Chap. 22

150 8 0
                                    

15 years later....






















Time Check:
10:00 A.M.

Nang makababa ang isang babae mula sa taxi ay agad itong dumiretso ng lakad sa entrance ng park. Suot ang pares ng red stilletos and flowy strawberry dress ay agad siyang napatingin sa kabuuan ng park. Mula sa bungad ay marami siyang nakikitang mga batang naglalaro at mga nagsasaranggola. May mga naghahabulan rin na muntikan pa siyang mabangga, ngunit napangiti na lamang nang humingi rin ang mga ito ng tawad.

"Sorry ate." Sabay-sabay nitong tugon at saka nagpatuloy sa paghahabulan.

Inayos niya ang hinahangin na buhok dahil sa paglakas ng hangin at saka nagpatuloy sa paglalakad habang tinitignan parin ang paligid. Madami ang tao, marami ring magpapamilya na nagpi-picnic habang malakas na nagtatawanan at mga magbabarkada na masayang nagkakantahan habang may naggigitara. Napakasaya. At nakaka-inggit rin. Napaiwas na lamang siya ng tingin sa mga ito at napabuntong hininga.

Sa isip niya'y hinihiling niyang sana ay andito rin ang kan'yang pamilya, sana ay kasama rin niya ang mga ito rito. Nang sa gayon ay masaya rin silang magke-kwentuhan at magtatawanan ngayong araw na 'to.

"Miss, bili na." Napalingon siya sa kan'yang gilid nang marinig 'yan, at saka nakita ang isang may katandaan ng lalaki na nag titinda ng dirty ice cream. Her mother doesn't want her to eat this kind of street food, but she bet this would taste good.

"Magkano po ba 'yan, manong?" Tanong niya at saka dumukot ng barya sa bulsa ng palda at kumuha ro'n.

"May a-cinco po at may a-dies. Pili na la-ang po kayo ng pleybor." Masiglang ani nito nang makita siyang dumudukot ng pera. Nginitian niya naman ito at saka kumuha ng sampung piso pangbayad sa rito.

Agad n'ya naman itong inabot upang takusan na siya ng ice cream at nang matapos ay inilahad 'yun sa kan'ya.

"Salamat maam, next time ulit!" Tinanguan niya lang ito matapos 'yun tanggapin at saka inilibot ang tingin habang naghahanap ng pwedeng mapwestuhan.

Napatigil lang siya sa paglilibot ng tingin, nang makita ang isang mapunong parte ng parke di kalayuan sa pwesto niya. Mukhang walang pumapasok sa parteng 'yun ng park dahil wala siyang nakikitang tao sa loob nito.

Tiningnan niya muna ang paligid, sa kan'yang gilid at likod, bago muling tumingin sa gawing iyon upang maglakad palapit rito.

Sa paglalakad ay mararamdaman niya ang marahang paghangin dahilan para makaramdam siya ng aliwalas kasabay ng pag-alon ng kan'yang buhok. Kung kanina ay maingay dahil sa mga boses ng mga taong nagkakasiyahan, ngayon ay humihina ang mga ingay habang papalayo siya sa pinanggalingan at papalapit sa lugar na 'yon.

Nang makalapit ay bigla na lamang siyang napangiti. Ang kan'yang kulay itim na mga mata ay namamanghang nakatingin sa mga halaman rito. Sa bungad pa lang nito ay naggagandahang mga bulaklak na agad ng gumamela ang tumambad sa kan'ya. Mayro'ng iba't-ibang kulay, ngunit mas marami ang kulay pulang gumamela na mas pinatitingkad at mas kapansin-pansin sa kahit kaninong paningin.

Hindi alam ng babae kung bakit siya nagkakaramdam ng hindi maipaliwalanag na pakiramdam sa lugar na iyon. Pakiramdam na para bang tinatawag siya nito at gusto siyang palapitin.

It Only Takes A DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon