Chap. 6

235 24 0
                                    

Time Check:
10:20 AM




While driving. Ricci's lips couldn't resist a smile escaping from his lips. He turned to Lara who's still biting her fingers and continuously muttering something he barely could hear.

Iniisip parin siguro nito ang pagyayaya kaninang maligo sa dagat ngunit agad ring binawi. Ricci was actually ready to do so. But Lara immediately take it back when she suddenly remembers, she doesn't know how to swim.

Ricci silently chuckled. Pinabagal niya ang pagmamaneho nang mapadaan sa isang kalsadang maraming nagtitinda. Maraming tao ang naandun at namimili. Halos sakupin na rin ng mga tindahang gawa sa pinagtagpi-tagping kahoy at trapal ang kalsada.

Naririnig rin niya ang ingay ng mga ito sa labas kahit pa man nakasarado ang bintana. Pahirapan rin ang pagdaan ng mga sasakyan dahilan para magkaro'n ng traffic. Marami ang bumubusina. May mga batang tumutoktok rin ng mga bintana ng sasakyan at binibentahan ng mga ito ang nasa loob.

Nang makakita si Ricci ng daan upang makaalis sa kalsadang iyon ay agad niyang iniliko ang kotse at doon dumiretso. Napatigil lang siya nang makitang paubos na ang gas ng sasakyan.

Itinigil niya ito sa isang kanto at pinatay ang makina.

Napatingin rito si Lara. "Anong problema?"

"Naubusan tayo ng gas." Aniya at binuksan ang pinto at lumabas. Pumunta siya sa harapan ng kotse at binuksan ito.

Sumunod si Lara habang inililibot ang paningin. "May alam ka bang malapit na gasoline station?"

Muling isinirado ni Ricci ang hood at tumingin kay Lara. Ramdam na agad ang init ng sikat ng araw at masyado na ring maalikabok ang kalsada. Hinubad ni Ricci ang suot na maong na jacket at isinampay iyon sa balikat. "Merong malapit na gasoline station rito pero, hindi na kakayanin. Baka tumigil lang ang sasakyan sa gitna ng kalsada kapag gano'n."

Tumango si Lara habang sinusubukang umiwas ng tingin sa braso, balikat at dibdib nito na hindi niya akalaing gano'n kalapad dahil sa suot na jacket. Bahagya siyang lumunok at napahawak sa namumulang taenga. "Eh, pa'no na pala 'yan?"

Hinugot ni Ricci mula sa bulsa ang cell phone at nagtipa rito. "Teka, may tatawagan lang ako."

"Okay."

Tumalikod ang binata habang naglalakad papalayo at nakadikit ang hawak na cellphone sa taenga.

Bumakat ang likod nito sa suot na puting t-shirt. His well built body looks okay, he doesn't seemed depressed too like what she thought so.

She sigh and waited for him to finish his call.

Nang matapos ay muli nitong isinuot ang nakasampay na jacket at lumapit sa kaniya. "Mukhang maglalakad na lang tayo. Malayo ba dito ang tinutuluyan mo?"

"Hindi naman masyado, sa hotel ako tumutuloy ngayon since wala naman akong bahay dito. 'Yung dating bahay namin ibinenta na sa iba." Nagkibit balikat ang dalaga. "Oh well, mukhang wala na tayong choice. Masyadong hassle kung sasakay pa tayo ng taxi."

"Yeah." Ibinulsa ni Ricci ang kamay at bahagyang tumango. "Traffic na ngayon sa main road mga ganitong oras. Doon na lang tayo dumaan." Turo niya sa isang daan.

It Only Takes A DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon