#2 on Playlist- Moonlight over Paris (Instrumental)
Time Check:
7:00 AM
Nang makita nila ang karinderyang hinahanap ay tumigil sila sa harap nito. Nakasara ang pinto kaya't alam nilang tulog pa ang mga tao rito.
Bumaba si Ricci sa sasakyan at binuksan ng pinto si Lara. Nang makita n'ya ang kulay kape nitong mga mata na tinatamaan ng sinag ng ilaw ay agad s'yang napahugot ng hininga.
Kumalabog ng husto ang kan'yang dibdib. Lalo na nang ngumiti ito sa kan'ya.
Mas lalo n'ya lamang naramdaman ang bagong pakiramdam na 'yon nang tanggapin nito ang kamay n'yang nakalahad. Ni' hindi n'ya namalayan iyon dahil parang may sariling isip ang kan'yang katawan. Inalalayan n'ya itong makababa at sinamahang maglakad papalapit sa karinderya.
Sabay silang naglakad papunta ro'n. Malamig ang hangin dahil sa simoy ng gabi. Madilim ngunit may kaunting ilaw naman sa isang tabi. Ang dalawa nilang kamay na magkasiklop ang nagpapabawas ng lamig. At ang mainit nilang hininga ang tanging naririnig.
Nang makarating sa harap ng pinto ay napatingin si Ricci sa kamay nilang dalawa.
Ngunit nadismaya nang bigla nitong bawiin ang kamay sa kan'ya.
Pag-angat n'ya ng tingin sa mukha nito ay nakatingin rin pala ito sa kan'ya. Hindi nagtagal ay umiwas rin ito ng tingin. Bumaling ito sa pintong nasa harap at nagsimulang kumatok.
"Tao po."
Ipinasok ni Ricci ang nilalamig na kamay sa loob ng Jacket at hinintay ang pagbukas ng pinto. Nahihiyang napabuntong hininga s'ya at walang ginawa kundi maghintay.
Nang lumipas ang kalahating minuto ng paghihintay ay may bumukas nito. Isang lalaking nakasando at khaki shorts na papungas-pungas ang mata ang bumungad sa kanila.
Nang tignan sila nito ay agad kumunot ang noo n'ya. "Sino sila?"
"Hi. Ahmm, andito kami para sana kausapin si Aleng Paloma?"
"Si Tita?"
"Tita? Tita mo si Aling Paloma?"
"Oo, bakit nga? Sino ba kayo?"
"So ikaw si Buboy?"
Gulat itong napa-angat ng tingin sa kan'ya. "Pa'no mo na nalaman 'yung---" Napa-isip ito. "Isa lang naman ang kilala kong tumatawag sa'kin no'n." Bulong nito na parang hindi makapaniwala.
Nakita ni Ricci ang ngiti sa mukha ni Lara. "Pwede pumasok?" Hindi na nito hinintay pa ang sagot ng lalaking 'yon. Nanatili itong gulat at nakatulala habang tumatabi at mas binuksan ng malawak ang pinto. Pumasok agad sila sa loob.
Nakasunod ang mga mata nito kay Lara na inililibot ang paningin sa buong living room ng katamtamang laki ng bahay. "I-ibig bang sabihin nito... Ikaw si Jasmine?"
Bumaling si Lara sa lalaking si Ronnie at humalukipkip. Habang si Ricci ay nagtaka sa tinawag nito kay Lara. "Ano sa tingin mo? Batang uhugin?" Pabiro nitong usal.
Mula sa pagiging gulat ay napataas ang kilay nito at malakas na napatawa. "Hahaha! Ikaw nga! Ikaw nga! Jasmine!" Lumapit ito sa dalaga at mahigpit na yumakap.
BINABASA MO ANG
It Only Takes A Day
Cerita PendekThis story, is about a boy who only have a 24 hours (or less) to live his life and unexpectedly met a girl that he didn't expect to fall in love with. What do you think will happen? What if, all of their first times would happen in his last day? Wi...