Atlast
Natutulala ako habang nakatingin kina lola at tita Elisa na hindi magkamayaw sa pag asikaso kay lolo. May oxygen ito sa ilong at nakanganga ang bibig.
"Ang mahal ng gamot niya Elisa. May nabenta kanina si Angel na isda at malaki ang binigay niya. Pero alam kong bukas mauubos na iyon."
Huminga ako ng malalim at hinagkan ang makulobot na kamay ng aking lolo. Nasa pampubliko kaming hospital at hindi magkarinigan ang mga nandito dahil sa iisang kwarto marami ang pasyente.
Nakita kong nakatingin si tita Elisa sa akin ng nakitang nakatingin ako umiwas naman sila.
"Tita , pwede' naman akong lumiban sa klase bukas. Ako na magbabantay kay lolo."
"Huwag na Angelica. Kaya naman namin ng lola mo di'ba ma?"
"Oo nga hija. 'Tsaka baka mapagalitan ka ng iyong guro."
Huminga ako ng malalim at tinignan si lolo sa aking tabi. Nagpatuloy sina lola at tita sa pag total ng mga gamot ni lolo na kulang. Limang libo na ang nabawas may limang libo pa na natira. Pagkatapos nun saan nanaman kami kukuha ng pera?
Kinabukasan hindi ako nakatinda ng isda dahil wala naman akong ititinda. Nasa hospital sina lola at tita nagbabantay kay lolo.
Dahil wala akong baon naglakad lang ako papuntang skwelahan kaya inagahan ko. Habang naglalakad may huminto na kotseng kulay gray sa aking gilid. Bumaba ang bintana nito at nakita ko ang nakangiting si Seth.
"Angelica right? Classmate tayo. Sabay kana sa akin." Tiningnan ko ang paligid at malapit na akong ma late dahil mataas na ang araw.
"Huwag na, malapit na rin naman."
"Makokonsensya ako nito kapag hindi kita pinasakay. Magka-klase tayo tapos nadaanan kita at hindi pa kita isasabay? sakit sa ego ko iyon lalo na't babae ka. Sige na, I'm harmless." Ngumiti siya sa akin at binuksan ang kabilang pinto ng kotse.
Napahawak ako ng mahigpit sa aking bag. "W-Wala akong pamasahe."
He chuckled amusingly.
"You're darn innocent. Hindi naman lahat may kapalit. Sabihin na natin na may kapalit to kahit ilibre mo na ako ng inumin ,kahit next year na!"Lalo siyang gumwapo' sa kakangiti niya. Sa huli napasama na ako sa kanya. Gusto ko sanang magreklamo dahil sa lamig ng aircon pero nahihiya ako. Ako na nga pinasakay ako pa maarte?
Nakita ko siyang tumitingin sa akin minsan kaya napapayuko ako.
"Pasensya na sa mga inasal ni Karina ha? She's just like that. She loves the spotlight so much. Kaya ganyan...nag iisang anak kasi kaya spoiled."
"Okay lang, pero sana huwag ako palagi ang tripan niya kasi ayoko naman ng gulo."
"Don't worry ako na ang bahala. Kakausapin ko siya."
"Salamat."
Nakalabas ako ng kotse ni Seth na walang nakakita dahil sa back gate kami dumaan. Humingi kasi ako ng pabor na doon sa hindi matao dahil nahihiya ako.
Sa klase namin nasusulyapan ko si Seth na nakatingin tingin sa akin. Pansin ko din na bumait si Ma'am Ruiz sa akin.
"Kawawa naman pala ang lolo mo. May isang libo pa ako dito. Baka gusto mong hiramin? May naitabi pa naman ako."
Umiling na agad ako kay Kaira kahit hindi niya pa tapos ang sinasabi niya.
"Kung uutang ako, wala naman akong pambayad diyan. Kaya huwag na. Tulungan mo nalang akong magka trabaho."Lumaki ang mata niya. "Tamang tama! Iyong pinsan ko na may anak! Naghahanap ng magbabantay ng kanyang anak mamayang alas tres hanggang alas otso ng gabi lang naman. Alam kong malaki magbigay ng pera iyon Angel kaya 'pwede ka doon!"
BINABASA MO ANG
Protect What's His (Mafia Series 2) Completed
RomanceRead at your own Risk. [Filipino Book] Even though proverty-stricken, Angelica Batungbakal does everything she can for her grandfather whose been confined. Then she met a stranger who helped her financially. One day she found herself obsessed with...