Pagkauwi sa bahay nila ay agad siyang nagpalit ng damit. Inaantay pa din nya ang tawag ni Donny. Usually tatawag na dapat ito sa kanya pag ganitong mga oras. Sinusubukan niyang tawagan pero out of coverage pa din. Medyo nag aalala na siya.
Tawagan kaya niya si Tita o di kaya si Hannah?Try niya muna si Hannah..
Hello Hannah?
Hello ate Martine! sagot ng kabila.
Nagkausap kayo ng kuya mo? Di ko kasi macontact.. may pag aalala niyang tanong
Ate hindi pa..
Uhhmm nakita mo yung post niya sa Twitter?
naku ate not yet ano ba yun?.. wait check ko..
Ohemgee!! baka nahack account ni kuya!!
Yun din tingin ko or baka may bago siyang ka loveteam ba? utos ba ng management?
I think hindi ate kasi Kuya stands by his decision. He is always vocal pag natatanong siya about his relationships. Hindi pa nga lang natatanong yung about sainyo ng press..
Ganun ba, okay sge.. say may regards kina tita at tito and please call me if tumawag na sayo si Donny.
Okay sige ate Martine.
Thanks Hannah..
Nagpag usapan pa nila yung another plan nila to go to Germany kasama pamilya nito ulit. Hindi siya masyadong makapag focus sa usapan.. tango lang siya ng tango sa mga suggestions nito hanggang sa magpaalam na sila sa isat isa.
Donny.. ano bang nangyayari..
Nagising siya kinabukasan at wala pa ding tawag or txt sa kanya. Napag desisyunan niyang daanan na ito sa condo nito sa BGC. Kaso hindi na niya naabutan. Nagbilin daw si Donny sa guard na pag may naghanap sabihing nag out of town ito.
Ngayon alam na niyang may problema talaga..
Ano ba ang nangyayari? May nagawa ba siya na hindi nito nagustuhan?
Lumipas ang buong linggo na walang Donny na nagparamdam sa kanya.
Naiiyak nalang siya minsan. Yung socmed account nito lahat deactivated na. Sa tv naman alam niya lahat yun puro na shoot na nito dati pa.. Hindi pa din siya tinawagan ni Hannah. Nahihiya na siyang mang istorbo dito katatanong at alam niyang busy din ito.
Last na, pupunta siyang Laguna, magtatanong na siya sa parents ni Donny kung ano ang nangyayari.
Yung lungkot niya minsan ay napapalitan na din ng galit. Galit kasi hinahahayaan siya nitong magkaganito..
Bakit ayaw niyang magpakita? Pwede naman niyang sabihin kung ayaw na niya!! Hindi naman siya namimilit.. hindi yung ganito wala siyang kaalam alam..
Akala ko ba dapat magsasabi kung may problema? Gumaganti ba ito o sadyang di lang talaga niya kilala si Donny?? ang daming tanong..
Mugto na mata niya sa kaiiyak..
Bukas pupunta siyang Laguna.
Maaga palang ay umalis na siya. Siya na din ang nag drive, hindi na din siya nakapag abiso na pupunta siya, masyado nang madami ang iniisip at gusto nalang niyang malaman kung ano ba ang totoo.
Pagdating sa bahay nina Donny agad siyang pinapasok ng guard.
Agad din niyang nakita sit Tita Maricel.
Tita Good morning po..
hey Good morning Martine.. Napadaan ka? Medyo gulat na bati sa kanya ni tita maricel.
Halika dito pumasok ka..
Nandito po ba si Donny?? diretso na niyang tanong.
Si Donny? wala.. ang alam ko may out of the country trip sila para sa shoot sa isang magazine..
Wait hindi ba nasabi sayo?Tita kasi...
Hindi po..
naiiyak na siya..ngayon alam na niya iniiwasan na talaga siya ni Donny.
Tumulo luha niya.. Hindi na niya napigilan.. ang sakit sakit na...
Tita ano po bang nangyayari? tanong niya..
Nakita niyang naiyak din ito.. naawa siguro sa sitwasyon niya.
Martine.. hindi ko alam..
Niyakap siya nito kaya yumakap na din siya.. Gusto niyang umiyak ng umiyak nalang..
Ilang minuto din silang nasa ganung posisyon.Hinayaan lang siyang umiyak ng umiyak ng mommy ni Donny..
Halika sa loob anak.. subukan nating kausapin si Donny..
sige po tita..
Nakwento niya dito lahat ng nangyari pati mga katanungan na din niya nasabi na niya.
Sinusubukan siya nitong ei comfort habang sinusubukang tawagan si Donny.
Iha di ko masasagot mga tanong mo.. si donny lang makakasagot niyan naiiyak din nitong sagot.
Mukha na siguro siyang zombie, mugto mata, walang ayos ang buhok at gusot gusot ang damit.
Ako lang andito ngayon.. si Anthony, hannah at solana may inatendang business talk sa Palawan.. sandali at tatawagan ko din..
Wag na tita kahit si Donny lang po..
Gusto ko lang malaman kung ano ba ang nangyayari?..
Sige.. bigla itong tumayo.. alam niyang sinagot na ni Donny sa kabila dahil narinig na niya ang boses nito.
Kahit papano ay umayos pakiramdam niya. Alam niyang okay lang si Donny.
Maayos din ang lahat sa isip niya..
Sinenyasan siya ni Tita maricel niya na kakausapin saglit si Donny kaya medyo lumayo ito sa kanya.
Hindi man niya marinig ang usapan alam niyang hindi maganda ang tinatakbo dahil nakita niyang umiiyak at nagagalit si Tita Maricel base sa facial expression nito.
Pagkatapos ng ilang minuto ay lumapit na ito sa kanya hawak hawak ang fone..
Martine... hindi ko alam anong nangyayari kay Donny pero ayaw ka daw niyang makausap.. Binilin lang na ei pahatid ka sa driver pauwi.
Nang marinig niya yun parang tumigil ang pag tibok ng puso niya. Nararamdaman niya yung sakit na parang kinurot ang puso niya ng malakas.
Akala niya ubos na luha niya pero meron pa pala siyang iiyak..
Martine anak, Im sorry.. Hindi ko din alam anong nangyayari...
Tita.. ang sakit sakit na po humahagolgol na sambit niya..
I know Martine..
May mga rason ang bagay bagay..In time Martine.. in time..
Yinakap siya nito ng mahigpit..
Kahit papano ay nakakagaan na din ng pakiramdam na naiintidihan siya ng Mommy ni Donny.Siguro nga ayaw na nito sa kanya.. Kelangan nalang niyang tanggapin na hindi siya ang pinipili ni Donny.
BINABASA MO ANG
It Might be you (Donny & Martine)
Teen FictionNote: Completed ( Slow Edit ) Martine is an only child and a young heiress of a multi million international company and because of that masyadong sheltered ang buhay niya. Guards are scorting her every move especially pag lalabas siya since she mig...