Kabanata 14

56.5K 1.9K 85
                                    


I am watching you,Angelica

Hindi ako nahatid ni Leon sa eskwelahan. Tulad nang dati maaga na naman itong umalis. May emergency 'raw kasi. Kaya naiwan ako sa kuwarto na mag isa kanina.

He's always busy. Kung hindi sa kompanya nilang nag iexport nang mga legal na armoured vehicles , iba't ibang armas at mga bullet proofs sa ibang bansa ay kundi dahil naman sa kanilang organisasyon. Hindi ko makuha kung anong organisasyon iyon pero tingin ko delikado iyon.

Leon Monasterio is a Mafia Boss.

'Yun ang alam ko. Mga bagay na hindi ko akalang totoo na nangyayari dito sa mundo. Tinahak ko ang aming room nang harangan ako ni Karina.

"Hindi ka pumunta kahapon kay Seth! Angel naman kahit 'yun lang sana! Kasi ako kahit hindi kana doon pumunta wala akong pakealam pero 'twing nagigising si Seth bukambibig niyang pangalan m-mo."

Nanginginig ang labi nito at naiiyak. Huminga ako nang malalim at tumango. Naawa narin ako. Hindi ko alam kung bakit ako ang hinahanap niya. Pero mukhang importante talaga ang sasabihin ni Seth.

"Gagawan ko nang paraan Karina. May malaking problema lang kasi kahapon kaya hindi ako nakapunta."

"S-Sige, pero sana makapunta kana. Mahal ko si Seth Angelica alam mo yan kaya ko'to ginagawa."

"A-Alam ko.."

Umalis ito sa aking harapan. Naiwan sa aking mata ang mga nagbubulong bulongan sa alley at umiirap sa akin.

Magkasama kaming nagbihis ng P.E uniform ni Karina sa girls locker. P.E namin ngayon at una naming pag aaralan ay mga basic kung paano mag volleyball.

"Angel paabot naman ng sapatos oh." Si Kaira. Binigay ko yun sa kanya. Hinubad ko aking blouse at inayos iyon sa aking locker.

"Ano 'to Angel?" isang kaklase ko ang inangat ang aking tuwalya na tinabing sa aking pang itaas. Puno kasi ang comfort room sa mga nagbibihis at ang iba ay kanya kanyang diskarte na makabihis.

"Hala, stretch marks yan di'ba?"

"Oo nga no."

"Ibig sabihin. . . hala."

"May anak siya!"

Inayos ko ang tabing sa aking katawan at hinarap sila. "M-Matagal na 'to. Natural lang daw to sabi ni Lola."

"Anong natural? Kung natural bakit diyan sa baywang at tiyan mo?"

"Oy! Tama na nga iyan! Inaano ba kayo ng stretchmarks ni Angel ha? Hindi niya nga pinakakaelaman ang masasamang ugali niyo!" Pagtataboy ni Kaira sa kanila.

"Kaira!"

"Aba-t!"

"Tama na!" Inawat ko sila dahil mukhang mag aaway na.

Umirap ang mga ito sa amin at umalis. "Sumusobra na Angel e." bumuga ito ng hangin. "Hindi ko talaga alam Angel. Isa ka talagang hiwaga para sakin. Pero alam kong isa kang mabait na tao." Ngumiti sa akin si Kaira at niyakap ako.

Sa gym nang eskwelahan tinatawanan ako ng mga kaklase ko kanina. Lalo na yung mga lalaki.

"Single mom ba?"

"Yang mga single mom masasarap yan." Nakakabinging tawanan ang aking narinig. Kumuyom ang aking kamay at nilagay sa aking bag anh mga gamit.

Ayokong patulan. Hindi nila alam ang totong nangyayari sa buhay ko. Tamang husga at tamang hula lang sila at wala namang napapatunayan sa buhay.

"Angel saan ka?"

"CR lang ako," Paalam ko Kaira na masama ang tingin sa mga kaklase naming mga lalaki.

Protect What's His (Mafia Series 2) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon