Habulan III - Ang Love Letter

200 24 10
                                    

A/N: Thanks for the Coffee, Pandesal and Spaghetti... ^_^

Katulad ng sinabi ko, matapos ang Final Exams namin noon, nagbalik sa dati si Honey Lae. Hindi mo man lang nga iisipin na sa loob ng isang buwan ay nagkasama at nagkatabi kami noon sa bench sa school.  Hindi mo iisipin na minsan syang lumapit saken para lang magpatulong makapasa sa Math at sa iba pa nyang subjects.

Ok, sige... Granted, ginawa ko yun, hindi lang upang matulungan sya, kundi para magpapansin na din. Alam ko kasi, na sa ganun paraan lang naman nya ko mapapansin at kakausapin. May mga pagkakataon nga na sa tuwing makikita ko noon si Mrs. Cordero ay parang gustong gusto ko syang yakapin ng mahigpit at pupugin ng halik dahil sa sobrang pasasalamat ko sa kanya. Minsan pa nga, kapag nagddaydream ako at nakikita ko na ikinakasal kami ni Honey, naiisip ko na kunin si Mrs. Cordero para maging Ninang namin sa kasal, sya kasi ang nagsilbing catalyst para magkalapit kaming dalawa ni Honey eh, sya ang naging dahilan para lumapit saken si Honey ko.

Pero lahat ng pinapangarap ko ay hanggang pangarap lang pala. Minsan napapansin ko na parang hindi na sya komportable kapag nakikita nya ko, para bang iniiwasan nyang mapalingon o mapatingin o mapadikit saken. Buti pa nga dati, na halos araw-araw nya ko kung irapan, pero ngayon, wala talaga. Kahit anong irap, o sama ng tingin. o pag-ismid, hindi na nya ginagawa saken. It's as if I don't exist at all.....

Ganun pa man, patuloy ko syang minahal ng palihim at tiningnan na lamang mula sa malayo. Muli akong nangarap at umasa na isa sa mga araw na to bago man lang dumating ang graduation ay kakausapin nya ko, o di kaya naman ay muli syang ngingiti saken... Kung alam lang nya, ang mga araw at oras na nakasama ko sya nun sa bench ang itinuturing ko na pinakamasasayang araw ng buhay ko....

Pero sabi nga sa kanta ni Ely Buendia, "Lahat ng pangarap ko'y bigla lang natunaw, sa panaginip na lang pala kita maisasayaw..."

I can still remember that one fateful day, sa may gymnasium ng school, nagkaroon ng assembly ang lahat ng estudyanteng magmamartsa  sa nalalapit na Graduation. Yun ang unang araw ng practice namin.

Nasa may bandang gitna ako dahil alphabetically arranged kami. Hiwalay din syempre ang lalaki sa babae. Tahimik kaming lahat dahil magsasalita ang School Administrator at Principal na nandun na sa may stage.

Magsasalita na sana ang School Principal gamit ang microphone ng biglang may sumabay na malakas na tugtog, yung kanta ni Elvis Presley na Hound Dog. Nagulat ang lahat ng nasa gym, maging ang mga teachers. Sinundan yun ng malakas na tawanan ng mga estudyante. Mabilis akong lumingon sa may gawi ni James, ngunit hindi ko sya nakita sa upuan nya. Maging ang mga kaibigan nya ay wala din. Kaya malakas ang kutob ko, sya na naman ang may pasimuno ng pangyayari na yun. Muli kong sinulyapan ang School Principal na ng mga oras na yun ay namumutla pa din ang mukha na parang ibinabad sa sukang Iloco. Napailing na lang ako. Ano na naman kaya ang iniisip ni James? Dapat nga masaya sya na sa wakas ay ggraduate na sa High School. Hindi pa din pala graduate sa mga kalokohan nya.

Hinanap ng mga mata ko si Honey Lae na ng mga oras na yun ay nakangiti. Natutuwa siguro sa kalokohan ni James. Ano naman kaya ang nakakatuwa dun? Hound Dog ni Elvis Presley? May katawa tawa ba dun? Man, I don't like this. I'm starting to feel bitter towards James. Bakit ang dali para sa kanya na mapangiti si Honey? Bakit ako? Kahit ata tumawid ako sa alambre, o bumuga ako ng apoy, hindi pa din ako mapapansin ni Honey. I'm so pathetic....

Natuloy pa din naman ang napakahabang speech ng School Principal. Andami nya kasing sinabi, pero ang thought lang naman ay "Congratulations, gagraduate na kayo sa wakas... Ayusin ang pagppractice para hindi tayo paulit-ulit." At nagsimula ang practice namin para sa graduation.

After 3 hours ng straight na practice ng magpartner sa assembly, lakad-lakad at kung ano ano pa, pinagpahinga din kami sa wakas. Nakaupo ako sa assigned seat ko ng may lalaking lumapit saken, si Luke Pineda, sya ang Salutatorian this school year. Wag nyo ng itanong kung sino ang Valedictorian, nasabi ko na last chapter diba? hehehe Anyways, hindi kami nito masyadong close. Feeling kasi nya, mas magaling sya saken. Masyado ng umakyat sa ulo nya ang sense of competition, masyado nyang dinibdib. Hindi kami nag-uusap, kaya nakapagtataka na nilapitan nya ko ngayon....

Honey and BeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon