Flashback
#6 on Playlist- Hoax by Taylor Swift.
15 years ago...
Before...
Everything was all in place. Everyone was good. Everyone felt warm and whole. There was still an innocent child who feels happy with the eyes of goodness and peacefulness. An active mind. With a thought that everything stays put.
And an 8 yrs old girl with a wide smile from her lips and a bright eyes that hasn't yet seen both sides of the world. She was still on the beautiful side where her mind produce rainbow thoughts and beautiful dreams. Her face looks so jolly, pleasant and sunny.
"Bunso!" Then her coffee colored eyes turned only to see an older boy who looks older than her, wickedly smiling. "Habulin mo 'ko!"
Her lips curved more for a bigger smile while looking at a running boy away from her as she tucked her bag from her shoulders and started to run towards his direction. Masyadong mabilis ang takbo ng binatang lalaki. Hindi n'ya ito mahabol at hindi rin n'ya ito matawag pabalik dahil malayo na ito sa kan'ya.
Hinihingal s'yang unti-unting napatigil sa pagtakbo makalipas ang ilang minutong paghahabol at napahawak sa makikinis na tuhod. Ang maliit n'yang kamay ay ginamit upang punasan ang namuong pawis at hawiin ang nakatabing na buhok sa kan'yang mukha.
Inis n'yang inilibot ang paningin nang makatayo ng maayos. "Kuya?" Walang sumagot.
Sinubukan n'yang hanapin ang kapatid ngunit hindi n'ya na ito makita.
"Kuya!" Sumigaw s'ya habang binabaybay ang paningin sa paligid.
Mula sa abalang kalsada. Maraming tao ang nakakasalubong n'ya at marami ring bumubungo sa kan'ya. Agad s'yang natumba at tumama ang makikinis na tuhod sa sementong inaapakan pa lamang kanina nang mawalan ng balanse.
Maluha-luha s'yang tumayo habang maingat na pinapagpagan ang tuhod at ang unipormeng palda. Papauwi pa lamang s'ya ng eskwelahan kaya't suot n'ya pa ang maliit na puting t-shirt at kulay maroon na paldang uniporme ng eskwelahang pinapasukan.
Nagsisimula na s'yang maiyak. Gusto n'ya nang umuwi at mahagkan ang ina. Pero hindi n'ya makita ang kan'yang kuya. Papunas-punas s'yang naglakad sa kahabaan ng kalsada habang tumutulo ang luha at humihikbi. Patuloy n'yang tinatawag ang kan'yang kuya.
Kalaunan ay napadaan s'ya sa isang building na may Motel na pangalan. Napatingin s'ya sa pamilyar na motorsiklong nakaparada sa labas at tapat nito at nagtatakang naglakad palapit. Hindi pa man s'ya nakakalayo mula sa pinanggalingan ay nakita n'ya agad ang kan'yang papa na lumabas sa pinto ng building at may kaakbay na babae.
Mukha itong magkalapit na magkalapit sa isa't-isa kung mag harutan. At nakita pa ng batang babaeng 'yun kung pa'no dampian ng halik ng papa n'ya ang leeg ng babaeng 'yon.
Nakanganga n'yang sinundan ng tingin ang dalawa. Mula sa inosenteng isip ay nabuo ang hindi maipaliwalanag na pagtataka sa kan'ya. Sino nga ba ang kasama nito?
"Papa."
Hindi n'ya maialis ang paningin sa dalawa hanggang sa tuluyan na itong nakaalis. Akala niya na ang babaeng 'yon ay ang kan'yang mama. Pero naalala n'ya ring hindi naman maikling shorts at hindi naman naglalagay ng make-up ang ina n'ya. Nakakapagtaka.
BINABASA MO ANG
It Only Takes A Day
Cerita PendekThis story, is about a boy who only have a 24 hours (or less) to live his life and unexpectedly met a girl that he didn't expect to fall in love with. What do you think will happen? What if, all of their first times would happen in his last day? Wi...