^^~^^~^^~^^~^^
Chapter 1 |Road Trip|
3rd Person's POV
Nakatingin lamang si Aizel sa bintana ng Van habang tinitingnan ang mga dumadaan na puno nahahagip ng kanyang mata. Hindi niya parin maiwasang isipin ang nakita niya kanina.
"Babe ano ba itigil mo nga yan! Nakikiliti ako!" natatawang pigil ni Lizzy habang hinikiliti siya ang kasintahan niyang si Renzo.
"Ito naman, ngayon lang nga ulit tayo nagkasama" tampo naman ni Renzo sabay tigil sa pagkiliti kay Lizzy. Lumihis into sa ibang direksyon habang nakanguso na parang batang inagawan ng pinatamis.
"Tampo agad?" sambit ni Lizzy sabay yakap kay Renzo sa likod at hinalikan niya ito sa pisngi para na siya namang dahilan upang mabuo ang isang ngiti sa nagtatampong kasintahan.
"Hoy, kayo d'yan sa harap! Sa Resthouse n'yo na gawin yang kalandian nyo!" sigaw ni Jana na nasa likod lamang ng kinauupuan ng dalawa habang nakangiwi.
"Oo nga doon kayo sa kama! Maganda ang kama dun, malaki pa! " pagamalaki naman ni Jackson na nasa frontseat at tuwang-tuwa habang pumapalakpak kahit na wala naman dapat ikasiya sa sinabi niya.
Pinagtaasan lang nila si Jackson ng kilay at nagtataka kung ano ang nakakatawa at bakit ganoon nalang ang naging reaksyon niya. Napansin naman ito ni Jackson kaya agad siyang tumigil sa pagtawa. Isinara nalang niya ang bibig niya gamit ang imaginary zipper at tumingin nalang sa harap ng sasakyan na ani mo'y walang nangyari.
"JayJay Honey, please stop being a weirdo" biglang pagbasag ng katahimikang sabi ni Victoria na nakaupo katabi ni Nico at Jana.
Nagpantig ang tenga ni Jackson dahil sa narinigi kaya agad siyang lumingon sa likod na nagsasalubong ang kilay. Binuksan niya ulit ang imaginary zipper niya sa bibig at muli nanamang umimik.
"Shut your mouth Victor! If you don't want me to call you by your real name" ganti ni Jackson at bahagyang tumingin sa taas na parang nag-iisip.
"Wait! I already did" dadag pa nito habang nakangiti ng nakakaloko bilang ganti sa isa.
"Burn!" natatawang sambit ni Zach habang nakatingin parin sa daan at hawak-hawak ang manibela.
"Fuck you Jackson, I said never call me that!" bulyaw ni Victoria pabalik kay Jackson.
"But your birth certificate says that you should be called like that!" dagdag pa nito habang tumatawa parin.
"Ilang beses ko bang ipapaliwanag sa'yo na naubos ang tinta ng ballpen na ginamit to write my name kaya hindi umabot ang letter "I" and "A"?" giit naman ng dalaga na ngayon ay namumula na ang ang muka dahil sa inis.
"Sa prisinto ka magpaliwanag!" aniya pa kaya hindi na napigilan pa ni Victoria ang sarili at ibinato na niya ang kanyang sapatos kay Jackson na sakto namang sa batok niya tumama.
Ang kaninang tahimik na sasakyan ay napalitan ng tawanan dahil sa palitan ng salita ng dalawa.
Breaking News!
Isang karumal dumal nanaman na pangyayari kahapon ng gabi.
Isang binata na nagngangalang "Kenzo Fier"ang walang awang pinatay.
Wakwak ang kanyang tiyan na ani moy galit ang dahilan kung sino man ang gumawa nito.
Katulad ng ibang insidente ay nakataas din ang dalawang kamay nito na nagsisilbing imahe ng isang kuneho.
![](https://img.wattpad.com/cover/18416198-288-k485346.jpg)
BINABASA MO ANG
Pact Of RabbitHeads
Misterio / SuspensoSometimes a sweet looking bunny can make your death bloody. Book cover by @richardyeol