Ano 'yung mga alaalang 'yun? Bakit ako at si Leon ang nandoon? Marami nang alaala at mga eksena ang biglang lumilitaw sa aking isipan na hindi ko maintindihan.
Hindi ko na kilala ang sarili ko. Nilulukob ako ng kakaibang damdamin. I am damn smitten. Gusto ko ang akin ay akin. Why am I like this?
Masakit ang ulo ko nang magising. Nasa kuwarto kami ni Leon. Ang huling naalala ko ay sumakit ng sobra ang aking ulo kagabi. Ang babaeng kumandong sa kanya at sinugod ko 'yung babae bago ako nawalan ng malay.
Napansin ko na bago na ang aking bestida. Isang suklay sa aking buhok sa pamamagitan ng aking daliri ay tumayo na ako para lapitan ang pinto.
"Ma'am Angelica! Baka mapaano po kayo. Binilin ni Senyor Leon na sa kuwarto na kayo muna." Sabi ng katulong na sana ay papasok sa kuwarto.
"Okay lang ako, nasaan ba siya?"
"Nasa opisina niya po sa ibaba. May pinag uusapan po sila ni ma'am Sabrina."
Pumantig ang tenga ko. That girl. Wala na akong tiwala sa kahit na sinong babae. Masakit sa dibdib makitang may ibang kahawak o hahawak kay Leon at hindi ko gusto ang ganong sakit.
"Sige yaya pupuntahan ko nalang siya.""P-Pero maayos na ba pakiramdam niyo ma'am bilin kasi ni Senyor-"
"Maayos ako yaya, salamat."
Hindi na ako nagpaligoyligoy pa. Bumaba ako para tumungo sa opisina ni Leon dito sa mansyon kung saan lahat ng trabaho niya doon niya ginagawa kung nandito siya sa bahay.
My heart racing so bad habang hawak ko ang seradula ng pinto. Binuksan ko ito at tumambad sa akin ang nakaupong si Leon sa swivel chair nito at nasa upuan naman si Sabrina. Tila masinsinan silang dalawa na nag uusap.
"Sweetheart." Leon gasped. Kinagat ko ang labi habang nalulusaw ang kaba na kanina ko nararamdaman.
"M-Magandang umaga."
Nakangiti si Sabrina sa akin. Tumayo si Leon para alalayan ako kahit hindi naman ako pilay.
"You should rest." He whispered.
"Kailangan kitang makausap." Sabi ko at tiningnan si Sabrina na tumayo.
"Lalabas muna ako ha? Sige, mag usap kayong dalawa." Si Sabrina habang mariin na nakatitig kay Leon. Umiwas lamang si Leon at binalik ang tingin sa akin.
Hindi ko maiwasang hindi makadama ng pagkapikon. Damn, kakaiba na talaga ako. This is not me.
Hinawi ko ang kamay ni Leon sa aking baywang at nag cross arms sa harap niya. Taas noo ko siyang tinignan sa mata.
“Una, 'yung mga nalaman kong pinatay mo ang aking ama at ina. Tapos kagabi may babae ka. Ano yun? Bakit ka niya kilala at ano 'yung sinabi niyang "lick'' ha?" Napalunok ako ng hindi ko na mapigilan ng tabas ng dila ko. Malamig ko siyang tiningnan.
"Angel baka mabinat ka." Hinagilap nito ang aking braso pero hinawi ko naman ang kamay niya.
"E'di mabinat! Wala na akong pake. Gusto kong malaman lahat lahat Leon. Anong kasalanan ng pamilya ko at bakit 'yun ang ginawa mo? At bakit ang dami mong babae?"
Hindi ko maisalarawan ang nakaukit sa mukha niya. Tila naaliw ito sa aking bawat salita at nangungunot ang noo. Mas lalo lamang ako nairita.
"Angel we can talk about this without raising your voice."
Hinawakan na nito ang baywang ko ng madiin.
"Anong gusto mong gawin ko? Tumawa? Leon Monasterio kung makaangkin ka sa akin parang iyo ako. So I will do the same damn thing right? Akin ka rin." Tinulak ko siya pero hindi na ito pumayag. Nakita ko kung paano namula ang pisngi ni Leon at kagat kagat nito ang labi.
BINABASA MO ANG
Protect What's His (Mafia Series 2) Completed
RomanceRead at your own Risk. [Filipino Book] Even though proverty-stricken, Angelica Batungbakal does everything she can for her grandfather whose been confined. Then she met a stranger who helped her financially. One day she found herself obsessed with...