "No... Actually, hindi ka naman late nagising eh.. Medyo napaaga lang yung gising ko.. Excited kasi ako eh."

"Huh? San ka naman excited?" tanong ko. Hindi sya sumagot. Iniabot lang nya saken yung bouquet of red roses na may kasamang isang basket.. Hindi basket ng chocolates.. Kundi basket na ang laman eh sunog na pandesal.. Grabe.. ang aga naman magpakilig ni Bee ko..

"I love you.." narinig kong sabi ni Bee... Napatingin ako sa kanya ng marinig ko yun.. Napangiti ako.. Diyos ko Lord.. Ang aga ko naman pong kiligin.. Pero thank you po for giving me this man.. Haaayy..

"And I love you too.." sagot ko naman sa kanya.. He was about to give me a kiss ng biglang tumunog ang tyan ko.. GRRRRR!!! Kainis naman itong gutom ko, umeksena pa... Nakakahiya tuloy..

Natawa sya.. "Hmmm.. Okay.. Seems like gutom ka na Honey.. C'mon. Breakfast on bed tayo ngayon.. Umorder na ko ng pagkain.."

"Hmmm.. Ang sweet mo naman Bee.. Parang ako lang.." sabi ko.

"Bakit? Sweet ka ba?" tanong nya ng nakangiti..

"Hindi ako.. Yung pangalan ko.." sabi ko.. Na ikinatawa nya.. "Ok.. So kapag pinagsama yung pangalan natin, Honey and Bee, that makes it sweeter, right?" sabi nya.

Tumango ako at napangiti sa kanya... Nagbreakfast kami ni Bee habang nagtatawanan at nagkkwentuhan.. 

"Ahmmm.. Honey.. We're going home.. the day after tomorrow.." bigla nyang sabi habang kumakain kami..

Mula sa pag-inom ko ng kape ay napatingin ako sa kanya at napakunot ang noo ko.. Mukha naman nag-panic sya agad..

"O.. bakit Honey? Ayaw mo pa ba umuwi? Ok sige, mag-extend tayo ng 3 days pa, gusto mo? O kaya bumalik tayo dito sa summer.. Sama natin sila Mama mo at si Yuan." sabi nya na ang tinutukoy ay ang kapatid ko..

Napailing ako sa nakikita ko na panic mode nya. Ngumiti ako sa kanya at sinabi ko na "Ano ka ba Bee.. Wag ka nga ganyan.. Sa totoo lang, no matter how much I wanted be with you here, gusto ko na din kasi talagang umuwi.. Miss na miss ko na din kasi sila Mama at si Yuan eh.. Pati na din si Melody.."

Mukha naman syang nabunutan ng tinik sa sinabi ko.. "Ok.. Akala ko kasi nagalit ka eh, medyo kumunot kasi yung noo mo.. Pero, matanong ko lang.. Diba si Melody member din dati ng Fab Girls? Diba sya yung nakasalamin dati? Yung si Girl Labo?"

Honey and BeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon