Throwback part 2"Siya ang rason kung bakit namatay ang mama mo. Hindi ko man gusto ito pero wala akong ibang paraan na alam. Kilala nila lahat ang mga taohan ko. Kung ikaw ang lalapit at malalaman niyang anak kita kakagat sila sa pain. And I know he won't kill you. . . my precious. . .”
Malikot ang mata nang isang may edad na lalaki. Nasa bibig nito ang isang tobako. Madilim ang silid at liwanag sa lampara ang nagbibigay ilaw.
"Anong gusto mong gawin ko?”
Humalakhak ito. "My precious. . .you know the brilliant idea. Alam kong manang mana ka sakin.Pikutin mo ang ulo nang demonyong 'yon."
"Payag ako at magbabayad siya."
_____________
Nang bumalik ako, hindi na nagtanong si papa kung bakit ako nawala. Parang alam niya ang nangyari at nanatili siyang tahimik. Hindi ko siya nakitaan ng luha kundi pagkamuhi.
Umiinom siya tuwing gabi. Hindi ko ‘rin gaano nakikita si ate Sabrina. Ang pagkamatay ni mama ang siyang pagkamatay ng kasiyahan ng mansyon. Mas dumami ang pumupunta kay papa. Mga hindi ko kilala at hindi pamilyar sa akin.
Pinagpatuloy ko ang aking pag-aaral. Maraming nakiramay sa akin na mga kaklase ko meron ring nangungutya.
Nakabantay ako sa aming driver sa waiting shed. Ilang beses na itong nahuhuli sa pagsusundo sa akin. Hindi ko ‘rin ikakaila na nakakaramdam na ako ngayon ng hirap. Kung ano kapabaya si papa sa mukha niya ganun’ rin sa kanyang trabaho.
"Manong sa mall muna tayo." Sabi ko dito nang nakapasok na ako sa sasakyan.
Balak kong bumili ng bagong laptop dahil nasira yung luma kong laptop. Kadalasang laptop ang gamit ko sa aking mga project at assignments kaya kailangan kong bumili.
Nasa apple store na ako at tumitingin sa laptop na natitipuhan ko. Nagpatulong ako sa sales lady para dalhin iyon sa cashier.
"Ma'am wala kayong isang card? Kulang po ang laman nito e."
Umawang ang labi ko. Hindi puwedeng kumunti ang laman ng gold card ni papa!
"Ah, miss paki-try ulit." Nanlalamig na ang aking kamay na hinihintay resulta.
"Ma'am ganon’ parin po. Kulang po."
Kinabahan ako bigla , kaba dahil sa hiya. Kinuha ko ang wallet ko at nakitang limang libo nalang ang nasa loob nito.
"Miss papalitan ko nalang. W-Wala ba kayong mas-"
Napatigil ako nang biglang may humapit sa baywang ko.
"G-Good afternoon s-sir!" Nauutal ang cashier.
"Ibigay lahat ng gusto niya." Napatda ako ng marinig ang boses sa aking likuran. Malamyos ang kamay nito na nakahawak sa aking baywang.
Ngumiti ang saleslady at kinuha ang laptop na gusto ko.
"Yan' lang ba? O, may gusto kapa?" seryosong tanong ni Leon sa akin.
Kinagat ko ang labi ko at nagtuturo ng iba pa. Ilang beses na kami nagkita ni Leon. Alam ni papa ang bawat galaw ko. Alam niya bawat desisyon ko.
Halos mahiya ako sa mga tumitingin sa amin. Nahihiya ako kasi masyadong bata ang aking katawan tignan kaysa sa mga babaeng nalilink kay Leon.
Hindi ko alam kung ano ang kahihinatnan ng aking paghihiganti. Basta isa lang ang nasa isip ko. Kung ano ang nawala sa amin, mawawala rin sa kanya. Hinayaan ko ang katawan kong traidorin ako.
BINABASA MO ANG
Protect What's His (Mafia Series 2) Completed
RomanceRead at your own Risk. [Filipino Book] Even though proverty-stricken, Angelica Batungbakal does everything she can for her grandfather whose been confined. Then she met a stranger who helped her financially. One day she found herself obsessed with...