Pansin ko lang xD halos pala lahat ng pangalan ng characters ko nagsisimula sa "J" pati sa IWTBAK ehhh xD
Pero wala naman itong konek o hindi naman ito clues para malaman si Killer.
Taena akoy nagluluksa ngayon sa pagkamatay ni Jiro bebs ㅠㅠ
This chapter is dedicated to -pizzaparazzi salamat sa paggawa ng book cover + gif <3 <3 :")) ang ganda!!
~^^~^^~^^~^^~
Chapter 7 |Drowned|
Victoria's POV
Naglalakad kami ngayon ni Lizzy papunta sa CR mas nahuhuli akong maglakad kaysa sa kanya. I don't even know why the hell am I following her.
Binilisan ko ang lakad ko para mapantayan ko ang agwat naming dalawa. Ang layo ko na kasi sa kanya.
"Hey Lizzy!" tawag ko sa pangalan niya na agad namang niyang ikinalingon. Aba nakangiti pa ang bruha.
"You're walking too fast" pagpapatuloy ko kaya itinigil niya ang paglalakad kaya napatigil narin ako.
Nangunot ang noo ko.
"And why are you smiling like an idiot?" I can't let aside what's the reason for her smile. Kanina, iiyak iyak siya tapos ngayon ngumingiti siya? Nababaliw na ata ito.
"Nothing hehe" sagot naman niya at tumawa pa. Seriously? Nothing?
Nagpatuloy na siya sa ulit sa paglalakad samantalang ako naiwan lang sa kinatatayuan ko habang nakasunod ang tingin sa kanya with my brows still furrowed.
I know that smile of hers. Maaaring may naachieve siya o may nangyaring maganda sa kanya.
Ano naman kaya yon?
Napabuntong hininga nalang ako at nagsimula na ulit ihakbang ang mga paa ko para mahabol si Lizzy sa paglalakad.
But then everything went dark..
Napahinto ako sa paglalakad at tumingin sa paligid. Bakit ang dilim?
"Lizzy? Nasaan ka?" tanong ko kasi hindi ko siya makita.
"Nandito ako Victoria, bakit biglang namatay ang ilaw?" Rinig ko ang boses niya sa may bandang unahan ko. Napabuntong hininga nalang ako, buti hindi pa siya nakakalayo sa akin.
"Dunno.." sagot ko habang nakakunot ang noo ko. Anong trip nila at pinatay nila ang ilaw?
Ilang sandali pa ay nagkaliwanag na ulit.
"What happened?"
Napatingin ako sa direksyon kung saan nanggaling yung sigaw. If im not mistaken, si Jackson ang sumigaw.
Lalakad na sana ako papunta doon sa kinaroroonan ni Jackson ng bigla kong naalala na kasama ko nga pala si Lizzy kaya nilingon ko muna siya.
"Hey, Liz are you coming or not?" bulyaw ko sa kanya habang nakatayo parin siya doon at nakatingin sa unahan.
"MagCCR nga ako diba?" sagot niya naman tumingin sakin habang nakangiti.
Inirapan ko lang siya dumiretso na.
Abnormal na ata 'tong kaibigan ko, nagkahiwalay lang sila ni Renzo sandali nagkaganyan na yan.
Oh well, atleast kahit sandali hindi ko makikita ang kalandian nilang dalawa.
BINABASA MO ANG
Pact Of RabbitHeads
Mystery / ThrillerSometimes a sweet looking bunny can make your death bloody. Book cover by @richardyeol