Yohan
Kinakain ko ang tuna salad sandwich ko habang nasa sala kami, nag-aabang na umuwi si Dolly at Maverick. Hindi ko alam kung paano nalaman ni Raven ang nangyari kay Dolly. Mapapagalitan pa ako ni Maverick mamaya, iisipin niyang kasalanan ko na naman kung bakit natataranta ang mommy niya. Minsan talaga, hindi ginagamit ni Raven ang utak niya. Pwede namang itago niya kay Tita Marg ang nangyari kay Dolly, isa pa tumawag na sa’kin si Mav kagabi na wala namang malalang nangyari. Nahimatay lang daw si Dolly. Lagot talaga ako pag-uwi non.
Makakain na nga lang.
“I already called the hospital, mom. Qenna was already discharged,” Raven announced when he returned to the sala where tita and I are seated.
“Ba’t pa kasi ang tagal mong umuwi? Kinailangan pang may mangyari sa mag-ina mo bago ka pumarito. Ano ba’ng nangyayari sa’yo Raven, hindi ka naman ganyan,”pangaral ni tita na nagpangisi sa’kin.
Ang sarap i-record at iparinig kay Maverick na pinapagalitan ni tita si Raven. Matutuwa ‘yon. Haha. Mukha ngang naaasar talaga si tita kay Raven dahil umalis siya’t iniwan kaming dalawa.
“Is it true, Yohan? Isang linggo ng nandito si Qenna? Like, she really stayed here?”
“Yep. She’s here since last week and so is Maverick. Laging kong niyayang lumabas ang kapatid mo dude, ayaw iwan ang girlfriend mo. Siguro excited lang makita ang pamangkin niya,” sabi ko para basahin ang reaksiyon sa mukha niya.
Kumunot ang noo niya't masama ang tingin na ipinukol niya sa’kin nang muli niya akong harapin. Gusto ko na ngang tumawa pero nagpigil ako. Sinubo ko nalang ng buo ang natirang sandwich na hawak ko para maitago sa kanya na natatawa ako.
Damn. Tita Marg can feed me with this everyday. Sarap talaga ng mga niluluto ni tita. Kaya nga nagpa-ampon ako sa kanya e.
“Maverick? He didn’t leave the house for the whole week? You must be joking. He can’t even stand being here all day.”
“You can ask your mom,” I suggested to continue teasing. Well, totoo naman. Mula ng nandito si Dolly, halos hindi na umaalis ng bahay si Maverick.
Nagseselos ba siya? Kung gano’n, dapat bakuran na niya ang manikang ‘yon. Walang babaeng hindi nahulog sa karisma naming dalawa ni Maverick. Kung hindi mai-inlove si Dolly kay Mav, malamang sa’kin siya babagsak. We’re the charming twins in campus since grade school. *smirks*
“Wait. Mukhang nandito na sila,” anunsiyo ko. I can tell that’s the bleep of my best-bud’s Audi.
Nauna ng tumayo si Raven at patakbong lumabas ng bahay. Sumunod naman agad ako matapos tawagin si tita Margaret. My man and Dolly seemed to be in trouble. They’re ignoring each other while they alighted from the car. Hmm? Ano kayang nangyari. I can't help but grin at the possibilities. Wew. Nakayuko lang si Dolly hanggang sa harangan siya ni Raven. She was frozen when she realized it’s him.
“M—moe?” she muttered but was shut up with Raven’s embrace.
“Qenna, are you okay? Kumustang pakiramdam mo?”
“I’m—I’m okay.”
Napatingin ako sa kaibigan kong nasa malayo ang tingin. Ow. Ayaw tingnan si Dolly na yakap ng kuya niya. Mayamaya pa ay tuluyan na nga siyang umalis at diri-diretsong pumasok ng bahay. Sumunod ako agad. Naiwan si tita na pinapanood ang anak niyang niyayakap si Dolly.
“Dude, okay ka lang?”
“Yohan, ano’ng ginagawa mo rito? Lumabas ka nga,” singhal niya kaagad.
May dalaw ba 'to? Haha. Bahala siya. Di ako aalis. We're twins! Sa halip na sumunod sa gusto niya ay kinuha ko ang gitara niya’t kinuskos ‘yon. Palihim ko siyang pinapanood. Nakasandal siya sa headrest ng kama habang bino-boomerang niya sa pader ang pingpong ball.
BINABASA MO ANG
FAKE PREGNANCY °[KathNiel] ✓COMPLETE
Fiksi PenggemarShe's so used to getting everything she wants that when she found the man she believes she loves, she promised to get him back-by hook or by crook. The answer on her mind; pregnancy. I mean, fake pregnancy.