CHAPTER 6 |PAIN|

399 24 7
                                    

~^^~^^~^^~^^~

Chapter 6 |Pain|

Third Person's POV

Hindi parin makapaniwala ang lahat sa nangyari. Ang iba ay napapasigaw nalang ang iba naman ay nakatingin lang sa hindi gumagalaw na katawan ni Renzo.

Pawang mga gulat sa nangyari..

"Re..Renzo!! Anong nangyari sayo tumayo ka diyan please!!" sigaw ni Lizzy habang iniyuyugyog ang katawan ng kasintahan na nakahandusay ngayon sa sahig.

Lalapit sana si Aizel sa katawan pero hinawakan ito ni Zach sa kamay dahilan para mapatingin ito dito.

"Bakit?" tanong nang nag-aalalang si Zach.

"Titingnan ko ang pulso niya, baka--"

"No--"

Nagulat si Aizel sa reaksyon ng binata dahilan para mapakunot ang noo nito.

"A..ako na a..ang titingin" paliwanag ni Zach saka binitawan ang kamay ni Aizel para lumapit sa katawan ni Renzo.

Si Aizel naman ay makasunod lang ang tingin sa binata. Marahil nagtataka parin sa ikinilos nito kanina.

Lumuhod si Zach sa gilid ni Renzo sapat para mapantayan niya ang lebel nito.

Hinawaka niya ang braso nito at tiningnan ang pulso nito. Nakatingin ang lahat sa kanya. Tila nag-aabang kung anong sasabihin niya.

"Am I going to do this?"

Sabi ni Zach sa isip niya habang hawak hawak parin ang pulso ni Renzo at isa isang tiningnan ang kasama niya.

"Ano na?" tanong ni Victoria na nakacross ang mga kamay.

Napabuntong hininga muna si Zach bago umimik.

"Liz, im sorry" sambit ni Zach habang seryosong nakatitig kay Lizzy.

Nanlaki naman ang mga mata ni Lizzy na ani mo'y sa maikling katagang sinabi ni Zach ay alam na niya ang ibig sabihin nito.

"He's Dead" pagpapatuloy ni Zach dahilan para mapahagulgol si Lizzy at mapaluhod nalang sa tabi ng kasintahan.

Ang kaninang mukang matapang na si Victoria ay napatungo nalang din dahil sa nalaman.

"Im sorry" bulong ni Zach sa sarili niya at naiitikom nalang ang kamao niya.

"Sino ang pumatay sa kanya?"

Tanong ni Aizel sa utak niya habang pinagmamasdan ang katawan ni Renzo na nasa sahig.

"Bukod kay Renzo sino pa ang uminom ng juice?"

Napatingin ang lahat kay Jiro na ngayon ay nasa tabi na ng lamesa at hawak hawak ang baso kung saan uminom si Renzo.

Walang boses ang lumabas kanilang mga labi. Tanging iling lamang ang naisagot nila.

"Sinong naiwan dito sa baba kanina? Sinong nagtimpla ng juice?" pagpapatuloy pa nito na ipinagtaka ng ilan sa kanila.

"Why are you asking us those questions?" tanong ni Victoria at tiningnan si Jiro ulo hanggang paa.

Ngumisi si Jiro na animo'y ayaw magpatinag sa inaakto ni Victoria.

Nangunot ang noo ni Victoria dahil sa ipinakitang reaksyon ni Jiro pero ilang sandali lang ay nanlaki ang mata nito at tinaasan ng isang kilay si Jiro.

"Pinagbibintangan mo ba kami?" sambit ni Victoria sabay tingin kay Jiro ng masama.

"Malamang?" tugon ni Jiro at dahan dahang lumapit kay Victoria habang nakatitig sa mga mata nito kaya napapaatras nalang ito.

Pact Of RabbitHeadsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon