Chapter 13 |The Rabbitheads|~^^~^^~^^~^^~^^~
Aizel's POV
"Call the ambulance!"
"Tanga 'wag! Patay ako 'pag nalaman ng magulang ko'to"
"Ba't ba kasi ginawa pa natin 'to eh"
Nagising ang diwa ko dahil sa mga bulungan na naririnig ko. Hindi ko alam kung bakit pero pamilyar lahat ng boses na naririnig ko ngayon.
Sinubukan kong igalaw ang katawan ko pero napaungol lamang ako nang dahil sa sakit.
"Gising na s'ya!"
Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. Malabo man ang paningin at masakit ang ulo ko ay ipinilit ko paring ilibot ang sa paligid ang aking mga mata.
Hindi ko maiwasan ang magulat at mapatayo sa sofa na kinahihigaan ko nang makita ko ang lahat na buhay at nakatingin sa akin ngayon na walang galos o kung ano man. They're all in one piece but why?
"Anong nangyayari dito?" lito kong tanong at isa-isa silang tinitingnan. May sumagi na sa isip ko kung ano 'tong nangyayari pero gusto ko magmula ito sa kanila.
Tila nagsesenyasan sila at nagtitinginan kung sino ang s'yang iimik and none of them seems want to spit it out.
I heard Jackson cleared his throat so I looked at him and waited for him to talk.
"G-ganito kasi yun Aizel, umm balak ka lang naman kasi naming takutin. Trip lang ka--"
"So, trip n'yo lang na mahulog ako sa hagdan? Ganun ba yun Jackson?" pinutol ko ang pagpapaliwanag n'ya at sinamaam s'ya ng tingin kaya napalunok nalang s'ya at napatingin sa ibang direksyon.
"Wala naman kase sa plano yun eh, hindi namin alam na mangyayari yun. Ikaw ang may kasalanan nito, Victor!" bintang ni Nico na s'yang lalong nagpainit ng dugo ko.
"Anong ako? I'm just trying to keep my role dumbass at saka hindi ko naman sinasadya na itulak s'ya, malay ko bang mahuhulog pala s'ya sa hagdan. Ikaw nga, ang OA kung maka-acting and please fucking stop calling me Victor" giit naman ni Victoria.
"Punyeta ka! Ikaw nga d'yan ang exage ng pagkamatay! Akala namin tunay na nagbigti kana!" dagdag pa ni Jackson.
"Ganun talaga! It's a matter of perspectives. In-assume n'yo na sa leeg ko nakatali yung lubid kahit na ang totoo ay dito yung nakatali!" paliwanag ni Victoria at itinuro ang sabitan nito sa likod na ani mo'y siya mismo ang naggawa.
"And also, you almost miss my hint. Kung hindi dahil kay Aizel siguro hindi n'yo magi-gets yung attic!" aniya pa at alitan lang sila ng alitan at hindi rin nagtagal ay nakisali narin sina Renzo at Lizzy sa mga pagtatalo.
Inilihis ko ang atensyon ko sa kanila at itinuon sa dalawang taong itinuring kong mahalaga sa buhay ko. Mga taong hindi ko naisip na kayang gawin sa akin ito.
Pinagmasdan ko silang dalawa na tila hindi makatingin sa aking mga mata.
"And you two agree to this?" giit ko na s'yang nagpatigil sa pag-aalitan ng iba at napukaw ang atensyon sa akin.
Unti-unti kong naramdaman ang pamumuo ng luha ko sa aking mga mata na pilit kong pinipigilan na pumatak ngunit sadyang mga traydor ang mga ito, napatikom nalang ako ng aking kamao dahil sa labis na dismaya na nadarama ko.
Lumapit si Zach sa akin at tiningnan ako sa mata ngunit tila namanhid nang muli ako nang mapagtanto na wala akong maramdaman nang makaharap s'ya. Tanging galit lang ang nararamdaman ko ngayon.
![](https://img.wattpad.com/cover/18416198-288-k485346.jpg)
BINABASA MO ANG
Pact Of RabbitHeads
Mystery / ThrillerSometimes a sweet looking bunny can make your death bloody. Book cover by @richardyeol