"It's my birthday." Nang sa wakas ay masabi iyon. Tuluyan nang nawala ang tanging lakas na nagpapanatili sa pagkakakapit niya sa binata. Ang kan'yang kamay ay nanginginig at ang mga mata ay unti-unti nang pumipikit habang dahan-dahang siyang hinihila pababa.
Hindi naman agad binitiwan ni Ricci ang kan'yang kamay. Sa halip ay mas pinilit pa nitong abutin iyon habang kita sa mga mata ang hirap at sakit na nararamdaman. Sinubukan pa nitong pigilan siya at buong lakas na hinila ang kaniyang kamay, ngunit huli na ang lahat.
Tuluyan na siyang nahila ng pwersa pababa habang nakarap parin ang nagsusumamong mga mata ng binata. Hindi niya na kaya pang pahirapan ang isa't isa kung kaya't siya na ang kusang bumitaw. Mahirap ngunit, mas mahihirapan lamang sila kung pilit silang kakapit lalo pa't malubha ang tama ni Ricci. Ramdam niya ang sakit nito kahit pilit man iyong pigilan.
Hindi naman makapaniwala si Ricci sa ginawa nito. Nanlalaki ang mga mata n'yang nakatingin sa dalagang iwinawagay ng hangin ang buhok pasalungat sa direksyon ng unti-unting pagkahulog.
Dahil sa nangyari ay tuluyan na ring nawalan ng lakas si Ricci. Ang tanging dahilan ng kan'yang pagkapit ay tuluyan ng bumitaw. Do'n n'ya lamang mas lalong ininda ang sakit ng buong katawan. Unti-unti ay nawawalan na siya ng hininga ngunit patuloy niya paring tinatanaw ang pagbulusok na pagkahulog ng dalaga at pilit nilalabanan ang pagsara ng mga talukap.
Ang sinag ng buwan sa madilim na kalangitan ay ang mas lalong nagbibigay ng lungkot. Nagsimula ang araw nila sa pagkakakilala sa isa't, at nagtatapos iyon kasabay ng katapusan ng kanilang paghinga.
Bago pa man tumama ang katawan ni Lara sa matigas na bato ay muli niyang iminulat ang mga mata habang nakatingin sa mga mata ng binatang unti-unti na ring pumipikit. Sa huling pagkakataon ay mukha nito ang nakita niya. Ngunit kahit gano'n, hindi niya pinagsisisihan iyon. Hindi niya pinagsisisihang nakilala niya ito at nakasama kahit isang araw lang.
Hanggang sa tuluyan ay naramdaman niya ang hindi maipaliwanag na sakit ng pagkatama ng likod sa malaking bato na hinahambalos ng malalakas na alon. Ramdam niya ang pagkawasak ng mga buto at sakit na dulot nito sa kan'yang mga kalamnan.
Time Check:
12:00 A.M.Hanggang sa walang kurapan ay tuluyan nang dumilim ang buong paligid at tumahimik ang kan'yang pandinig. Ang lahat ay naging blanko maliban sa emosyong nararamdaman nilang pareho.
#9 Playlist - Surrender by Natalie Taylor.
Nang muling magising ay tila nawala lahat ng sakit na naramdaman mula sa pagkahulog sa bangin. Ang kan'yang kulay kapeng mga mata ay kumikislap mula sa ilaw ng araw na tumatagos sa bintanang may inaalon na kurtina at ang pakiramdam ay tila gumaan.
Napatingin siya sa harap habang nakahiga parin at nakita ang gawa sa kahoy na kisame. Bumangon siya mula sa pagkakahiga at umupo. Tinignan niya ang paligid. Mula sa kaliwa ay kita niya ang gawa sa kahoy na dingding, maliit na bintana, at maliit na bangko. Sa kanan ay may isang mataas na salaming hugis pahaba at sa katabi nito ay ang pintuang natatakpan lamang ng mahaba't puting kurtinang bahagyang isininasayaw ng hangin.
Walang nakaharang na pinto roon kung kaya't maliwanag parin ang buong kwarto at maging kulay kahel ang paligid.
Inalis ni Lara ang kumot na tumatakip sa kan'ya at itinapak ang mga paa sa malamig at dekahoy na sahig.
BINABASA MO ANG
It Only Takes A Day
Cerita PendekThis story, is about a boy who only have a 24 hours (or less) to live his life and unexpectedly met a girl that he didn't expect to fall in love with. What do you think will happen? What if, all of their first times would happen in his last day? Wi...