Kabanata 22

54.8K 1.8K 64
                                    

Throwback part 3

Nakatulala ako habang nakatunghay sa dalawang mamahaling jar sa aming harapan. Pribado at limitado ang nakakapunta dito sa mansyon nila Leon. Kadalasan sa nakikita ko ay mga altang Mafia, mga parte ng organisasyon na binuo ng ama nila Leon at pinagpatuloy nila ngayon.

May mga kaedad ni Leon akong nakita na masama ang tingin sa akin. I know, alam nila ang buong nangyari. Hindi lumabas sa media o diyaryo ang pagkamatay ni Romina at Mariano Monasterio.

Hindi ko nakita si Leon mula pa kahapon. Pagkatapos ng nangyari sumailalim ako sa isang check up at pagkatapos dito na ako dinala ni Leon. Mas naging busy siya.

Natatakot akong magtanong at magsalita kaya nanatili akong tahimik sa tuwing magkasama kami. Mas lalo akong nakaramdam ng takot sa kanya.

Hindi na siya ngumingiti. Hindi na siya ngumingisi.Hindi ko na nakitang umangat ang kanyang labi. Nang dahil ito sa akin...at nakokunsensya ako ng sobra. Pamilya ang nawala sa kanya ng dahil sakin.

Hindi ko namalayan ang unti unting pagdaloy ng aking luha. Nagpagamit ako sa aking ama para ipaghiganti si mama. Sapat na ba sakin to? Dalawang tao na ang nawala kay Leon dapat masaya ako pero salungat ito ng dapat maramdaman ko ngayon.

"Angelica." Napalingon ako sa tumawag sakin. Lumaki ang mata ng makita si ate Sabrina.

Dinamba ko ito ng yakap, "A-Ate." Umiyak ako sa kanya.

Hinagod nito ang aking buhok. "Hindi mo kasalanan Angel."

Ngayon ko lang ulit nakita si Ate. "Sinong nagpapasok sayo ate?"

"Hinanap ako ni Leon ,Angel." Hinaplos nito ang aking pisngi.

Pareho kaming humarap sa dalawang jar na naglalaman nang abo ng magulang ni Leon. Hindi na namin pinansin ang mga masasamang mata na nakatingin sa amin.

Kinagabihan ,ang paglubog ng araw ang ang siya ring pag alpas ng aking kaba. Mag iisa na naman ako sa mansyon na ito kasama ang mga katulong. Guni guni na naman ang aking maririnig mula sa sari saring insekto.

"Ate, mamimiss kita." Niyakap ko siya ng mahigpit.

"Dadalawin kita palagi."

"Wa'g mong pababayaan ang sarili mo ate ha." Humigpit ang pagkakayakap nito sa akin at tumango.

"Maraming salamat ,Angel. Nakawala ako sa hawla. Sana 'di na bumalik si papa."

"Tinutugis na siya ng batas ate."

Sa mahabang mesa na puno ng pagkain ako lang mag isa ang nakaupo. Kating kati na ako magtanong sa mga katulong kung anong oras si Leon dadating pero sa tuwing titingin palang ako sa kanila yumuyuko na ang mga ito. Tila bawal sa kanila ang tignan ako.


Hanggang sa pumasok na ako sa kuwarto at nilulunod ng sarili sa shower ay matamlay parin ako.

Ang bilis ng mga pangyayari. Namatay si mama, ngayon naman patay narin ang magulang ni Leon. Sino pa ang susunod na mamamatay? Ganito na ba ang nakatakdang buhay para sa akin sa mundong ito?

Hindi ko na yata maibabalik ang nga panahong tanging pagwawaldas at mga assignments lang sa eskwelahan ang aking problema.

Parang kasing bilis ng daloy sa ilog ang lahat na pangyayari at hindi ko mahabol ang mga bawat detalye. Basta ang alam ko, mahal ko si Leon. Ang alam ko, nasasaktan ko siya ngayon. Ang alam ko, naging traidor ako sa kanya noon sa pamamagitan ng pag iimbestiga ko sa kanila at sasabihin ko kay papa. Ang alam ko, nasasaktan ako at nagsisisi ngayon.

Dumausdos ng kusa ang aking katawan sa malamig na baldosa. Nag iinit ang sulok ng aking mga mata dahil sa luhang hindi alintana dahil sa tubig na dumadaloy sa aking mukha.

Protect What's His (Mafia Series 2) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon