Hello ate Ella? sagot niya sa tawag nito.
Bat bigla kang umalis? balik ka na dito.. Magkwento ka..
Ate Ella hindi ko alam na ikaw ang kapatid ni Donny..
Soo ikaw pala yung sinasabi sakin ni Hannah na girlfriend ni Donny..
What happened ba?
I dont know Ate.. Ask Donny.. siya may alam niyan malungkot niyang sabi.
Okay sige ako na magtatanong dun.
sige magpahinga ka nalang dyan today.. Daanan kita bukas okay?
Okay thanks ate..
After ng pag uusap nila himalang hindi na nito inungkat ang tungkol sa kapatid nito. Okay na din siya sa ganun.. Baka sinabi ni Donny ang rason at ayaw nalang din sabihin sa kanya ni ate Ella.
Ang bilis lumipas ng araw.. Hindi niya namalayang malapit na siyang grumaduate! Lahat ng pagsisikap niya may kahahantungan na.. Mag aapat na taon na siya dito sa Florence Italy. Sa pamamalagi niya dito madami na din ang nagbago.
Si ate Ella umuwi na ng Pilipinas at dun na naging full time fashion designer. Masaya siya para sa tagumpay nito.
Pinangako niya pag uwi niya magkikita ulit sila at kung ikakasal siya ito na din ang mag dedesign ng traje de boda niya.
Mag 27 na siya ngayon.. masasabi niyang naenjoy naman niya ang buong college life, marami siyang nakilala at nagdagdag sa matuturing na din niyang pamilya meron ding nag attempt manligaw yung iba nakadate din niya pero karamihan sa mga yun hindi din naman niya pinapayagang mag next level. Siguro hindi pa siya ready. Hindi niya priority ang pakikipag relasyon o sadyang hindi pa siya makamove on sa nangyari sa kanila ni Donny.
Si Drake tinupad nito ang pangakong bibisitahin siya parati. Ito yung parati niyang nakakasama simula nung umuwi sa Pilipinas si Ate Ella, namalagi din ito sa Florence para kumuha ng short course kaya mas lalo silang naging close.
Minsan naiisip na din niya ang sinabi ng Daddy niya na baka nga natutunan din ang pag ibig. Masaya itong kasama hindi lang talaga niya maramdaman na mahal niya ito higit pa sa pagging magkaibigan.
At the present time, tuloy pa din ang buhay niya. Pinagsasabay pa din niya ang trabaho at pag aaral.
Ngayon nga ay papasok na siya sa coffee shop. Naisip niyang tatapusin nalang niya ang buwan na ito at magpapaalam na siya. Unti unti ay ibabalik na niya ang buhay niya pabalik ng Pilipinas. Ilang buwan nalang graduate na siya! nakangiti siya sa naisip.
Good Morning Guys!
Morning Martine,
Your too early for your shift.
It's Fine.. ive got nothing to do anyway.. nakangiti niyang paliwanag.
Will give you an award after you graduate..
Wow that would be awesome!!
Nakakabiruan na niya parati ang mga crew at parang pamilya na din turingan nila..
Hey Martine.. can you serve this coffee to that guy??
He requested you..
What?! hindi niya alam na pwede na pala silang ei request na mag serve sa specific customer pero dahil ang may ari ang nag sabi kaya susunod nalang siya.
Sino naman kaya itong ponsyo pilatong akala mo kung sinong mag request.
Nakatalikod ito kaya di niya makita..
Kinuha niya ang kape at linapitan ito..
Martine smile.. wag magtataray.. yun ang iniisip niya..
Good morning sir, Here's your coffee..
Thank you.. Martine..
Pag tingin niya muntik na niyang mabitiwan yung tray at matapon yung coffee.. Buti nalang nasalo nito bago pa niya mabitiwan..
Ang lakas ng Kabog ng dibdib niya..
Si Donny nasa harapan niya!!
Ano bang gusto nito? At nandito talaga siya sa Italy! Baka nagbabakasyon naisip niya.
Can we talk?
Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya.. tinitigan niya ito.. Gwapo pa din talaga..
Parang bumalik lahat ng alaala.
yung pakiramdam.. parang kelan lang.. pati yung sakit..
Im still on my shift sir.. I cant talk to you right now... Ito yung kape mo.. linapag niya ang kape sa mesa at tinitigan ito ng masama..
Then Ill wait..
It's up to you sir.. agad na siyang umalis..
Nasa table lang ito nag aantay. Nakailang refill na din ito ng Kape.
Nag extend pa siya ng oras para lang mapagod itong mag antay pero hindi talaga umaalis..
Martine better talk to him..
But...
No more buts.. he seems to be a nice guy. Go on talk to him..
You two have a lot of things to talk about..
Tiningnan niya ang boss niya... bakit parang may alam ito..
Okay sir, ill talk to him in private..
BINABASA MO ANG
It Might be you (Donny & Martine)
Teen FictionNote: Completed ( Slow Edit ) Martine is an only child and a young heiress of a multi million international company and because of that masyadong sheltered ang buhay niya. Guards are scorting her every move especially pag lalabas siya since she mig...
