Kabanata 5

68.2K 2.4K 348
                                    


Leon


Abot tahip ang kaba sa aking dibdib ng nasa loob nang magara niyang kotse. Maganda ang amoy at maganda ang interior designs nito.
Natulala ako sa kanyang mukha. Tila isang kahanga hanga ito na tanawin na ngayon ko lang namasdan ng ganito ka lapit.

Nang nag stop light ay napatingin siya sa akin. Napakurap kurap at umiwas. Uminit ang pisngi ko ng madatnan niyang nakatulala ako sa kanya. Pamilyar sa akin ang kanyang panga at labi. Siya talaga 'yun e!'

Umubo ako at tiningnan siya. Ang kaba na naramdaman ay halos malasahan ko na. Sigurado pa ako ng ibibigay ko rito ang sarili ko?

"I-Ikaw 'yung l-lalaki sa elevator ,di'ba?" Pangungumpirma ko rito.

Pinaglandas niya ang dila sa ibabang labi at umiwas. "Ako nga."

Umawang ang labi ko at napaayos ng upo. Inamin niya! "B-Bakit mo ako hinalikan?"

"Ikaw ang unang yumakap sa akin. Pinagbigyan kita,kaya bilang balik....hinalikan kita." He smirked and tilted his head cockily.

He's rude!
"A-Ah okay." Napahiya akong umiwas. Namumula ng husto ang aking mukha. Napamulagat ng nasa tapat na kami ng aming lumang bahay!

"T-Teka-"

Napatigil ako ng may inabot siya sa akin na calling card. "I know you're not ready for this. Call me,kung may kailangan ka."

Unti unti kong tinanggap ang calling card. "P-Pero paano mo nalaman na dito ako nakatira. K-kailan mo ako bibigyan ng p-pera? Ang l-lolo ko kasi-"

Napatigil ako ng bumuntong hininga siya. Tila ayaw ng marami akong sinasabi. "Pag maraming tanong, maraming halik."

Desperada akong tumango tango. Para sa lolo ko. "K-Kahit five thousand lang para sa lolo ko."

Malamig itong tumango sa akin at humugot ng cheque sa kanyang bulsa. May sinulat at pinirmahan siya roon.

"Hindi pa ngayon,basta tawagan mo ako kung may kailangan ka."

Iniabot niya iyon sa akin. Matagal pa ako bago bumaba doon. Nanatiling hanga sa taglay na kamandag at kalibre nito. Parang bumilis ang tibok ng aking puso. Nagkaka heart attack na yata ako nito.

"Salamat po". sabi ko ng makababa sa kanyang magarang kotse. Pag alis nito ay sinundan nalang iyon ng aking mata.

"Ay kita mo ''yun? Hinatid ng magarang kotse!"

"Ang pangit naman. Katawan lang habol diyan."

"Mukha ngang madre e."

"Madreng makasalanan, beach yata yan e. Alam mo iyong beach mare?"

"Ano yun? Island ba 'yon?"

Napapikit nalang ako ng mariin at pumasok na sa aming bahay. Walang tao dahil nasa hospital ang mga iyon.

Kahit paano naman may pera na ako. Padarag akong umupo sa kama ko at tinignan ang cheque. Napamulagat at halos matapon ko pa iyon.

"Fifty thousand?!" Napatakip ako sa bibig.

Hindi ako makapaniwala sa nakikita. Agad ko kinapa sa bulsa ang calling card nito. Hinanap ang cellphone ko at sa huli na realize na wala pala akong cellphone.

Napanguso ako at tinago nalang sa cabinet ang calling card. "Sayang gusto ko sana magpasalamat. Ang bait bait niya."

Maganda ang gising ko kinaumagahan. Nag ayos ako papasok sa school. Mag wiwithdraw ako mamayang lunch time namin maaga pa kasi.

"O, ano na? Pupunta ka mamaya sa condo ni ate Celine? " Tanong ni Kaira sa akin ng maupo na kami. Pumasok na ang teacher namin sa first subject sa umaga kaya tumango ako. Nag thumbs up ito sa akin.

Protect What's His (Mafia Series 2) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon