Twenty Four

474 21 5
                                    

Martine's POV

It's been three months since the party with the Pangilinan's. Nakakatuwa at overwhelming.

Pagdating ng hapon ay nagsidatingan pa mga mga pinsan at mga Tito at Tita ni Donny. Totoo ngang para silang isang barangay sa dami!
Lahat mababait at winelcome siya ng buong puso. Pakiramdam niya may bago na siyang pamilya kaya natutuwa siya.

Ngayon inaayos nalang niya papers niya at endorsements, lilipat na siya ng another company. Sa Real State business naman ang pag aaralan niya.

Kelangan niyang matoto para hindi pakialaman ng daddy niya mga desisyon niya para sa sarili. Kelangan niyang ei prove yung worth niya. Gusto niyang patunayan na kahit babae siya kaya pa rin niyang maging effective na leader and she knows na kaya niya and she can deliver.

Si Donny naman talagang sweet pa rin sa kanya. Pag kaya ng schedule nito ay sinusundo siya sa office o di kaya naman ay maagang darating sa bahay nila para ihatid siya. Kadalasan pag weekend pagkatapos magsimba ay aayain siya nito mag road trip minsan kasama pa mga barkada nito o di kaya mga pinsan.

Parati din sila nanonood ng concerts pag pareho silang available. Nakapag out of the country sila kasama pamilya nito.
Masasabi niyang parang perpekto na ang buhay niya. Yung daddy niya hindi na din naman nakikialam. Hinahayaan lang siya nito pero nararamdaman niyang iniiwasan nitong pag usapan ang relasyon nila ni Donny.

Masaya siya.. Kelangan nalang niyang ayusin ang ang relasyon ng Daddy niya at ni Donny.

Habang nag aayos narinig niya ang mga empleyado niya na nag bubulungan. Tingin niya ay pinag uusapan na naman nito ang relasyon nila ni Donny. Napapailing nalang siya. Parating dumadaan si Donny sa office niya kaya alam na siguro ng mga ito na sila na..

Maam..

Oh bakit? nakangiti niyang tanong.

Kasi po maam alam namin hindi ka masyadong masocial media pero..

Check niyo po ito..

Ano ba yan?

Post sa twitter account.

Donny: No Girlfriend since birth ✋

Maam?? Diba kayo na po??

Tinitigan niya ang account, kay Donny nga. baka nahack ang account niya sa isip isip niya.

Sige sige.. salamat.. Wait lang nag cecelfone talaga kayo sa oras ng trabaho? nakangiti niyang tanong kahit medyo kinakabahan na din siya sa nabasa.

Sensya na maam kasi sinabihan ako nung kaibigan ko sa post ni Idol Donny. Sinabi ko kasi na may girlfriend na yun. Kaya chineck ko. Kagabing post lang po yan.. ang dami ngang retweets at likes. Sinabi ko lang po sainyo baka kasi di niyo alam.

Okay sige.. salamat baka na hack yung account nun..

Baka nga po Maam.. cge po..

Ano kayang nangyari? sa isip isip niya. Sinubukan niyang tawagan pero out of coverage fone nito.

Tatawagan din naman siya nito mamaya baka busy lang sa shooting.

It Might be you (Donny & Martine) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon