Chap. 8

225 19 1
                                    

#5 on Playlist- My Tears Ricochet by Taylor Swift.












Minutes of walking and they found themselves walking towards a hill. The trees are everywhere that only a glint of light could escape from a small holes between the leaves above them. They could hear crickets.

Huni ng mga ibon. Tunog ng mga dahon at sangang tumatama sa bawat isa ay naririnig tuwing lumalakas ang hangin. The place has a serene feels that only the sound of forest and their mushy steps could hear.

Nang makalayo ay naaaninag na nila ang maliwanag na bukana mula sa malayo. Dumiretso sila rito at nang makalabas mula sa mapunong kagubatan ay agad nilang naramdaman ang malamig na hanging tumatama sa kanilang mga mukha.

Mapapatingin silang tatlo sa malawak na tuktok ng burol. Ang mga basang damo ay nagkikinangan dahil sa repleksyon nito mula sa araw dahilan para maging maganda sa paningin ang paligid.

Lara slowly walked towards the center of the hill and roam her eyes around the green field she's stepping on. Her eyes glistened at a sudden form of tears.

Mas lalo s'yang napahinga ng malalim nang bigla ay parang isang pelikula na bumalik sa kan'yang alaala ang mga senaryo ng kan'yang nakaraan.

Sa isang bakanteng lote na dati ay isang maliit na barong-barong ang nakatayo na gawa sa pinagtagpi-tagping kahoy, anahaw na bubong at mga naggagandahang gumamela sa labas ng bahay ay nakarinig siya ng maliliit na tawa ng isang batang babae at ang tawa ng isang binata.

Habang nakatingin si Lara rito ay bigla na lang lumabas sa pinto nito ang isang binatang lalaki kasunod ang isang batang babae. Naghahabulan ang tila magkapatid palabas ng bahay papunta sa isang malaking punong mangga.

Agad na tumalon ang binata upang maabot ang malaking sanga at umakyat doon. Agad nitong inilabas ang dila at nang-uuyam na pinagtatawanan ang kapatid nitong nasa baba at nakatingala sa kan'ya. Nakasimangot ito at nakanguso.

Naramdaman ni Lara ang namumuong mainit na luha sa kan'yang mga mata habang pinagmamasdan ang mga ito. Lalo na nang bigla na lamang tumalon ang bintanang lalaki mula sa mataas na sanga at binuhat ang batang babae mula sa kilikili nito at siya ang pina-upo sa sanga.

Ang kaninang simangot ay napalitan ng ngiti at hagikhik ng isang batang tila ba walang kahit anong lungkot, pighati, pagsisisi, at takot na nage-exist sa mundo. Ang ngiti nito ay abot tenga, ang kasiyahan ay abot langit.

Ngunit bakit ang mga mata niya ay 'yon ang sinasabi? Lungkot, pighati, pagsisisi, at takot. Mula sa repleksyon ng luhang kumawala sa kan'yang mukha ay bigla na lamang nawala ng parang usok ang mga iyon. Ang bahay, ang binata, ang batang babae, at ang puno.

Ngayon ay nakatingin na ulit siya sa isang bakanteng lote, tanging berdeng mga damo na lamang ang kan'yang nakikita at malakas na hangin ang naririnig.

Dumiretso siya sa lugar kung sa'n nakatayo dati ang isang puno ng mangga. Habang nakayuko ay nakita niya ang parte ng punong naputol nito. Umupo siya at hinawakan iyon bago muling inangat ang paningin at tinignan ang ibaba ng burol. Sa ibaba ay nakikita niya hindi kalayuan ang mga putol na puno at ang mga bakas ng mga sinunog na parte ng kagubatan.

Tumayo siyang muli habang pinapagpagan ang kamay. Naramdaman niya ang presensya ng dalawa sa likod kaya't tumingin siya rito. Nakita niya ang mga itong naglalakad palapit habang tinitignan rin ang ibaba ng burol.

It Only Takes A DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon