Prologo

306 28 12
                                    

"Bee, pasok ka na sa loob, malamig na dito ah. Hindi ka pa ba inaantok? Nag-uwi ka na naman kasi ng trabaho eh. Nakakainis ka!"

Natigilan ako sa ginagawa ko ng marinig ko ang malambing na boses ng napakaganda kong asawa at napalingon ako sa kanya.

"Sige Honey, susunod na ako. Mauna ka na kaya matulog. Masama sayo ang nagpupuyat diba? Makakasama sa inyo ni baby yan."

Lumabi sya at inirapan ako. Naku naman! Sa tuwing ginagawa nya yan, parang ayoko ng ituloy ang kung anuman na ginagawa ko. Kasi naman parang lalo syang gumaganda sa paningin ko kapag naiinis sya saken. Kunsabagay, lahat naman yata ng gawin nya, at kahit na ano pa ang ayos nya, mananatiling sya ang pinakamagandang babae para saken. Syempre pati nanay ko maganda din. Nanay ko nga yun eh. Pero matagal na syang kasama ni Lord eh. Miss ko na nga siya.

"Hmp! Bahala ka nga dyan! Lamukin ka sana!" sabi niya at nagmamadali syang umalis upang pumasok sa kwarto namin.

"O, dahan dahan lang Honey, baka madulas ka." sabi ko. Na sinagot naman nya ng "Ewan ko sayo!"...

Hayyyy... Ito na naman po kami. Kapag umatake na ang mood swings nya, nanginginig na ako, hindi sa kilig, kundi sa takot... Ganito ba talaga ang mga buntis? Pabago bago ng mood? Kanina lang, pagdating ko ng bahay, sinalubong nya ko ng matamis na ngiti at halik sa mga labi, at kinamusta ang maghapon ko sa Site Office. At hindi lang yan ha, ipinagluto pa nya ko ng paborito kong adobo at ipinagsandok pa ng kanin sa pinggan. Kahit lalaki ako, kinilig pa din ako ng gawin nya yun. Napakamaasikaso nya kasi. Kahit na meron naman kaming kasambahay para gawin ang mga bagay na yun dito sa bahay, sya pa din talaga ang gumagawa. Gusto daw kasi nya naaalagaan nya kong mabuti. O, napakaswerte ko diba?

Ok na sana, kaso naman, nung makita nyang hindi ko naibalik ang toothpaste cap matapos kong magshower at magtoothbrush, galit na galit sya saken at sinabihan ako na napakaburara ko daw... Blah blah blah... Andami nyang sinabi at mangiyak ngiyak pa sya nun ha?! Hayyy... toothpaste lang naman yun diba? Kung ayaw na nya gamitin dahil iniisip nya na may pumasok ng germs o mikrobyo dun sa toothpaste, bukas na bukas din ibibili ko sya ng isang truck ng toothpaste. At bakal yung takip! Pero syempre, nasa isip ko lang yun. HIndi ko maaatim sagutin sya ng ganun noh! Takot ako eh! hehehe At syempre dahil mahal na mahal ko sya kaya hinayaan ko na lang at nagsorry ako at nangakong hindi ko na ulit iiwan yung toothpaste ng wala yung cap.

Bigla naman syang tumigil at sinabi lang na "Okay!"

Huh? Ganun lang yun? Diba kanina nagddrama sya at madami syang sinasabi? Hayyyy... hayaan ko na nga lang, mabuti na din yun. At least, tapos na yung issue ng toothpaste cap.

Pero mabalik tayo sa issue ngayon na pagtawag nya saken para matulog na. Ano pa nga ba ang magagawa ko kung hindi itigil ang ginagawa ko at sundan sya para amuin. Hindi ko ata maaatim na nagtatampo ang asawa ko at galit saken bago matulog. Hindi kasi ako nakakatulog kapag ganyan sya eh. Di bale ng hindi ko natapos ang pinag-aaralan ko na data ng Progress Report bilang Project Controls Engineer ng project namin sa kompanya na pinagttabahuhan ko. Maaga na lang siguro ako magigising bukas para tapusin yun.

Kaya naman mabilis kong niligpit ang laptop ko at ang mga A3 at A1 size na mga papel. At nagmamadali akong pumasok sa kwarto namin upang amuin sya.

Nakita ko syang nakatalikod sa may gawi ko, at paharap sa pader. Hmmm... Lagot! Mukhang galit nga sya ah. Lumunok muna ako bago ko sya nilapitan...

Mabilis akong nahiga sa tabi nya sabay sabing "Honey, sorry na... Andito na ko o. Sleep na tayo... " Sabi ko sa malambing na boses.

"Hmp! Ewan ko sayo. At pwede ba, wag mo nga akong tinatawag na Honey!"

Natawa ako sa sinabi nya. Pero lalo lang syang nagalit saken. Pano ba naman ako hindi matatawa, kasi naman...

"O, tawa tawa ka pa dyan?!! Beethoven ka!" Narinig kong sabi nya kaya natigilan ako at hindi naituloy sa isip ang sinasabi ko.

Pilit ko syang iniharap saken ng dahan dahan at sinabi ko sa kanya sa malambing na boses na, "Honey naman, wag ka naman ganyan. Wag mo naman akong tawagin sa buong pangalan ko, Bee na lang."

"Ah, ewan ko sayo!!! Umalis ka nga dito at wag mo kong matawag tawag na Honey ha!!!" sabi nya. Bahagyang nanlalaki ang maliliit at tsinita nyang mga mata na nakatingin saken sabay ng pag-irap ulit. Bahagya ding namumula ang makinis at maputi nyang mukha dahil na din sa inis nya saken.

Lalo akong napangiti sa hitsura at sa sinabi nya, at sinabi kong "Honey, ano naman ang gusto mong itawag ko sayo, eh diba Honey naman talaga ang pangalan mo? Kahit nga sa Birth Certificate mo diba yun ang pangalan mo?"

Napatingin ulit sya saken at sinabing "Oo nga noh? Pero kahit na! At bakit ba napakapilosopo mo ha?!"

Napangiti akong muli at niyakap ko na lang sya at sinabing "Alam mo Honey, lagi ka na lang galit saken. Sigurado ako, kamukhang kamukha ko ang magiging baby natin."

Sumagot naman sya at tumingin sa mga mata ko at sinabing "Hmmm... Nagrereklamo ka ba na lagi akong galit sayo?"

Hinawakan ng mga palad ko ang kanyang mukha at sinagot sya ng "Kahit kelan, hinding hindi po ako magrereklamo. Kasi mahal na mahal po kita Honey. Lahat kaya kong intindihin."

Mukha namang naging masaya sya sa sagot ko dahil hinalikan nya ko sa pisngi at sinabing "Mahal na mahal din kita Bee ko. So, tulog na tayo ha. Goodnight! Don't let those bed bugs bite!"

Salamat naman at mukhang okay na sya, hindi kami matutulog na magkagalit. Kaya naman sinagot ko na sya ng "Goodnight Honey!" Baka kasi magbago pa ang isip nya at may maisip na naman na kung anumang bagay na ikagagalit nya. Mas mabuti pang matulog na nga lang sya. Hehehe...

Itinaas ko ng bahagya ang pajama top nya na kulay purple na may design na Hello Kitty upang mahawakan ko ang bahagyang may umbok na nyang tyan at upang makausap ang baby namin. "Goodnight baby. Wag mong pahihirapan si Mommy mo ha! Kapit ka lang dyan, 5 months na lang magkikita na tayo. Sleep tight baby!"

Napatingin ako sa mukha ng asawa ko na nakangiti saken, at sinabi nyang "Tulog na tayo B. Pero pray muna tayo." At nagdasal kami ng sabay sa Panginoon upang magpasalamat at hingin ang guidance at blessings para sa magiging small family namin, at ganun din para sa iba pa naming mga mahal sa buhay.

"Ok Honey! Goodnight ulit! Sleep ka na." sabi ko at hinalikan ko sya sa noo. Nakita ko syang pumikit at alam ko unti unti na syang nakakatulog.

Pinagmasdan ko sya habang natutulog sya. HIndi ko kasi lubos na maisip kung paano kami nakarating sa araw na to. At hindi ko din lubos akalain na ang tanging babaeng pinangarap ko noon na mapansin ako at mahalin ako pabalik ay sya ding babae na sadyang itinadhana para saken. Hindi ko alam kung swerte bang matatawag yun, ngunit para saken ay isa syang malaking biyaya.

Oo, minsan ko syang minahal kahit hindi nya ko tinitingnan. Minsan na din nya akong nasaktan, at minsan ko na ring ipinangako sa sarili ko na hinding hindi ko na sya mamahalin pa.

Pero bakit nga ba kami nandito ngayon? Magkatabi sa iisang kama, nakatira sa iisang bubong, sya gamit na din ang pangalan ko bilang aking maybahay, at konting panahon na nga lamang ay masisilayan namin ang munting anghel na bunga ng aming pagmamahalan.

Haayyy... Ang sarap balikan ng nakaraan. Lalo na kung ang babalikan mo ay ang mga araw kung saan at paano nagsimula ang pagmamahalan naming dalawa.

So pano, gusto nyo bang malaman? Hindi pa naman talaga ako inaantok eh. At isa pa, close naman tayo, diba? Kaya hayaan ninyong ibahagi ko sa inyo ang kwento namin ni Honey ko.

At dahil Honey ang pangalan nya, at Beethoven saken, pero wag na wag nyo kong tatawagin sa buo kong pangalan kung ayaw nyong mabigwasan, Bee na lang, ay tawagin na lang natin ang kwentong ito na …

HONEY AND BEE………...

-Cath-

                                                                                                                                   >>>>Next update

Honey and BeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon