CHAPTER 4 |LOVE|

464 28 16
                                    


~^^~^^~^^~^^~^^~

Chapter 4 |Love|

Nico's POV

Nararamdaman kong umaga na dahil may sinag na ng araw nang pumapasok sa kuwarto ko mula sa bintana.

Nagtalukbong lang ako ng kumot para hindi masinagan ang muka ko.

Masyadong nakakapagod ang byahe kagabi kulang pa ako sa tulog.

At kakaisip narin kay Jana.

All this time ay alam kong matagal na niyang gusto si Kenzo.

Kagabi, yung reaksyon niya doon sa balita tungkol sa brutal na pagpatay kay Kenzo. Kitang kita ko sa reaksyon niya na lubos siyang naapektuhan doon.

She loves him. I can see it in her eyes. Her pupils gets bigger when she look at him. I know because this is how I look at her.

Dahil sa sobrang pag-iisip ay nawala ang antok ko. Bumangon nalamang ako at naglakad papunta sa pintuan at binuksan ito.

Lumabas ako sa kwarto ko at bago pa man ako maglakad ulit ay nag-unat unat muna ako.

"Hoy gag*" rinig kong boses mula sa kanan ko. Pagharap ko dito ay si Zach lang pala ito.

At ngayon ko lang napuna na nakaakbay na pala siya saakin.

"Ano nababakla kana ba sakin? Hii fafa Zach" hirit ko dito kaya agad niyang tinanggal ang pagkakaakbay niya at sinamaan ako ng tingin.

"Shit ka" tanging sabi nito habang nakatingin parin ng masama saakin. Natatawa nalang ako sa reaksyon niya.

Ayaw niya kasi sa mga bakla. Nagkaphobia ata nung bigla siyang hatakin ng isang bakla nung maliit palamang siya.

"Biro lang bro" sabi ko nalang dito kasi ang sama parin ng tingin niya saakin.

Napatingin naman ito sa likod ko at biglang nagbagi ang aura niya. Biglang ngiti ang gag*.

Napatingin nalang rin ako sa likod ko para makita kung anong meron.

Ahhh si Aizel pala...

At si Jana..

"Go..good morning" bati ni Aizel sakin.

"Good Morning din" tugon ko saka niya ako nilagpasan.

Tiningnan ko si Jana. Babatiin ko sana siya pero parang hindi good ang morning niya.

She looks pale as if she didn't have enough sleep.

"Jana are.." hindi ko na tinuloy ang sasabihin ko at napatungo nalang

Who am I kidding? I know she's not ok.

"Mmm..? may sinasabi ka?" nagulat ako nang biglang siyang nagsalita kaya agad akong napatingin sa kanya.

"Ahh..wala sabi ko may laway ka pa sa pisngi" sagot ko nalamang.

Agad namang nanlaki ang mata niya at pinahid ang pisngi niya.

Napangiti nalang ako habang pinagmamasdan siya.

Ang cute niya talaga..

"Enebe!!"

May narinig akong mga boses sa likod ko at mukang alam ko na kung sino ang mga ito.

"Babe itigil mo yan!!" sabi ni Lizzy kay Renzo habang pinipisil niya ang mga pisngi nito.

Tama nga ang hinala ko..

"Ang cute cute mo kasi~" sabi naman ni Renzo at biglang yakap kay Lizzy.

Pact Of RabbitHeadsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon