|EPILOGUE|
~^^~^^~^^~^^~^^~
We all have our own inner demons. Even if you try to fight and deny that fact, it will still come out when you are pushed into the corner.
I mentioned before that I'm scared of the dark. Yes, I am scared of it but sometimes darkness is not that bad. Time will come and you'll cope up to its ambiance until you and it collide with each other.
Because of staying into the dark for too long I've become the darkness itself.
"Hello? who you?" sambit ni Franklin habang hawak hawak ang telepono niya sa tenga.
"Sino yan?" tanong ni Kaiser kay Franklin na nasa frontseat at katabi n'ya na s'yang nagmamaneho ng sasakyan kung nasaan kami ngayon nakasakay.
"Ewan ko rin. Prank yata? Basta ang sabi ay I have the body where should I hide it? Binaba ko kaagad eh. Ang galing nya nga eh, nahagilap n'ya ang landline ng phone ko" paliwanag naman ni Franklin na ngayon ay nakababa na ang telepono mula sa tenga n'ya.
"By the way, Zuvil and Zamil sino sa inyo ang hindi sumunod sa rules at pinatay ang isang binata at matanda na nasa resthouse kanina?" mahinahong tanong muli ni Kaizer sa dalawang kambal na silang katabi ko ngayon sa backseat.
"What rules? I didn't use a gun to kill!" giit naman ni Zamil na s'ya pang babae sa magkapatid.
"Rule number three, kill for a reason" paalala naman ng kapatid n'yang si Zuvil na abala sa paglalaro ng color switch.
Napasinghal nalang si Zamil at inirapan ang katabi.
"The old hag called me hijo and that idiot peed on my rabbit mask" aniya kaya lahat kami ay napangiwi at nandiri sa sinabi n'ya. Kahit ako ay hindi ko naiwasan ang mapangiwi narin.
"Reason accepted?" taas noong tanong nito.
"Accepted" tugon naman ni Kaizer na nananatili paring nakahawak sa manibela at nakatingin sa daang tinatahak namin ngayon.
"Kung saan-saan kasi iniiwan" pasaring naman ni Franklin kaya napabusangot nalang ang isa.
"Yung resthous--"
"Don't worry I've burnt it" hindi pa man naitutuloy ni Kaizer ang kaniyang sasabihin ay may sagot na kaagad si Zuvil dito na s'yang patuloy sa pinagkakaabalahan n'ya.
These siblings are really good when it comes to murder and evidences.
"Umm, Ate A are you okay?" nag-aalalang tanong ni Zamil sa akin kaya napatingin ako dito at ginantihan s'ya ng ngiti.
"Yup, sanay na akong masaktan" sagot ko nalamang at tumingin sa labas ng bintana, ngayon ko lang napansin na sumisikat na pala ang araw.
"Kelan ka pa natutong humugot ha?" giit naman ni Franlin at hindi man ako nakatingin sa harapan ko ay kita ko sa peripheral vision ko na nakasulpot ang ulo n'ya mula sa kinauupuan n'ya at nakatingin sa akin.
"Don't get too attached to humans letter A, nakakakaba ka noong tinawagan ka ni Franklin. I thought you were going to quit the pact" sambit ni Kaizer kaya agad akong napaharap sa rear view mirror kung saan nagkatinginan kami ng mata sa mata.
Ah, oo nga pala tumawag sila matapos naming maligo sa maliit na ilog. That was the time when felt that I belong to the human world, the moment that I forgot that I'm a monster.
"Yeah sorry for that, at parang makaka-quit ako sa pact eh no? but fuck you Franklin you almost blew my cover!" sagot ko nalamang at sinamaan ng tingin si Franklin.
Nang dahil sa kanya nakita ako ni Victor-- I mean Victoria na gamit ang secret communication cell namin.
Ay shit, speaking of cellphone. Throwing my other phone is a wrong move, baka tumatawag doon si Mama.
"Remember, we aren't humans anymore so don't get attached just cope" muling paalala ni Kaizer na para sa akin syang nagsilbing kuya naming lahat.
And yes, the first time we wore the mask is the time we are converted into demons.
"I have a human girlfriend and I find that offensive, Kaizer" giit naman ni Franklin at muling umayos na ng upo.
"Are you sure about that woman, kuya Franklin?" pagdududa ni Zamil na hindi parin komportable sa girlfriend ni Franklin.
"Don't worry, Abby's not like the others" taas noong paninigurado naman nito sa isa.
"Mentally disabled" rinig kong bulong ni Zuvil kaya hindi ko na naiwasan pa ang mapatawa.
"Gagong bata, rinig ko yun Zuvil" sambit ni Franklin kahit hindi nililingon si Zuvil.
"Mabuti pang makinig nalang tayo ng radyo" muling sabi ni Franklin at pinihit ang radyo ng sasakyan.
"Breaking news, muli nanaman pong may nabiktima ang mga grupo ng nakamaskara ng koneho"
"Hindi pa ba natin ibibigay ang tunay na pangalan ng pact natin? Nakakarindi na yang ang grupo ng nakamaskara ng koneho eh" prisinta ni Zuvil na minsan lang msgsalita kaya napatango tango nalamang ako.
"Saka na, hayaan n'yo muna sila" sagot naman ni Kaizer kay Zuvil na s'yang nagpatahimik ng paligid at ang tanging nagbibigay ng ingay ay ang radyo na nag-uulat ng balita.
I can't believe that I suspected the rabbitheads for doing the killings that was just a big hoax. That's the thing that I still can't digest.
But oh well, past is past in the end I will always be a part of them.
Black Clothes
Red Eyes
Rabbit Mask
"I'm a member of the Rabbitheads"
The End
~^^~^^~^^~^^~^^~^^~^^~^^~^^
Whooo sawakas natapos ko rin 'to. Yehey! Again, thanks for reading! Ilalagay ko ang "Facts and Hints" pag nagka oras si Author-nim.
VOTE AND COMMENT

BINABASA MO ANG
Pact Of RabbitHeads
Misteri / ThrillerSometimes a sweet looking bunny can make your death bloody. Book cover by @richardyeol