[Warning: Sensitive scenes ahead about suicide... please skip the part if you're not comfortable about it.]
"Matapos akong ibenta ng sarili kong mga magulang ay agad rin akong kinuha ng mga taong kumupkop sa'kin."
"Welcome to your new home sweetheart!"
Rinig mula sa buong sala ang masayang tinig ng isang babaeng may dilaw na buhok at may napakaputing balat.
Sa harap nito ay ang isang batang babaeng nakatayo sa labas ng pintuan kasama ang isang babaeng hindi nito kilala. Suot niya ang isang maganda at malinis na bestida kapares ang napakagandang bigay sa kan'yang sapatos ng mga taong ngayon niya pa lamang nakita. Nilibot nito ang paningin sa loob ng bahay bago unti-unting itinatapak ang paa sa makinis at marmol na tiles.
"Take it slow honey, you might scare her." Usal ng lalaking may kataasan at kapareho ng kulay ng balat ng babaeng katabi nito habang masayang nakangiti sa isa't-isa. Lumipat ang tingin nito sa'kanya at saka inilahad ang kamay. "Hey! Ahmm... I am Mr. John Winchester, but, you can call me dad." Hindi niya tinanggap ang kamay nito at sa halip ay nagtataka niya itong tinignan.
Hindi niya sila maintindihan. Sa isip niya'y tila ba nasa ibang planeta siya at sila ang mga nakakatakot na Alien.
"Johnny, my dear. She doesn't understand you, okay?" The lady sigh. "You know what? Lets just eat. I cooked so many delicious food, and... our little angel here might enjoy it! Hahaha! Come here sweetie!" Sa ikalawang pagkakataon ay inilahad ng babae ang kamay n'ya.
Wala parin siyang naintindihan sa mga sinabi nito pwera na lang sa salitang 'delicious'. Tila ba awtomatikong kumulo ang kan'yang tiyan at ang tanging nagawa niya ay dahan-dahang abutin ang kamay nung babae sa kan'yang harapan. Dahil sa pag-abot niya ng kamay nito ay masayang nagkatinginan ang dalawa bago siya sinamahan papasok ng malaking bahay at pinasalamatan ang babaeng naghatid nito sa kanila.
"Nang dumating na ang umaga ay bigla akong nagising sa napakalambot at napakalaking kamang hinihigaan ko." She smiled and wiped the tears that scaped on her eyes. "Unang naisip ko no'n ay si kuya. Dahil sigurado akong kasyang kasya kaming lahat doon."
Nang umalis siya mula sa hinihigaan at lumabas ay dumiretso siya agad sa isang magarang hagdanan. Rinig na rinig niya ang boses ng mga taong nagsasalita sa ibaba nito at nakita niya mula roon ang dalawang babaeng nag-uusap kasama na ang babaeng nagpakilala bilang bago niyang mama.
"Thank you, our baby would definitely like you... you're so beautiful!"
"Haha! Thank you Mrs. Winchester, I would gladly meet your daughter now. where is she by the way?"
Magsasalita na sana 'yung babae kagabi, nang bigla itong napatingin sa gawi niya kung nasa'n ang hagdan. "Oh! There she is! Sweety come here! Meet your own English tutor. This is ahmm."
"Ate."
"Oh! Right, ate. This is your ate Lily. She's from Philippines and she's going to teach you to speak English." Hindi niya parin sila maintindihan at mukhang napansin rin nila ito.
BINABASA MO ANG
It Only Takes A Day
Short StoryThis story, is about a boy who only have a 24 hours (or less) to live his life and unexpectedly met a girl that he didn't expect to fall in love with. What do you think will happen? What if, all of their first times would happen in his last day? Wi...