Hint: Walang pumapatay sa kanila pero may napatay sa kanila
Isang napakalaking hint mula sa akin. Bahala kayo kung paniniwalaan n'yo yang hint na'yan.
Pambawi narin sa sobrang tagal na hindi ko pagupdate.
~^^~^^~^^~^^~
Chapter 9 |The Opposite|
Third Person's POV
"Help me please..." pagmamakaawa ni Victoria na ngayon ay lumuluha na halos matunaw na ang kanyang mga palamuti sa muka.
Hindi makagalaw si Aizel at Jana habang nakatingin sa kasama nila hindi kalayuan ka kanila. Para silang naistatwa sa kinatatayuan nila. Mga gulat ang ekspresyon nila dahil sa hindi inaasahang pangyayari.
Samantalang ang salarin naman ay napapangiti sa likod ng kanyang maskara na maraming gasgas na animoy marami nang pinagdaanan.
Siya'y nasisiyahan dahilan sa reaksyon ng isa.
"Ang ingay niyo na---"
Naputol ang pagrereklamo ni Jackson na kakalabas lamang ng kwarto nang mapagtanto kung nasa anong sitwasyon sila ngayon.
"Sht" lang tanging lumabas sa bibig ni Nico na kakalabas lang rin ng kanilang kwaderno.
Gaya ng iba nanigas din sila sa kinatatayuan nila, nangangamba na sa isang maling galaw nila ay may posibilidad na mapahamak ang kaibigan nila.
"Tigilan mo na kami, please" sambit ni Jana habang ang muka niya ay puno ng pagmamakaawa.
Umiling iling lang ang salarin at bahagyang itinagilid ang ulo.
"No"
Ang iisang salitang sinambit ng salarin na siya namang agad nagpakilabot sa mga magkakaibigan.
Dahil sa ang boses niya ay parang hinugot sa kailaliman ng lupa.
Ani mo'y boses ng isang demonyo.
Itinaas nito ang isang kamay na walang na kutsilyo na nakatutok sa biktima at pinatunog ang mga daliri nito.
Sa isang iglap nabalot sa dilim at napuno ng sigawan ang paligid.
"Guys! Calm down!"
"W-wala akong makita! Nasan kayo!"
"Ayoko na! Itigil na nat--
Natigil muli ang hiyawan ng lahat ng muling bumalik ang ilaw ilang minuto palang ang nakakalipas.
Kapwa ang lalalim ng hininga ng lahat at kahit nasa alanganing sitwasyon ay bahagya silang nakahinga ng maluwag nang magkaroon muli ng liwanag.
"Wait, where's Victoria?" tanong ni Jackson habang nakabaling ang tingin sa lugar kung nasaan nakatayo ang salarin at ang kanyang biktima.
Bumaling din ang tingin nila kung saan nakatingin ang isa ngunit muling bumalik ang kaba nila sa kanilang mga muka ng mapag-alaman na wala roon ang kaibigan nila at pati natin ang salarin.
"Sht, nasaan na yun?" napabulyaw nalamang ang kapwa nilang si Nico at naglakad papunta sa pwesto kung saan huling nakita ang kaibigan.
Pati ang iba ay sumunod na at pabaling baling ang tingin na ani mo'y naghahanap ng bakas ng nawawalang kaibigan.
"Na-nasaan si Zach?" tanong ni Aizel ngunit walang sino man ang naglaan ng oras upang makinig ng tanong niya. Masyado silang abala sa paghahanap sa nawalay nilang kaibigan.
![](https://img.wattpad.com/cover/18416198-288-k485346.jpg)
BINABASA MO ANG
Pact Of RabbitHeads
Tajemnica / ThrillerSometimes a sweet looking bunny can make your death bloody. Book cover by @richardyeol