Habulan X - I Love You!

83 19 11
                                    

I felt like I was in heaven as I kissed her, but it felt like home when she slowly kissed me back. Pero bigla din akong natigilan ng maramdaman kong bigla syang huminto at lumayo sya saken. Napatingin ako sa mga mata ni Honey at nakita ko doon ang pagkabigla at ang pagkalito. She touched her lips while looking at me with disbelief in her eyes.

"You.. you kissed me? Hinalikan mo ko?" sabi nya.

"Ah... Honey.. ah.." hindi ako makahanap ng tamang mga salita na sasabihin ko sa kanya. Hindi ko din kasi alam ang sasabihin ko. Pero nagpapasalamat ako dahil hanggang sa mga oras na to eh hindi pa din nya ko sinasampal..

"Bakit? Bakit mo ko hinalikan?" tanong nya saken.

"Ah.. Honey.. ano kasi eh.. Ah.. Honestly, hindi ko din alam eh." sagot ko sa kanya at napahawak ako sa noo ko. Pero sobrang kumakabog yung puso ko.

Nakita kong lumungkot yung medyo mapungay nyang mga mata. Pagkatapos ay yumuko sya..

"Hindi mo alam.. hindi mo pala alam kung bakit." narinig kong sabi nya.

"Hindi naman sa ganun.. ano kasi eh.." pero pinutol nya sana ang sasabihin ko.

"Ano? Kasi lasing ka? Kasi hindi mo alam kung anong ginagawa mo? Spur of the moment? Ganun ba yun?" sabi nya.

"No.. Hindi sa ganun.." pero pinutol na naman nya yung sasabihin ko.

"Balik na tayo sa room natin. Nilalamig na ko dito. Masakit na ulo ko. Pagod na ko. Magpahinga na tayo." sabi nya at nagsimula syang lumakad palayo.

Pinigilan ko sya at hinawakan ko ang braso nya pero mabilis nya yung inalis. "Honey.. let's talk.."

"What is there to talk about? The kiss? Wala lang naman yun sayo diba? Ni hindi mo nga alam kung bat mo ko hinalikan eh."

"Honey.. Could you please stop doing that? Kanina mo pa ko di pinapatapos sa mga sasabihin ko ah.. Pano tayo mag-uusap kung ganyan ka?" medyo mataas na ang tono ng boses ko ng sabihin ko yun.

"Eh ano pa ba kasi ang kelangan mong sabihin? Tinanong kita diba? Sabi mo hindi mo alam... Alam mo ba kung gano kalaking insulto yon saken ha? Hinalikan mo ko ng hindi mo alam kung bakit, tapos ako naman tong isa't kalahati ding ewan, na hinayaan ka lang na gawin mo yun." sabi nya.

"Pano kung sabihin ko sa'yo kung bakit ko nagawa yun? Makikinig ka ba saken?" sagot ko.

"Bakit? Ano pa ba ang dahilan bukod sa kasi lasing ka? Kasi karapatan mo yun? Kasi ikaw yung nagbabayad ng stay ko dito? Kasi tinulungan mo ko? Ganun ba? Ha? Bee?" 

"Ang baba ng pagkakakilala mo saken Honey kung yan yung mga naiisip mong dahilan." sabi ko.

"Eh ano nga? O, bakit di ka makapagsalita? Bakit hindi mo ko derechahin kung bakit? Manghuhula na lang ako?" sabi nya.

Tiningnan ko lang sya habang nagsasalita sya. Pero sa isip ko ay bumubuo na ko ng mga salita na gusto ko sabihin sa kanya. Sa sobrang dami ng gusto ko sabihin nabblangko na ko..

"O, ano na? Wala ka naman palang sasabihin eh. Para lang tayong naglolokohan dito eh! Kung tatayo ka lang dyan at tititigan mo lang ako, mabuti pa magpahinga na tayo.." sabi nya ulit at nagsimula na sya lumakad papalayo.

"Honey wait.. Ano kasi eh.. Kaya ko yun nagawa kasi ano.." nagsisimula pa lang ako pero muli na naman nyang pinutol ang mga sasabihin ko...

Honey and BeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon