Isang pagbagsak ng pintuan ang nakapagbalikwas sa akin nang bangon. Gusto kong gumalaw pero hindi ko magawa. Nakagapos sa lubid ang aking dalawang kamay, 'ganon rin ang aking paa.
Nanghihina ako, ramdam ko ang panghihina ng sistema ko. May tumakip sa aking ilong kanina. Sino yun?
"L-Lolo! Lola!" Pilit kong sinipa ang aking mga paa at pinilipit ang aking kamay pero dumugo lamang ito sa sobrang higpit.
Sa sobrang bilis ng pangyayari hindi ko alam kung nasa isang bangungot ba ako? Patay na si tita Elisa. Nasaan sila lolo at lola?
Bakit ako nasa silid na ito?Dahan dahan akong umupo gamit ang mahinang pwersa ko.
"Tulong!!"
Nakagapos man ang aking paa at kamag pero may bibig naman ako. Kahit mapaos ako kakasigaw wala na akong pake. Kailangan kong makaalis.
"Tulong!!"
"Ano ba 'yan ang ingay!" isang lalaking kalbo at malaki ang tiyan ang biglang bumukas ng pinto.
"Sino ka?"
Ngumisi ito sakin at pinasadahan ang aking katawan. Huli ko na natanto na iba na ang aking kasuotan. Isang manipis na kulay puting blusa na aking suot. Halos lumuwa na ang aking kaluluwa dahil sa kasuotan.
"Kung hindi kalang kailangan kanina pa kita pinapak."Todo irap ako sa manyakis na ito.
"Anong gagawin niyo sakin?" pumiglas ako pero pinigilan nila ako. Ginapos nito ang dalawang kamay ko at inamoy ang aking leeg.
"Ang bango mo talaga. Sayang ang bango at kinis mo kung hindi naman kita matikman."
"Kasing kapal talaga ng labi mo ang mukha mo!" Sinabunutan ako nang sinabi ko iyon.
"Kung 'di kalang talaga kailangan ni boss papatayin kita ora-mismo!"
Natahimik ako ng pinaglandas nito ang baril sa aking ulo. Gusto kong umiyak pero pilit ko pinatatag ang aking loob. Parang naranasan ko na ito. Parang..may kakaiba. Parang may alaala na gustong lumabas sa aking isipan pero hindi makalabas dahil sa aking sitwasyon.
Hinila ako nito sa isang pinto na kulay brown. Binuksan nito at tumambad sa akin ang malaking flatscreen tv. Hindi lang iyon dahil ako mismo ang nasa tv na iyon. Kung paano ako pinilit pinaupo sa upuan at ginapos sa aking likuran ang mga kamay. Narerecord ng malaking tv ang aking bawat galaw.
"Ano i-ito?! Tulong!!"
Nagpupumiglas ako pero natigil ng may isang anino ang lumabas sa isang sulok. Nakahithit ito sa sigarilyo. Nang makita ko ang sigarilyo nito biglang sumakit ang aking ulo. Unti unting niluwa ng kadiliman ang lalaking nakahithit sa sigarilyo hanggang tumambad sa akibg harapan ang lalaki.
"It's been a while."
Umawang ang aking labi. May kumudlit na mga alaala sa aking isipan na kasing bilis ng kidlat. Sobrang sakit ng ulo ko at parang mawawasak ito.
"Ahh!" Sigaw ko at niyuko ang ulo sa sobrang sakit.
"Sumasakit parin ba?" aniya nang lalaki at humalakhak.Nanahimik ako at bumuhos ang mga luha nang maalaala ko lahat.
Unti unting lumuhod ang lalaki sa aking harapan at hinaplos ang aking pisngi.
"I miss you , my precious."
Kumakalabog ang aking dibdib.Dumami ang luhang umalpas sa aking mga mata. Nangangatal ang aking buong sistema.
"P-Papa." Bulong ko dito.Ngumisi ito. Ang ngising ilang beses ko nang nasilayan.
BINABASA MO ANG
Protect What's His (Mafia Series 2) Completed
RomanceRead at your own Risk. [Filipino Book] Even though proverty-stricken, Angelica Batungbakal does everything she can for her grandfather whose been confined. Then she met a stranger who helped her financially. One day she found herself obsessed with...