Chap. 9

165 14 2
                                    

Sa daan ay makikita nila ang magagandang bulaklak sa gilid ng kalsada at ang iba ay mga magagandang succulents na animo'y mga bulaklak rin. Bahagyang tumungo si Ricci upang pumitas ng isang rose at lumingon kay Lara na ngayon ay nakatagilid sa kan'ya at kapwa ring tumitingin tingin ng magagandang bulaklak.

Tumigil siya ng ilang segundo at nag-isip. Iaabot niya sana ito kay Lara nang bigla ay sumulpot si Rigel sa kabilang gilid ng dalaga at binigyan ito ng isang bungkos ng gumamela.

"Wow! This is one's favorite! Thank you!" Ani nito at nakangiting tinanggap ang bulaklak mula kay Rigel.

Napangisi roon ang binata at tumingin ng bahagya kay Ricci. Umiwas ng tingin si Ricci at ibinalik na lamang ang isang tangkay ng rosas sa kung saan niya ito kinuha.

Sa paglalakad ay kapansin-pansing nahuhuli palagi si Ricci. Kung minsan ay nakakasabay siya sa mga lakad ng dalawa ngunit kadalasan ay palagi s'yang sinisingitan ni Rigel. Ngunit hindi niya sinubukang magreklamo. Dahil una pa lang, alam niyang isa lang siyang estranghero sa dalawa. Ni hindi nga niya alam kung ano pa ba ang ginagawa dito.

Sa isang malawak at saradong kalsada na tanging mga maliliit na sasakyan ang nakakadaan ay napadaan silang tatlo sa isang bilihan ng palamig. Agad silang bumili dahil sa uhaw at pagod sa paglalakad.

Sa katabing tindahan ay may palaruan ng video games. It's an old-school coin operated arcade video games. May ilang mga bata ang naglalaro dito ngunit may isang bakante.

Napatingin rito si Rigel at lumapit habang dala-dala sa kamay ang baryang sukli. Nagtataka man ay lumapit si Lara kasabay ni Ricci at tinignan kung anong gagawin nito ro'n.

Itinaas ni Rigel ang manggas ng kan'yang jacket sa siko at sinimulan ang pagpindot pindot at galaw ng control panels habang seryosong nakatingin sa harap ng screen. Makailang segundo ay agad nilang narinig ang K.O.

Proud na napapalakpak si Lara dahilan para mapalingon siya rito.
Masayang napasuntok si Rigel sa hangin at mayabang na napatingin kay Ricci. Nilingon rin ito ng binata. Tinaasan niya ito ng kilay habang nakapanghalukipkip.

Rigel suddenly tossed the coins in his hand before catching it and gave it to him. Napatingin ro'n si Ricci ngunit muli ring ibinalik ang nagtatakang tingin kay Rigel.

Rigel scoffed and walked near him. He tapped his shoulder and put the coins onside his hand. "Come on, try it."

But Ricci doesn't know how to play that game. Playing video games is not his strength. He moved his face to Lara's and saw her patiently waiting for his next move.

Dahil do'n ay wala siyang nagawa kundi ang subukan ito. Padarag niyang inalis ang kamay ni Rigel sa balikat niya at lumapit sa arcade cabinet. Narinig niya ang nang-iinis nitong tawa. Napakunot-noo siya dahil rito.

Inihulog niya ang baryang hawak at napatingin sa screen. Pagkatapos ay hindi niya alam kung ano na ang susunod na gagawin. Mas lalo pa siyang napressure nang makitang may mga batang lumapit at tumingin rin sa screen niya. Sinubukan niyang pakalmahin ang sarili sa pamamagitan ng pagtikhim ngunit hindi niya parin alam ang susunod na gagawin.

Napalingon siya kay Rigel nang makitang ito ang pumindot sa start. "You're too slow dude." He smirk.

Tinignan niya ito ng masama ngunit agad ring itinuon ng buong pansin sa video games nang makitang natatalo na ang gamit niyang character. Which is character ng babae.

It Only Takes A DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon