Dedicated to jinbeans for making my trailer.
Chapter 8 - One by One
~^^~^^~^^~^^~^^
Third Person's POV
Napakatahimik ng paligid. Tanging pag-agos lamang ng tubig ang tanging maririnig sa loob ng palikuran. Gulat na gulat ang reaksyon ng lahat sa kinahinatnan ni Lizzy.
Naliligo siya sa tubig na nahaluhan na ng kulay pulang likido habang nakahiga sa bathtub. Ang buong katawan niya ay nakalublob na sa tubig tanging ang ulo nalamang niya ang nakalitaw ngunit may pulang likidong lumalabas sa kanyang labi habang patuloy parin ang pag-awas ng mapula pula na may halong dilaw na kulay ng tubig dahil sa nakabukas na gripo. Walang may lakas ng loob upang patayin ito.
"Who the hell is it? Who the hell is doing all of these shit?" nabasag ang katahimikan ng biglang umimik si Nico at kasabay nun ang bigla niyang pagdadabog.
"Hindi ko na kaya ito, umalis na tayo guys!" bulyaw naman ni Jana habang napapasabunot nalang sa kanyang sarili.
"What should we do?"
"Bakit pa kasi tayo pumunta dito!!"
"We're going to die here..."
Sari saring reaksyon at kataga ang binitawan nila at ang kaninang tahimik ay napuno ng ibat-ibang kuhesyon.
"Guys.."
Muling natahimik ang lahat at ibinaling ang tingin kay Aizel dahil bigla na lamang itong nagsalita. Naghintay sila ng ilan pang mga segundo bago pa niya ituloy ang sasabihin niya.
"I think i know who's doing this"
Naghari ang katahimikan sa pwestong kinatatayuan nila. Tanging ang kulog lamang ang tanging maririnig. Nagkakatinginan sila marahil sa pagtataka at pagkalito sa sinabi ng isa.
"W--what do you mean?" unang nagbuka ng bibig si Jackson.
Huminga muna ng malalim si Aizel saka nagsimulang binuksan ang kanyang bibig upang sabihin ang kanyang pahayag sa pangyayari.
"The ra---" saglit naputol ang sasabihin ni Aizel at pinagisipan ang sasabihin niya.
"The pact wearing a rabbit mask from the news. I think, i think they are the one who's doing this..." pagpapatuloy nito habang nakatungo at pinakikiramdaman ang magiging reaksyon ng mga kasama.
"Ah, talaga?" sambit ni Jackson at napakamot nalang sa kanyang sentido na ani mo'y hindi gaanong nabigla sa sinabi ni Aizel.
Nangunot naman ang mga noo nina Zach at Nico samantalang su Victoria at Jana naman ay pinagtaasan lamang ng kilay ang isa. Hindi ito ang inaakala ni Aizel na magiging reaksyon ng mga kasama niya.
"Im deadly serious right now!" bulyaw ni Aizel na hindi naman inaasahan ng mga kasama niya.
Ang lahat ay nakatingin lang sa kanya na ani moy pinupuna siya. Hindi niya maiwasang maging hindi komportable sa sitwasyon niya kaya napahawak nalang siya sa ilong niya na gaya ng lagi niyang ginagawa pero nito niya rin napag-alaman na wala na nga pala ang salamin niya sa mata kaya napatungo na lamang siya at itinuon nalamang ang pansin sa maruming sahig.
"Stop talking shit Aizel" nabigla nalang ang lahat ng biglang nalamang sumigaw si Jana. Nagulat sila dahil ni minsan hindi pinagsalitaan ng ganon ni Jana si Aizel dahil matalik niya itong kaibigan.
BINABASA MO ANG
Pact Of RabbitHeads
Misteri / ThrillerSometimes a sweet looking bunny can make your death bloody. Book cover by @richardyeol