Hinatid siya ng driver nina Donny, hindi niya alam nangyari pero kasama na niya sa sasakyan ang ate mean niya, baka sumunod ito kahahanap sa kanya.
Parang gripo yung luha niya ayaw tumigil. Mas naiiyak pa siya na nakikitang umiiyak din ang ate mean niya.
Anak tama na yan... Madami pa dyang iba.. niyakap siya nito ng mahigpit.
Ate.. si Donny... ayaw akong kausapin.. Ang sabi niya mahal niya ako..
Alam ko anak kaso hindi naman natin hawak ang puso ng tao. May mga desisyon din sila na hindi natin kontrolado.
May mali ba sakin ate? pinaglaban ko naman siya. Handa akong iwanan lahat para sa kanya!!! nagagalit niyang sagot.
Bata ka pa Martine.. Marami ka pang makikilala na mas pa kesa kay Donny. Yung hinding hindi ka sasaktan. umiiyak na din ito habang hinahaplos ang buhok niya.
Nakatulugan na niya ang pag iyak. Ginising na lamang siya ng nasa kanila na sila. Agad siyang tumuloy sa kwarto, wala siyang ganang kumilos..
Masyadong masakit. Yung taong pinagkatiwalaan niya binitiwan na lamang siya na parang wala lang. Gusto niyang magpahinga, pagod na siyang umiyak ng umiyak. Bumaba siya at kinuha ang bote ng alak.
Ang sabi ng mga kaibigan niya nakakalimot ka daw pag andyan ang alak. Dati naman siyang umiinom pero hindi siya naglalasing, eksakto lang na matikman ang lasa pero ngayon wala na siyang pakialam.
Sinubukan niya ulit tawagan ang celfone ni Donny pero wala talaga. Nilunod na lamang niya ang sarili sa kaiinom hanggang makatulog siya.
Martine, gising na.. may pasok ka pa..
Po? anong oras na po ba? tanong niya.
Mag alas 9 na anak.. tumawag na secretary mo nag aantay na daw mga ka meeting mo.
Pakisabi hindi ako papasok.. matamlay niyang sagot.
Anak.. tama na yan..
Ate please hayaan niyo ako..
Pero..
Hayaan niyo nga ako!!!
Labas!!! pabulyaw niyang utos.
sa tanang buhay niya ngayon lang niya nasigawan ang ate mean niya.
Nagagalit siya sa sarili niya. Sa lahat, sa nararamdaman niya!
Martine!! nagulat nitong tawag sa kanya.
naawa din naman siya dito, nadadamay sa problema niya.
Pakiusap ate mean, hayaan niyo muna ako. Pasabi sa secretary ko di muna ako papasok. salamat.
Pinagmasdan siya nito, alam niyang nakakaawa siyang tingnan. Hindi na nga siya nakapagpalit ng damit simula ng makauwi.
Ate please.. pagsusumamo niya.
Okay sige martine, padadalhan kita ng makakain.
Wala po akong gana.. matutulog lang ako.
Uminom ka.. Nangangamoy alak ka
Pasara po ng pinto.. tinalikuran na niya ito habang umaagos na naman ang luha sa mga mata niya.
Mag iisang linggo na siyang nagkukulong sa kwarto. Wala siyang masyadong kinakausap, tinatamad na siya sa lahat. Ayaw niyang lumabas at napapagalitan lang niya ang mga nakakasalubong niya.
Bumaba siya para kumuha ulit ng bote ng alak ng bigla nahagip ng mata niya ang Daddy niya..
Martine.. ang seryosong tawag nito sa kanya.
BINABASA MO ANG
It Might be you (Donny & Martine)
Teen FictionNote: Completed ( Slow Edit ) Martine is an only child and a young heiress of a multi million international company and because of that masyadong sheltered ang buhay niya. Guards are scorting her every move especially pag lalabas siya since she mig...
