Chap. 20

138 8 0
                                    

Nang tuluyang magising si Ricci ay isang puting kisame agad ang nabungaran ng kan'yang mga mata.
Nakahiga siya ngayon sa isang kama na may puting bed sheets at puting unan. Inilibot niya ang paningin at nakita ang isang IV pole at bag na nakakonekta sa kan'yang braso. Napatingin siya sa brasong iyon at sa buong paligid. Amoy na amoy niya ang matapang na amoy ng mga gamot at kapansin-pansin rin ang nakakabinging katahimikan. Do'n niya napagtantong nandito siya ngayon sa hospital.

Ngunit bakit siya andito? Kanina lang ay--- gulat na napatigil si Ricci nang maalala ang nangyari. Agad niyang ini-angat ang paningin upang hanapin ang dalaga at marahang umalis mula sa pagkakahiga.

Tumingin siya sa paligid para maghanap ng kalendaryo ngunit wala. Tanging orasan lamang na nakakabit sa dingding ang naando'n.









Time Check:
10:40 P.M.

Nang umalis sa hinihigaan at tumayo sa gilid nito ay napahawak siya sa isang upuan nang makaramdam ng panandaliang pagsakit ng dibdib at hirap sa paghinga. Do'n niya nahawakan ang isang maong na jacket. Ang jacket na suot niya bago pa man siya lumabas ng kan'yang condo unit.

Napatingin siya sa kan'yang suot na damit dahilan para malaman na suot niya parin pala ang buong damit na ginamit mula nang magkita sila ng dalaga.

Napabuntong hininga na lamang si Ricci. Ibig sabihin lang nito ay hindi pa siya nalilipasan ng umaga o linggo sa hospital. May oras pa.

Dali-dali niyang isinuot ang jacket matapos inalis ang IV fluid sa kan'yang braso. Napangiwi siya sa hapding dulot nito at sa dugong pumatak mula roon hanggang sa sahig.

Nang makalapit sa pinto ay walang sabi-sabi niya itong binuksan. Ngunit agad ring nagulat nang makita ang babaeng nakatayo ngayon sa labas ng pinto at nakatingala sa kan'ya.

"Ricci."

Natulala siya sa mukha nito. At hindi rin siya nakagalaw sa kinatatayuan. Naramdaman niya na lamang ang pagyakap nito habang umiiyak at humihikbi sa kan'yang dibdib.

"Ricci."

"M-mom?" Hindi niya makapaniwalang usal.

Humiwalay ito sa pagkakayakap at umiiyak paring tumingala sa kan'ya. "Bakit hindi mo sa'kin sinabi Ricci, anak?" hinawakan ng babaeng nasa harap niya ang kan'yang pisngi.

Ang mga mata nito ay hawig sa kan'ya, gayon rin sa labi nitong may hiwa sa gitnang bahagi ng kan'yang ibabang labi. May katandaan na ang itsura nito ngunit mapapansin parin ang ganda at ang mataas na estado ng buhay mula sa pananamit at makeup sa mukha.

Bahagyang inalis ni Ricci ang kamay nito sa pisngi at naguguluhan parin sa mga nangyayari. "W-what are you doing here? How'd you know I'm here?"

Napapailing na lamang ang ina habang pinupunasan ang luhang hindi maawat sa pag-agos sa kan'yang mukha. "Why didn't you tell me?"

Huminga ng malalim si Ricci at bumalik sa kwartong iyon para maingat na umupo sa isang sofa. Sumunod naman sa kan'ya ang ina at umupo rin sa tabi nito paharap sa kaniya. "How did you know I'm here?"

Napapailing na lang ina habang patuloy parin sa pag-iyak. Alam niyang iniiba nito ang usapan. "You're gonna be okay right? Tell me you're gonna be okay." Ani nito o mas tamang sabihing pakiusap nitong sabihin kan'ya.

It Only Takes A DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon