Patawarin
Nagkulay orange na ang kalangitan hudyat na papalabas na ang haring araw. Nag-inat ako ng katawan sa harap ng aming bintana. Magtitinda na naman kami ng isda ni lola para may ipambaon ako.
"Lola ,ako nalang ang magbebenta." Sabi ko sa kanya ng makitang inuubo siya.
Umiling siya at ngumiti sa akin. "Ayoslang, samahan mo nalang ako. Mas mabuti nga na may ehersisyo ang katawan kaysa wala. Halika na!"
Inagaw ko agad sa kanyang kamay ang bilao ng mga isda. Nilagay ko sa aking ulo ang isang bilao habang ang isa ay sa kamay ko at dinikit sa aking baywang. Naglalakad lang kami patungong talipapa.
"Naiinis na ako sa lolo mo anak! Sabi'ng wa'g nang mangisda at may uulamin naman tayong gulay sa likod bahay pero ang tigas ng ulo."
Huminga nalang ako ng malalim habang pinakikinggan ang mga sinasabi niya. Nagiginawan man ako sa simoy ng hangin pero binalewala ko iyon.
Sa talipapa marami na ang pumipili kaya mabilisan kong 'pinwesto ang aming mga isda.
"La! Maupo na kayo diyan sa likod ha! Ako na dito!" Sabi ko dito habang nilalagay ang mga isda.
Tulad ng dati may mga ayaw kasing bumili kapag si lola ang bumibenta dahil tanyag itong mangkukulam dito na hindi naman totoo.
Hindi ko na rin pinansin ang mga nakakatusok na tingin ng mga katabing manininda din ng isda namin. Ayoko na silang intindihin pa dahil nandito ako upang magbenta ng isda lalo na malapit na mag umaga!
Sinindihan ko ang moron para magliwanag ang aming pwesto.
"Pasok mga suki! Presyong mura at fresh pa! Bili na kayo!" paulit-ulit na sigaw ko upang makaagaw ng atensyon ng mamimili.
Nakita ko ang papalapit na lalaki na bibili sana ng kalabitin ito ng kasama niyang babae. May binulong ito kaya hindi natuloy ang pagbili. Sa mga sumunod ganon' parin ang nangyayari.
Alas singko na wala paring bumibili. Nakita ko si lola na nakatulog na sa aking likod sa mahabang upuan. Kinuha ko ang dala kong kumot na nasa bag na dala ko. Kinumutan ko si lola at hinawi ang mga buhok niya.
Natutusok ang puso ko na makita ang hirap niyang mukha. Kung 'pwede lang sana na ako nalang ang maghirap. Nang dahil sakin nagtitinda sila ng isda upang may ipambaon ako. Mag hanap nalang kaya ako ng part time job?
Paano naman kasi bakit naiinis ang mga tao sa akin dito? Simula pa yata ng bata ako kinukutya na ako at nilalait. Dahil daw sa mahaba at kulot kong buhok. Dahil na din sa damit kong bistida palagi na sobrang luma.
Minasdan ko ang mga isda namin na sariwa pero walang bumibili. Kaysa doon sa mga katabi namin na halatang kahapon pa iyon pero iyon pa ang naubos. Mga tao nga naman ngayon.
Naupo ako sa upuan at nangalumbaba. Kaya pa ito lola. Magtiis lang tayo.
Ang inaantok ko na mata ay lumaki ng may nakita akong kotse na huminto sa harap ng puwesto namin. Bibili siguro ito!
Nagsimula nang mag ingay ang mga katabi namin pero sa gulat ko dumiretso ang driver ng kotse sa aming pwesto.
"M-Magkano lahat?" Nauutal na tanong nito at hindi man lang makatingin sa akin . Parang natatakot na tumingin.
"Lahat po?" Takang tanong ko. Tumango naman ito.
"Oo lahat. P-Pakibilisan paki'usap naiihi na ako."
Nataranta ako at pinagkikilo ang mga isda dahil bibilhin daw niyang lahat. Ngiting-ngiti ako dahil sa wakas isang bilihan lang ubos na agad ang tinda namin.
BINABASA MO ANG
Protect What's His (Mafia Series 2) Completed
RomanceRead at your own Risk. [Filipino Book] Even though proverty-stricken, Angelica Batungbakal does everything she can for her grandfather whose been confined. Then she met a stranger who helped her financially. One day she found herself obsessed with...