Sixteen

557 30 9
                                        

Ganun yung naging set up nila ni Donny for the past few months.

Natutuwa siya na naglalaan ito ng oras para sa kanya. Hindi lang niya masabi kung nag dadate na ba sila o nanliligaw na ito kasi hindi naman din nag sasabi. Pag sapat na ang lakas ng loob niya ay tatanungin na niya ito kung ano ba talaga sila. Napangiti siya sa naisip niya.

She still have 2 meetings to go bago matapos ang araw niya.

Binuksan ng secretary ang tv habang inaantay niya ang mga managers na kakausapin niya.

eksaktong si Donny pala ang iniinterview ni Boy Abunda.

Napangiti siya habang nakatingin.

May kasama itong babae. baka katrabaho niya naisip ko pero hindi naman si Elisse. Baka bagong kapareha niya.

Hindi siya masyadong nanonood ng tv kaya wala siyang masyadong alam sa mga nangyayari dito maliban sa mga nakkwento nito sa kanya.

So Donny may nagpapatibok na ba ng puso mo ang tanong ni boy abunda kay Donny?

Tito boy meron na po. malapad ang ngiting sabi nito.

Naghiyawan ang audience ng marinig ang sinabi ni Donny.

Napangiti na din siya.

Si Chloe ba ang nagpapatibok ng puso mo Donny?

Tumingin si Donny sa katabi nitong babae at ngumiti ng malapad.

Bigla siyang kinabahan habang nanood.

Ako na sasagot Tito Boy ang nakangiting sabi ng babae.

Kami na po ni Donny.

Biglang naghiyawan lahat ng audience at napatayo si Boy Abunda at pumalakpak.

Tinitigan niya ang mukha ni Donny at nakita niyang masayang masaya ito.

Parang kinurot ang puso niya. Naiiyak siya. Yung pakiramdam na hindi siya makahinga at ang sikip sikip ng meeting room na kilalagyan niya.

Dali dali niyang kinuha ang remote at agad pinatay ang TV.

Lumabas siya ng meeting room at sinabihan ang kanyang secretary na ei reschedule ang natirang meetings niya.

Nakita niyang nagtataka ang secretary niya pero tumango nalang.

Hindi ata niya kakayaning makipag usap sa ibang tao ngayon.

tinawagan agad niya ang driver, gusto niyang umuwi at mapag isa.
Sa condo unit niya sa rockwell siya nag pahatid.

Ito na ba ang sinasabi ng Daddy niya na masasaktan lang siya?

Bakit hindi niya agad ito nakita?
Sabagay wala namang sinabi sa kanya si Donny. Siya lang naman itong umaasa.

Meron na pala siyang ibang gusto at pagkakaibigan lang talaga ang binibigay sa kanya.

Ang tanga tanga lang niya para umasa!!

Gusto niyang magalit sa sarili. Ang sakit sakit na..

Hindi na niya namalayang nakatulugan na niya ang pag iyak.
Nagising na lamang siya kinabukasan sa tunog ng celfone niya.

125 missed calls.

agad niyang tiningnan.

98 missed call Donny
27 missed call Ate Mean

agad niyang tinawagan ang ate mean niya.

Anak buti tumawag ka na..

Yes po ate mean. dito muna ako umuwi sa condo ko.

It Might be you (Donny & Martine) Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon