Twenty Two

484 23 5
                                        

After ng dinner nila ni Donny ay inihatid na siya nito pauwi. Hindi na niya inayang pumasok sa bahay nila at alam niyang maaga pa call time nito bukas. Magkikita din naman sila ngayong weekend kaya masaya na din siya.

Papasok na sana siya ng kwarto ng bigla siyang tawagin ng ate Mean niya.

Martine, anak.. baba ka muna.. dumating ang daddy mo kanina at gusto ka atang makausap.. Nasa study room siya kanina pa.

Ganun po ba.. cge po magpapalit lang ako ng damit at pupuntahan ko nalang po.

Magpahinga ka na ate, gabi na din..

Okay sge salamat anak.

Pagkapalit ng damit ay agad siyang bumaba at pumunta sa study room. Ito na din yung chance niya para sabihin sa daddy niya yung tungkol sa relasyon nila ni Donny.
Ano man ang maging reaksyon nito handa siyang tanggapin pero handa din siyang ipaglaban ano man ang meron sila ni donny.

Ngayon niya narealize na kaya niyang iwanan ang lahat, kahit pa ang nakasanayan niyang buhay kung makakasama naman niya si Donny. Handa siyang ipaglaban si Donny kahit na anong mangyari.

Pwede siyang maghanap ng ibang trabaho at tingin naman niya ay may tatanggap sa kanya. Pero tingin naman niya ay maiintindihan siya ng daddy niya at tatanggapin nito si donny ng walang anumang kondisyon kaya hindi siya dapat mag alala.

Daddy..

Lumapit siya dito at humalik sa pisngi.

Martine come in.. have a sit.. hindi ko na namalayan ang oras.. you see im reviewing contracts for our international expansion para sa grocery stores natin..

Kumusta ang Consuelo jewelry anak?

Okay naman po dad.. Double ang sales compared last year masaya niyang balita.

Congrats anak.. Im so proud of you.

Thank you Dad pero hindi naman po ako lang yun.. magaling din kasi yung buong team namin.

Well that's good pero mas gusto ko na ikaw ang mag tatake ng lead okay. Remember you have a lot responsibilities once mag retire na ako. If tingin mo napag aralan mo na ang Consuelo, move into a bigger companies anak na mas mahahasa ka pa.

Yes dad.. gagawin ko po yan..

i have something to tell you pala dad..

Okay cge what is it??

Daddy, do you remember Donny?

Donny Pangilinan?

Yes dad..

well Boyfriend ko na po siya dad.. I love him... May pag aalinlangan niyang paglalahad.

Martine...
bigla itong natahimik.

Dad please, i will do everything na mas mag improve pa, pag aaralan ko lahat, but please wag niyo ei pressure si Donny to do things na hindi niya gusto..

Please dad..

Lumapit na siya dito at yumakap.

I dont know.. hindi ko inakala na aabot sa ganito.. I thought i made it clear to that young man..

Daddy please, I love him.. masasaktan ako dad kung masasaktan si Donny..
kumalas na siya sa pagkakayakap dito at umupo sa harap ng table ng dad niya.

Okay sge, let me digest that news muna martine.. Medyo nabigla ako, i always thought Drake will be my next in line para matulungan ka. mabait yung batang yun.

Hindi ko siya gusto Dad, kahit anong gawin ko di ko siya magugustuhan dipensa niya.

Martine lahat ng bagay napag aaralan. even Love.. medyo malungkot nitong sagot sa kanya.

No dad, si Donny lang gusto ko.. infact hindi ko naman kelangan itong ganitong buhay ei.. mas simpleng buhay basta kasama si Donny okay na ako..

Martine!!!
biglang napasigaw ang Daddy niya sabay tayo. Natabig din ang ilang mga gamit na nakalagay sa working table nito.

Kinabahan man siya pero kelangan niyang panindigan ang nasabi niya dahil yun naman talaga ang nararamdamam niya.

Yes Dad, kaya kung iwanan ang lahat para kay Donny. kaya please lang Dad be happy for me, gagawin ko lahat ng gusto mo basta wag lang pakikialaman si Donny at kung ano man meron kami.

So you think Martine makakabuti siya sayo? Look at yourself!! Kung ano sinasabi mo! tingin mo nababagay siya sayo?? pagalit nitong sagot sa kanya.

Yes dad, si Donny lang ang gusto ko, Nagiging ganito ako kasi alam ko na aayaw ka sa kanya!

Get out Martine!! pag galit nitong bulyaw sa kanya.

Daddd.. pleassee..

first time niyang makitang ganito kagalit sa kanya ang Daddy niya.

Bukas nalang tayo mag usap.. Baka kung ano pa ang masabi ko sayo na pag sisisihan ko din. may pagtitimpi nitong pakiusap.

Okay Dad..
naawa din siya sa itsura nito, mas tumandang tingnan ang daddy niya kumpara sa huli nilang pagkikita dahil na din siguro dami nitong inaasikaso.

Pero hindi din naman niya kayang mahiwalay kay Donny.. Para sa kanya makasama lang niya si donny masaya na siya..

It Might be you (Donny & Martine) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon