Chap. 1

473 34 0
                                    

#1 on Playlist- Tell me why I'm waiting by Timmies (ft. shiloh)

Time check:
5:00 A.M.








Kriiiiiiiiiiiiinnnngggg!!!

Agad na bumalikwas ng bangon ang isang matipunong lalaki mula sa pagkakatulog at pagkakahiga sa malambot nitong kama at lupaypay na napa-upo.

Inis n'yang tinignan ang tumotunog na orasan dahilan para kumunot ang kan'yang makinis na noo sa nakitang oras rito. Tumingin rin s'ya sa wall clock. 7:00 ang nakalagay sa alarm clock habang alas cinco pa lang naman pala ng umaga. Napabuntong hininga s'ya dahil do'n at napapailing na lamang.

Inis n'yang itinapon ang unan sa tumutunog paring orasan dahil sa pagkairita sa mali-mali nitong oras ng pambubulabog. Galit parin ang kanyang mukha at hindi mawala wala ang kunot sa kan'yang noo habang pinalakalma ang sarili. Kalaunan ay unti-unti n'yang ini-angat ang mukha para tignan ang kabuuan ng kwartong napakarumi.

Napadaing na lamang s'ya dahil sa pagkabitin ng tulog ngunit agad ding napabuntong hininga dahil sa mga maduduming kalat na nakita sa loob ng kwarto.

Kabilang do'n ang mga nagamit nang damit, brief, bote ng alak, nilalangaw na basurahan at panis na mga pagkain.

Problemado s'yang napahawak sa ulo sa nakitang scenario dahilan para maramdaman niya ang magugulong buhok sa sariling ulo.

Pumikit s'ya ng mariin bago hinawi ang kumot paalis sa katawang walang saplot at naramdaman ng sariling balat ang lamig sa loob ng kwarto. His bare back are showing and his shoulders are down.

Lumapit s'ya sa gilid ng kama at itinapak ang mga paa sa malamig na tiles.

Inangat n'ya ang paningin at tumingin sa harap. Kita rito ang isang kalendaryong nakapatong sa isang lamesang may mga nakasampay na damit at walang lamang mga lata ng beer.

'February 14, 2019'

He sigh.

It's been a month.
So many f*cking days have passed, and yet... I'm still broken. I still can't believe that I'm living my life now as miserable as hell.

And I am all wounded that I feel like dying. I feel like I don't wanna get up at my bed and just fall asleep forever.

So painful, so damn painful that I have lost my faith in life.

That I have even tried to kill myself and... just die.

He shook his head as he stand up and head his way to the bathroom.

Kinailangan n'ya pang iwasan ang ilang mga bote at basyo ng alak na nakakalat sa sahig pati na rin ang ilang mga maruruming damit at mababahong pagkain.

Napatakip s'ya sa ilong dahil sa amoy no'n. Ramdam n'ya ang humahaba nang balbas at ang malapot na natirang pagkain sa bibig.

Nang makarating sa loob ng banyo ay walang sabi-sabing binuksan n'ya ang shower at itinapat ang sarili sa bumubuhos na tubig nito.

"One month Ricci, you only have a month to live"

It's been a month. And it still feels like yesterday. Lahat ng sakit at pagsisisi na naramdaman n'ya, parang laging bago.

It Only Takes A DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon