Seventeen

540 30 5
                                        

So ibig sabihin tayo na?
Ang nakangiting tanong ni Donny habang yakap yakap siya.

Oo.. ang masaya niyang sagot.

Mas romantic pa sana dito ang pinaplano ko.. kaso mukhang di na makakapag antay natatawang sabi ni Donny.

Tiningala niya ito, romantic na to para sakin at masaya ako ngayon.
Sobra.. ang sagot niya. 

Buti naman Martine, I promise to keep you happy starting today okay but promise me na magsasabi ka parati sakin kung may problema. Wag ka na ulit aalis at hindi magpaparamdam sakin. Hindi ko kinakaya ang malungkot na sabi nito.

Opo.. Babe??

Natawa naman ito. Yes babe.. so ano gusto mo bang kumain?

Kumalas na siya sa pagkakayakap nito.

Maganda ang condo mo.. baka kung sino sino na dinala mo dito ha..

Aba.. alam mo bang ikaw palang ang natatanging babae na dinala ko dito?

Kinilig siya sa sinabi nito. Buti naman nakangiti niyang sabi.

Sino pala yung kasayawan mo kanina sa club?

Yun ba? Si Drake, anak ng ka business partner ni Daddy.

Babe ayoko na makitang nakakasama mo yun ha? Kakausapin ko si Tito Antonio regarding this.

Yun pala babe.. kung pwede lang sana.. wag muna natin ipaalam kay dad? may pag aalinlangang pakiusap niya.

Ha? bakit naman?

Ako nalang magsasabi, hahanapan ko ng tamang tyempo.

Martine, wala akong masamang intensiyon..
I love you and im willing to prove to your Dad na I am worthy of your love. Hindi ko magagawa yun kung hindi natin ipapaalam sa kanya.

Yes babe, nilapitan na niya ito at niyakap.. sasabihin natin pero wag lang agad agad. Ayokong mapressure. pleasee..

Haayy babe okay cge pero wag matagal.. Ikaw ang first Girlfriend and last ko kaya gusto kong malaman ng mga mahalaga sa buhay ko na tayo na.

Okay sige babe.. thank you.

Hinawakan nito ang mukha niya at tinitigan siya..

Medyo nailang naman siya sa titig nito.

Ba.kkit? nauutal niyang sabi.

Can i kiss you Martine??

Yung utak niya parang sasabok sa kaba ng puso niya.

Tinitigan din niya si Donny. Siya na mismo ang naglapit ng labi niya sa labi nito.

Akala niya mamatay na siya sa sobrang saya.

First kiss nila pareho as Boyfriend girlfriend.

Hindi man siya marunong masaya siyang hindi naman siya pinilit ni Donny. Napaka gentleman pa din.

Bigla nitong pinutol ang halik at yinakap siya ng mahigpit.

Mas may isasaya pa pala siya..

So ano na.. gusto mo bang ei pag luto kita? tanong sa kanya ni Donny.

Sge ba..

you can change clothes din if you want.

Bakit? may damit ka ba na pambabae dito sa condo mo? may pagseselos sa boses niya.

Wala po pero i have clothes na you can use para mas komportable ka ang nakangiting sagot ni Donny.

Sabi ko sayo diba? ikaw palang nakapunta dito.. maliban syempre kina mommy at mga kapatid kung babae.

Okay cge.. thanks babe nakangiti niyang sabi.

Nagpalit siya ng damit, pinasuot siya nito ng white shirt nito at boxers shorts nito.
Malaki man sa kanya okay lang, kinikilig pa nga siya at suot suot niya ang damit ni Donny. Bigla siyang namula sa naisip.

Pero boyfriend na niya ito kaya dapat hindi na siya mahiya.

Paglabas niya ng room ay agad siyang sinalubong ni Donny.

Ohh okay naman pala.. mukha kang mag babasketball lang tumatawang tukso nito.

Aba at pinagtatawanan mo na ako ha..

Binibiro lang.. tara na po.. nag luto ako ng pesto pasta para sayo.

Pakiramdam niya napaswerte niya dahil napaka alaga ni Donny sa kanya.

Ano pa ba ang hihilingin niya?

______________________________________
-- Naku naku itong dalawang to.. hahaha..
Medyo magseseryoso na buhay nila from here.. huhu.. may aalis, maiiwan at may masasaktan.. Salamat sa nag babasa.. comment po para alam ko na meron nga hahaha.. 😂❤️

It Might be you (Donny & Martine) Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon